PROLOGUE

3 0 0
                                    

Someone's Point of View

Kasalukuyan akong naka-tulala, sa harap ng salamin. Pinag-mamasdan ang aking itsura, madilim ang paligid at ang tanging tanglaw ko lamang sa madilim na lugar na ito ay ang ilaw sa ibabaw ng salamin, kumukurap-kurap pa.

Binasa ko ang aking palad gamit ang tubig na lumalabas sa gripo, bagama't mahina ngunit sapat na ito para mahugasan ang aking kamay na marumi. Inipon ko ang tubig sa aking dalawang kamay at marahan itong inilagay sa aking ulo upang mabasa ang aking buhok, binasa ko na rin ang aking mukha upang mahilamusan. Pinunasan ko ito gamit ang aking damit.

"Madungis" ang tangi kong naisambit sa aking sarili. Mahigit dalawang linggo na akong narito sa lugar na ito at ang masasabi ko lang ay, impyerno. Impyerno ang lugar na ito dahil hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako nang buhay sa lugar na ito.

Naihampas ko nang malakas ang aking mga palad sa simentong kinalalagyan ng salamin, masakit, ngunit wala akong paki alam. Bumuntong hininga ako para mabawasan ang bigat sa loob ko, hindi ako matutulungan nito.

"Putangina, kapag ako naka-alis sa lugar na ito, ipapangako ko talagang babaguhin ko na ang buhay ko" sambit ko.

Lumabas ako ng silid at iginala ang aking paningin, ang dami. Ang daming nakaratay, maka-tindig balahibo sa dami. Habang nililibot ko ang aking paningin may nakita akong tumatakbo palayo sa mga halimaw. Napangisi ako, natatawa sa katangahan nya.

"Kahit tumakbo ka riyan nang napaka bilis, mahahabol ka niyan. Anong laban ng mga binti mo sa bilis nila? Tanga" anas ko habang nilalapitan ang motor na nakita ko sa isang garahe, buti na lang at may gas station na malapit, nakargahan kahit papaano. Nang makalapit, sumakay ako ron at binunot ang aking baril mula sa likuran ng aking pantalon. Pinaharurot ko ang aking motor papunta sa babae at huminto sa harap niya mismo.

"Ano ba! Alis nga riyan, tanginang 'to! Hinahabol ako ng mga halimaw na 'to kaya wala akong oras para sa iyo! Pero ay, pak! Angas mo riyan ah!" sabi ng babae. Natawa ako.

Hindi ko siya pinansin at dahan-dahang inangat ang aking braso, umaastang babaril. "Hoy! Matamaan ako, aba!" Tsk. Hindi ko siya pinansin at inasinta ko ang baril sa kalaban tsaka ko kinasa at kinalabit ang gatilyo. Nagpatuloy ako sa ganoon, nananatiling naka sampa sa motor ko.

"Ubos" bulong ko nang maubos ang mga kalaban, nilingon ko ang babae at tumatakbo na siya papunta sa akin. Laking gulat ko nang bigla siyang sumampa sa motor ko! "Hoy! Bakit ka sumampa?!" sigaw ko.

"Nue ba?! Binaril mo naman na sila, eh. Kaya bilang kapalit, sige! Sasama na ako sa iyo. Hindi na ako magpapapilit" todong ngiting aniya. Kapal.

Hindi ko na siya sinagot at sinumulan ko nang tadyakan ang motor ko para umandar dahil mula sa hindi kalayuaan, naririnig kong paparating na sila. Nang maayos na ang lahat, agad kong pinaharurot ang motor at nakarating sa destinasyon.

"Baba" ani ko at sinunod naman niya, naglakad kami papunta sa building na abandonado at doon namahinga. Sumandal ako sa sofa'ng naroon at pinikit ang mata ko.

"Ako nga pala si Astrid, kinagagalak kong makilala ka" pakilala niya.

Minulat ko ang mata ko at tiningnan siya. "Zephyr".


Itutuloy....

LET'S PLAY A GAME?Where stories live. Discover now