01

11 1 0
                                    

"Please Nat, sumama ka na."

I heavily sighed. Sinara ko ang libro na kanina ko pa binabasa ngunit hindi ko naman naiintindihan. Ito kasing si Mory kanina pa nag-iingay. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya na akong pinipilit na sumama sa kanila. Pupunta kasi sila sa isang car race ngayong Sunday, kasama ang mga pinsan niya at gusto niya akong isama roon.

"Still No, Mory." May pinalidad kong sagot sabay pasok nang libro sa aking bag. "At diba may training kayo?" Seryoso kong tanong.

Nandito kami ngayon sa malapad na bermuda grass na nasa likod ng aming University. It's six o'clock in the morning at nakaupo kami rito habang hinihintay ang aming klase. Nilibot ko ang aking tingin, marami na rin akong nakitang ibang studyante na narito. May naka-upo na katulad namin ni Mory ngunit ang iba ay nakahiga talaga sa grass habang nakaunan sa kanilang bag. Ito kasi ang kadalasang tambayan namin tuwing umaga, maliban sa cafeteria at sa library. Maaliwalas kasi ang hangin rito at kita rin ang pag labas ng araw, lalong-lalo kapag maaga kang dumating.

"Oo." Mahina niyang sagot. "Pero, nagpaalam na ako kay coach, pumayag naman siya. Basta ay babalik ako kaagad pagkatapos." Paliwanag niya.

She's a badminton player, she's supposed to be in their training camp right now. Lahat kasi nang athletes ay wala na rito sa campus dahil nandoon na sila sa training camp upang paghandaan ang papalapit na sports feast. Noong nakaraang linggo pa sila pumunta roon kaya nagtaka ako kung bakit nadito itong si Mory.

"Sige na Nathy, please." Ayaw niya talagang sumuko. "Sandali lang naman, eh. Uuwi naman tayo agad pagkatapos." Parang bata niyang sabi habang nakahawak sa aking braso.

Bumuntong hininga ako. "Okay-okay, wait a sec." Kinuha ko ang aking cellphone. Agad kong tiningnan kung may gagawin ba ako ngayong Sabado at nang nakitang blanko ito ay ibinalik ko na rin ang cellphone sa bag. "Fine. I'll go." Labag sa loob kong sabi. Alam ko kasing hindi niya rin naman ako titigilan hanggat hindi niya ako napapayag.

"Nicee!" Malapad siyang ngumiti at nag thumbs up. Kumunot ang aking noo ng mabilis siyang tumayo sabay sukbit nang kanyang bag. "I need to go, late na ako sa practice namin. Bye Nat!" Huli niyang sabi sabay takbo paalis.

Napatingin nalang ako sa papalayo niyang likod at agad na napailing. I glanced at my watch, kaunting minuto nalang pala ang natira bago magsimula ang una kong klase kaya tumayo na rin 'ko. Kinuha ko ang aking gamit at naglakad na patungo sa aming building. Third year na 'ko at BS in Hospitality Management ang kinuha kong kurso habang si Mory ay Biology, na hindi niya naman kagustohan, 'yong parents niya lang ang may gusto na Biology ang kunin niya.

Malaki ang campus kaya ilang minuto rin bago ako nakarating sa main building. Nasa third floor ang classroom namin kaya kailangan kong sumakay nang elevator, nakahiga ako ng maluwag nang wala pa akong nakitang mga studyante roon. Mas maganda talaga pag maaga ka rito dahil pag patak ng alas syete ng umaga ay masyado nang siksikan rito. 'Yung iba ay pinipili nalang nilang mag hagdan kaysa makipagsiksikan sa mga studyante na nagmamadali dahil takot ma-late sa klase. Pero kasalanan din naman talaga nila dahil hindi sila pumunta rito nang mas maaga.

Pumasok na 'ko sa loob ng elevator at pinindot ang papuntang 3rd floor. Nang papasara na sana ito ay may limang lalaki na patakbong humabol papasok sa loob kaya napa atras ako sa bandang gilid dahil sa gulat. Mabuti at walang naipit sa kanila dahil nakapasok naman silang lahat.

"Shit, lagot na naman tayo kay couch nito." Hinihingal na sabi nang lalaking nakasuot ng number 28 na jersey, na may Robles na apilyedo habang nakatitig sa relo na nasa kanyang pulsuhan.

"Ang aga naman kasi magpatawag ng meeting." Nababagot naman na sabi noong isa sabay kamot sa kanyang ulo, 19 ang number ng kanyang jersey at may Dizon na apilyedo.

Solace in SolitudeWhere stories live. Discover now