Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Gitara

35 4 3
                                        

KURT'S POV

"chel.." tinawag ko ang isa sa mga magagaling sa klase namin. si Rechel.

lumingin ito sa'kin at lumapit. "ay kurt, may bago akong gawa."

napangiti ako at iniharap sakanya ang gitara kong nasa likuran ko. "tamang-tama, sakto dala ko."

pumunta kami ng library at tinuruan nya akong magsolve ng formula sa math namin. mahirap at sadyang magaling lang sya kaya nagets nya agad ang lessons. pagtapos namin ay agad kaming pumunta sa studio nila dahil kasama sya sa isa sa mga org ng course namin. walang tao don at tamang tama para sa bagong kantang ginawa nya para pag aralan namin.

"so, pano?" tanong ko habang nakatingin sakanya.

ang ganda nya. yung simpleng ganda, na kahit walang ayos, ayos na, maganda pa ren.

"A and C#m7-down, down, down, up, and down...paulit ulit,"

pinuwesto ko ang daliri ko at sinundan sya. hindi pa ako masyado marunong kumapa ng mga chords sa gitara kaya tinuturuan nya den ako.

lumapit sya sa'kin at tumabi saka pinatong ang mga daliri nya sa daliri kong mali naman ang tinitipa.

"ganyan, then Dsus2 saka E-yaaan!!"

napatigil sya nang makitag sakanya lang ako nakatingin hindi sa tinuturo nya. Napakalapit namin sa isa't isa. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Mas maganda sya sa malapitan, ang ganda ng mga labi nya-

"Kurt, nakikinig ka pa ren ba?" Naiinis na tono nya.

"Malamang!" Umayos ako ng upo at sya ay bumalik sa harapan ko para magpaturo ng ibang parts nf kanta nya.

"at kahit hindi na nakikita," paguumpisa nya sa pag kanta.

sa tatlong beses naming pagsasama sa tuwing papasok kami sa isang linngo etong gawain ang pinaka gusto ko, dito kami nagkaka sundo. dito kami nagkakaroon ng bonding.

"parating iniisip ang mga segundong ikaw ang aking nakakasama..sinta~"

napangiti ako sa ganda ng boses nya, dama mo talaga yung pinaparating nung kanta, bawat himig at pagbigkas nya ng lyrics talagang madadala ka.

"dito kana lang, habang buhay~" pagsabay ko sa pag kanta nya.

tinama namin ang bawat lirik at tono na babagay sa chords na binibigay nya.

"binubulong na sana-"

"hindi, binubulong ang dalanging 'wag sanang-" pagtama ko.

"maglaho sa hangin~"

natawa kaming dalawa. tinuruan ko syang tumono ng tama para tumugma- "tugma ka lalo sa'kin HAHAHHAAHAHA" banat ko.

"ewan ko sayo."

bumalik kami sa room para sa nahuhuling subject namin. lumipas ang ilang araw hindi na kami nagkakasama ng matagal dahil parehas ng busy sa kanya kanyang thesis at groupings, kahit may pasok hindi na nagkakayayaan mag library manlang.

"parang hindi na namin kayo nakikitang magkasama ni rechel, kurt." classmate namin na katabi ko sa kabilang upuan.

"busy-"

"kurt!" natigilan kami nang dumating si Rechel at sinamaan ng tingin ang classmate namin.

"tara, kain tayo." yaya nya.

naguguluhan man at sumama na lang ako sakanya. kumain kami sa labas, nanahimik ako dahil ayokong mangulit. nang magumpisa sya sa pagsasalita at nagtanong na ako.

Short Stories begin.Stories to obsess over. Discover now