CHAPTER UNO

4 0 0
                                    

Zephyr's POV

DATE: January 01, 2024
TIME: 12:00 A.M

Kasalukuyan akong naka-nganga, tulala lang sa kisame ng aking kwarto. Hawak ko ang aking cellphone sa kaliwang kamay at nakalagay ito sa ibabaw ng aking tiyan.

"Ha! Hindi ako maka-tulog!" inis kong sabi at nagpapadyak-padyak.

Madaling araw na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, iniisip ko kung bakit ngunit wala akong makapang sagot. Baka lumulutang lang talaga ako. Napabuntong hininga ako at pinilit kong ipikit na lamang ang aking mga mata. Sa aking pag pikit, may nakita akong tila isang tao na naka-tayo sa kadiliman. Kitang-kita ko ang mapuputing ngipin niya mula sa malayo, naka ngisi ito, tumindig ang aking balahibo dahil sa takot, kaba, lungkot, sakit, at poot na naramdam ko nang matitigan ko siya. Hindi ko mawari kung babae o lalaki man siya ngunit nakaka-siguro ako na delikado siya.

Mula sa malayo, napagpasiyahan kong lumakad papunta sa kinaroroonan niya. Mas tumindig lalo ang aking balahibo dahil habang patagal nang patagal, palaki nang palaki ang ngisi niya. Natatakot man ay itinuloy ko ang aking balak ngunit tila walang nangyayari, nangunot ang noo ko dahil doon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at mayroon akong nakitang hindi ko mawari, mas pinakatitigan ko iyon ngunit naputol iyon nang may marinig akong halakhak. Nilingon ko ang tao mula sa malayo at nakita kong tumatawa ito, demonyo.

Umatras ako dahil tumatakbo siya sa akin palapit, may hawak na kung ano sa kaliwang kamay niya. Ang pag-atras ko ay hindi na nadagdagan dahil tila napako ako sa aking kinatatayuan, hinihintay siyang makalapit. Ilang hakbang na lamang at nandito na siya sa aking harap, nanlalaki ang mga mata niyang itim na itim at malawak ang pagkaka-ngiti. Hinawakan niya ako sa aking balikat at binulungan.

"Takbo, Zephyr! Takbo!!! Hahahahaha!! Don't be too scared, little one. We're just playing!!!"

Nanlaki ang aking mata at buong lakas siyang tinulak! Sinubukan kong tumakbo palayo sa kaniya ngunit tinawanan niya lang ako!

"Hahahaha!!!! Huwag kang umalis, maglalaro pa tayo!!!!!! Hahahahaha!!!"

Baliw! Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapabalikwas ako. Panaginip? Ngunit hindi maaari, dahil ramdam ko pa rin ang kamay ng taong iyon sa balikat ko. Pinagmasdan ko ang aking kamay, nanginginig iyon at may nakita akong dugo rito. Kakarampot na dugo ngunit sapat na ito para makita ito. Dugo.... Saan ito galing? Muli kong inalala ang kaganapan kanina at naalala kong nahiwa pala ako sa kamay ng kung anong bagay habang tumatakbo ako palayo sa taong iyon.

"Pero... paano? Panaginip ba talaga iyon?" naka-sabunot sa buhok na wika ko.

Tumayo ako at pumunta sa banyo ng kwarto ko, hinugasan ko ang aking kamay na may dugo. Pagkatapos niyon ay pinagmasdan ko ang aking sarili at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. What if, pahiwatig ito na may mangyayaring masama? Tangina. Winaksi ko ang aking mga iniisip at bumalik sa higaan, binalot ko ng kumot ang aking sarili at hinayaan na lamang ang sarili na tumulala sa kung saan.

Inalala ko muli ang mukha niya kanina. Maputing ngipin na kitang-kita dahil sa kaniyang pagkaka-ngisi, mukhang demonyo. Malaki at itim na itim na mga mata, matangkad, medyo may kaliitan ang katawan at may suot na puting damit. Nakaka-kilabot.

Kung sino ka man, mas gugustuhin kong hindi ka na muling makita pa. Kakaiba ang nararamdaman ko sa iyo....

Itutuloy.....

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 12 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

LET'S PLAY A GAME?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang