Chapter 9

18 0 0
                                    

Anastasia's pov







She's home?

Tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa sasakyan niyang nakaparada na sa dating pwesto nito.

Ngunit Napasimangot ako nang maalalang magkasama sila ng Nash na yun.

Okay lang naman sakin eh, kaso hindi niya agad sinabi sakin. Kay dad ko pa nalaman.

Pero di ba? Wala naman ako dapat pakialam kasi hindi naman talaga kami kaya malaya siyang makisama sa kahit na kanino.

Napabuga ako saka pumasok ng bahay at kaagad kong naamoy ang perfume niya na ilang araw ko nang hindi naaamoy.

I was expecting her to be around pero mukhang nagpapahinga na siya.

Napatayo ako sa harap ng pinto ng kwarto niya habang pinag-iisipan kung kakatukin ko ba siya. Pero naisip ko na baka makaistorbo pa ako.





"Bukas na lang siguro."




Kaya kinabukasan maaga akong nagising at nagluto ng agahan pero hindi talaga siya lumabas.

Kaya ayun, niref ko muna yung mga niluto ko at tinungo ang study room ko.

Which caught me by surprise, dahil may limang rolyo ng tela na nakabalot pa sa plastic ang nakatayo sa may gilid at ganun na lamang ang pagmangha ko nang makita kung anong klaseng mga tela yun.



"Oh my gosh!!"




Tiningnan ko lahat at halos mahimatay na ako sa pagkamangha. Naiiyak na ako talaga sa sobrang saya. .

Huwag mong sabihing binili niya to?

Hanggang sa mapansin ko pa ang isang kahon sa may gilid saka ko ito binuksan at shocks!

Sewing machine????? And it's not just a sewing machine dahil kompletong set ito.





"She bought all this?? Kahit na hindi ko siya pinapansin???"





When I've realized that, bigla na lang akong binalot ng guilt sa katawan ko.

To think na pinagtatarayan ko pa siya bago siya umalis at hindi ko man lang siya kinokontak habang nandun siya pero naalala niya pa rin ako.

Di ko alam pero bigla na lang akong naiyak.

Parang gusto ko tuloy siyang yakapin... And I missed her a lot....




Inaayos ko yung mga binili niya sa akin when I heard her door creaked kaya kaagad akong lumabas and there she was standing in front of me who's actually surprised to see me.

Pero naikunot ko ang noo ko nang mapansin kong namumutla siya at balot na balot siya ng damit.

And her lips and cheeks are unusually more red than the usual.

Kaya kaagad akong lumapit sa kanya at dinampian ng aking palad ang noo niya.... And yes I'm right... May lagnat nga siya.




"Ang init mo Elle. May lagnat ka!"




She tried to say something pero hinila ko na siya pabalik ng kwarto niya at pinaupo siya sa ibabaw ng kanyang kama.

I took off to get her some food at gamot and when I came back she was already lying down her bed at nakakumot.





"Kumain ka muna at pagkatapos ay iinom ka ng gamot."




Sabi ko saka siya naupo at kinuha ang oatmeal na nilagyan ko ng mga hiniwa-hiwang prutas.

Next Level: Us Lovers?Where stories live. Discover now