[Chapter 1]
"Don't worry if you're making waves simple by yourself. The moon does it all the time."
******
It's cold outside and i feel a bit of overwhelm and snappier than usual. I hugged myself because of the cold breeze that touching my skin.
I looked at the sky. The moon is in gibbous phase tonight, maybe the full moon is coming.
My favorite..
"Marina!" I turned around and saw my Lola while holding her walking stick.
Isinabit ko sa tenga ang iilang hibla ng buhok ko na nililipad, humaharang kasi sa aking mukha, "Bakit po? tanong ko.
"Pumasok kana dahil gabi na! Baka mamaligno ka pa diyan!" Sigaw ulit ni Lola sa akin. I pouted. Gusto ko pa kasing pagmasdan ang ilog at buwan e.
I heaved a deep sighed.
Tumango ako at matamlay na sumagot, "Susunod po ako, La" At muling ibinalik ang tingin sa repleksyon ng buwan sa ibabaw ng kumikislap na ilog. And here again, sa sobrang pagka-mesmerized ko dito ay para na naman akong tinatawag nito.
Napakagandang pagmasdan, Bulong ko sa aking isipan.
It's looks majestic and mystical.
"Bilisan mo apo!" Rinig kong bilin ni Lola bago pumasok sa bahay namin, andyan pa pala siya.
I let out a deep sighed again.
Ganito palagi ang set up namin ni Lola at parehas lang din palagi ang sagutan naming dalawa tuwing gabi. Palagi kasi akong napang-aabutan ng dilim dito sa harap ng ilog habang nakaupo sa maliit na upuan na gawa sa kawayan, my favorite tambayan. I just can't help it lang talaga, i love the moon ever since i was a child at lagi ko na itong ginagawa.
Ang pagmasdan ang buwan at ang bawat phase nito. Kaya tuwing sasapit ang gibbous phase ng buwan ay excited na ako dahil full moon na ang kasunod nito.
I smiled again.
Napabalik lang ako sa reyalidad at napabalikwas ng upo ng muli na namang humampas ang malamig na hangin sa aking balat kaya napayakap na ako sa aking sarili.
Pinasadahan ko ang buong paligid. Kumunot ang aking noo ng mapansin na kalmado naman ang mga puno at ang ilog kaya bakit parang ang lakas ng hangin?
Bigla namang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam sa paligid. Nagpalinga linga pa ako kung may tao ba or kung anong maligno na sana 'wag ko ng makita. Ngunit wala naman akong nakita dahil madilim at hindi din naman sapat ang ilaw na nanggagaling sa buwan.
Napakuskos ako sa braso at bumulong, "Siguro nga ay dapat pumasok na ako." Habang tumitingin tingin sa paligid.
Ilang beses na din ako pinagsasasabihan ng Lola ko na 'wag magpaabot ng gabi dito sa labas at sa harap pa ng ilog dahil may nangunguha nga daw dito. At baka daw ay pagkainteresan pa ako ng kung anong nilalang sa ilog.
Maganda pa naman daw ako, eme.
Kinuha ko ang aking balabal na nakasabit sa tangkay ng maliit na puno at tumayo na. Nakaramdam na naman ako ng malamig na hangin. Napaka weird naman ng malamig na hangin na 'yon parang may kakaiba talaga e.
I shrugged my shoulder and starts to walk.
"Marina.." Napaayos naman ako ng tayo dahil sa boses ng isang babae. Lumingon naman ako sa pinagmulan nito. "May tumatawag ba sa akin? S-sino po kayo?" Luminga linga ako pero wala naman akong nakitang babae, tanging ang maaliwalas at maalon na ilog ang nakaagaw sa akin ng pansin.
YOU ARE READING
Corale: The Heart Of The North
Fantasy"I saw it with my own two eyes! I saw a big tail like fish and... and a body like human!" "I know.." "What do you mean you know?" "Because... I'm one of them." [Tagalog-English] Ongoing
