CHAPTER 65

139 8 9
                                    

(FASTFORWARD)

VICE POV'S

Gumaling nako kaya pumasok na muna ako sa trabaho.

Mamimiss ko rin tong kompanya nato.

At lahat ng tao rito.

Habang kasama ko si ion sa conference room dahil may meeting sila ni Mr.Villanueva ay sakto dumating sina Mr.Joel at Cath.

Tangina naman oh....

Cath glares at me.

"Let's start? " tanong ni Mr.joel

Habang naguusap usap sila kami ni Cath ay magkatitigan lang.

Huminto si ion sa pagsasalita upang bumulong sakin.

"Mamaya alis na tayo" bulong niya.

"San tayo pupunta? " tanong ko.

"Diba sabi mo gusto mo pumunta sa Baguio" sagot nya.

"Ah"

Nagpatuloy na muli siyang magsalita.

Pagkatapos ay nagsikamayan sila.

"Tara na? " tanong ni ion.

"San kayo pupunta? " tanong ni Cath.

Wag kang mag alala hindi kami magtatanan, kahit mahal ko siya hindi ko pwedeng isakripisyo ang nanay niya.

Alam kong importante sakanya ang nanay niya kaya hindi pwedeng mawala si maam Maricel.

"Sa Baguio lang" sagot ni ion.

"Ah sige"

Tinitigan naman ako nito ng masama.

~

Habang nag mamaneho si ion ako naman ay nakatitig lang sa bintana habang hawak ang isang kamay nya.

Mamimiss ko ang presensya mo.

Mamimiss ko to.

Ipinikit ko ang mga mata ko at naka tulog ako agad.

Bakit ganon antukin nako?

Dahil ba sa kakaiyak at sa sakit na nararamdaman ko?

At medyo lumalaki rin ang tyan ko ah.

Nasobrahan ata ako sa tubig.

~

"Babe andito na tayo" banggit sakin ni ion ata gumising nako.

"Babe pede 5 days lang tayo dito tapos 1 week tayo sa bicol? Gusto ko makita yung mayon eh" sambit ko.

"Hindi ako sure diyan babe marami kasi akong gagawin sa kompanya eh"

"Please? "

"Sige na nga alam mong hindi kita kayang hindi pagbigyan eh" Saad nya at kiniss ako.

Bumaba nako ng kotse at siya naman ay bitbit ang gamit namin.

Nag rent kami ng matutulugan for 5 days.

Habang nasa kwarto kami ay nag ayos na kami ng gamit namin.

Tinitiklop ko ng maayos ang mga damit at siya naman ang nag aayos sa kabinet.

"Babe ano tong brown envelope? Sayo? " tanong niya.

Agad naman akong natauhan kaya agad kongg kinuha sakanya iyon bago niya pa mabuksan.

"A-ah w-wla wala don't mind it siguro na sama ko lang" pagsisinungaling ko.

"Ah sige"

ION POV'S

Siguro nga nasama niya lang ang brown envelope nayun.

Don't overthink ion.

~

Pagkatapos namin mag ayos ng gamit ay siya naman nag aya lumabas.

Pumunta kami sa Mines view.

"Ang ganda" bulong niya.

"Hindi kaba nilalamig?" Tanong ko.

"Nope,pero pwede mo bakong yakapin? "sagot nya.

" of course" sambit ko at niyakap siya.

Bakit iba na ang pakiramdam sa tuwing hahalikan at yayakapin ko siya.

Parang kahit masaya kami pag niyayakap at hinahalikan ko siya parang may tumutusok na kung ano sa puso ko.

"Pag kinasal tayo San mo gusto? " biglang tanong ko.

"Sa christ king parish, gusto ko dun tayo ikakasal" sagot niya.

"Ngayon palang na hindi pa tayo kinakasal, saksi ang mga tala sa pangako na babanggitin ko sayo ngayon" Saad ko.

Tinanggal ko ang bisig ko at agad syang tumalikod.

"Ako si Benigno Ion Perez,ang iyong magiging kabiyak hanggang sa dulo at sisiguraduhin ko na kung hindi ikaw wag nalang,"

Huminga ako ng malalim at muling nagsalita "wala rin namang silbi ang buhay kung hindi ikaw ang kasama ikaw ang nagbibigay kulay sa paligid ko. Ikaw ang nagpapatahan sa magulong isip ko at ikaw ang nagbibigay sakin ng pahinga sa magulong mundo, ikaw at ikaw lang ang pipiliin hindi siya hindi sila, kundi ikaw lang...."

"Ako si Vice Viceral ang baklang dati sayo ay mukang tarantada ngayon ay sayo'y nagpapasaya at nagpapaligaya kahit ano man ang sabihin ng iba wala akong pakealam basta alam ng puso ikaw lang sa una at sa huli because to be honest sayo kolang nakikita ang sarili ko wala ng iba, ikaw lang ang alam kong future. Corny man sabihin ng iba pero sa tuwin nasisilayan kita siya lamang gumaganda ang mundo ko, ang paligid ko... "

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan ko siya.

"Promise me hindi moko iiwan" sambit ko.

Ngumiti lamang siya.

VICE POV'S

Ayokong mangako ion, ayoko kitang masaktan.

Pero putangina sabi mo vice wala kang pakealam sa sasabihin ng iba pero kaylangan mo syang palayain anytime dahil lang sa punyetang babae nayan!

Why? Why is it to hard to love, to be love.

Like what I said earlier sayo ko lang nakikita ang future ko pero sa iba ko naman nakikita ang future mo.

Sana nga ikaw la sa una at sa huli.

"Babe bili tayo fresh strawberry? " tanong ni ion, kaya agad akong bumalik sa wisyo.

"Sure, sure tara na" sagot ko.

Pumunta kami sa strawberry house at bumili ng isang dosenang strawberry.

Pagkatapos bumili ay nag aya nako bumalik sa hotel

"Babe balik na tayo inaantok nako" pag aya ko, pumayag naman sya.

Naglakad na lamang kami pabalik.



Im Inlove with my SecretaryWhere stories live. Discover now