03

13 1 0
                                    

warning: raw chapter, unedited.

"Tagal mo."

Tinaasan ko ng kilay si Mory bago ako umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. It's Monday morning at nandito kami sa isang Cafe rito sa downtown. We have no class today because our University cancelled it. Hindi naman namin alam ang dahilan dahil hindi nila sinabi. Mory invited me here dahil may importante raw siyang sasabihin. Wala rin kasi silang training ngayon dahil pina-uwi muna sila upang magpahinga.

"Siguradohin mo lang na importante ang sasabihin mo." I seriously said. I crossed my arms and rested my back at the chair. Magpapahinga lang kasi sana ako ngayong araw doon sa bahay ni Tita ng bigla siyang nag text. Hindi pa kasi ako bumalik sa condo. mamaya pang hapon.

"Scary." Sarcastic niyang sabi.

I tsked. "So, ano nga?"

Malapad lang siyang ngumiti at kinuha ang kanyang bag. May inilabas siya doong isang maliit na puting envelope at inabot niya ito sa'kin.

Kunot noo ko itong tinanggap. "What's this?" Nagtataka kong tanong.

"Open it." Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi.

She looks happy.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Binuksan ko ang envelope at bumungad sa 'kin ang isang puting papel na nakatupi. Kinuha ko ito at binuklat, my lips immediately parted ng mabasa ko ang nakasulat rito.

Inangatan ko siya ng tingin. "You passed?"

Nakangiti parin siyang tumango ngunit nakita ko ang pangluluha ng kanyang mata.

"Oh God..." Gulat kong sabi at ibinalik ang tingin sa papel.

She passed the entrance exam!

"Kahapon lang lumabas ang result. Hindi ko inaasahan na kasali ako sa nakapasa, Nat." Umiiyak niyang sabi, at alam kong dahil iyon sa tuwa. "Finally! Makakaalis na rin ako sa bahay at matutupad ko na rin ang mga pangarap na gusto."

I didn't speak, nakatingin lang ako sa kanya. I'm proud of her, I'm proud of my best friend. And she deserved this because she worked hard for this.

Last month she take an entrance exam sa isang University doon sa America. Her Tita offered it to her dahil doon ito nagtuturo at naawa rin ito sa kanya. It's because of Mory's parents, they forced her to study Biology even if it's not her dream course. Mory want to be a flight attendant, it's her dream job at ngayon maabot niya na ito, malaya na rin siyang makakapag-aral sa kursong gusto niya.

Masaya ako para sa kanya ngunit hindi ko rin maiwasang hindi malungkot. Iiwan niya na 'ko, iiwan na ako ng nag-iisa kong kaibigan. Pero hindi na mahalaga itong nararamdaman ko, matagal niya itong hinintay. I should be there to support her, at 'yon ang gagawin ko.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata bago niya pa ito makita. Ibinalik ko na ang papel sa loob ng envelope at inabot ko ito sa kanya.

"Alam na ba ng parents mo?" Tanong ko at pinagsiklop ang aking kamay sa ibabaw ng mesa.

"Hindi pa, gusto kong ikaw muna ang unang makaalam nito." Hinawakan niya ang nakasiklop kong kamay. "But I'm worried about you, Nat. Ayaw kitang iwan dito." Malungkot niyang sabi na may bahid na pag-aalala.

Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya ngunit binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Ayaw ko siyang bigyan nang dahilan upang magdalawang isip.

Malapad akong ngumiti sa kanya. Trying my best to stop myself from crying. "Don't worry about me, Mory. Okay lang ako dito, huwag mong sayangin ang pagkakataon." I assured her. Sa totoo lang hindi na siya dapat mag-dalawang isip pa dahil lang sa 'kin, dahil alam ko kung gano niya ito ka gusto. But she still did and that makes me happy.

Solace in SolitudeWhere stories live. Discover now