Chapter 2

6 3 0
                                    

'chapter 2

•••

Agad kong inawat si Dom dahil bigla siyang tumayo. Hindi niya pwedeng awayin si Oliver ngayon! Kasama niya si Sky!

"Kumalma ka nga. Hindi ka naman niya inaano, e." mahinahon na sabi ko. Bumuntong hininga siya at umupo ulit.

"Pasalamat siya kasama niya ngayon si Nadya." masama pa rin ang tingin niya sa gawi nila Sky. Ang tinutuloy niya sigurong Nadya ay 'yong isa pa nilang kasama na babae.

"Maiba tayo, hindi niyo ba kilala 'yong lalaking kasama nila?" tanong ni Leaf, napatingin pa siya sakin at nakangisi.

"Si Sky." sagot ni Ash. "'Yong crush ni Forest noon." patuloy niya at malakas pa na tumawa. Pero agad din na napalitan ng panlalaki ng mata dahil sa gulat at napatingin sa'kin. 

"Tangina, huwag mong sabihin na hanggang ngayon may gusto ka pa rin sa kan'ya?" sabi nito. Nakaiinis pa ang malakas na pagtawa ni Leaf dahilan para mapatingin sa'min ang grupo nila Sky. Asar!

"Iba talaga si Forest. Loyal na loyal ah." tawa na naman ni Ash. Si Dom ay nakikipagtigasan na ng tingin kay Oliver. Shit naman talaga.

"Pota. Mapapaaway na naman ba tayo?" Si Leaf. Nakatingin na ngayon kay Dom na masama pa rin ang tingin doon kay Oliver.

Palihim ko naman na tinignan si Sky. Kausap niya ngayon 'yong kasama nilang babae. I think Nadya ang pangalan. Kainis ah. Nakangiti siya roon sa babae. Sino ba 'yan? Girlfriend niya?! No! Hindi 'yon pwede! Kasal na kami, e. Hindi dapat siya nakikipag-girlfriend kasi kasal na kami!

Anak ng tokwa naman! Nababaliw na ako.

"Buang ka. Baka naman matunaw na 'yan." pagkalabit sa'kin ni Ash. Nakaaasar pa ang ngiti niya. 

"Tara na. Sa iba na tayo tumambay, baka hindi ako makapagpigil at masugod ko pa 'yang hayop na 'yan." napatingin kaming lahat sa pagtayo ni Dom. Napailing na lang si Ash habang si Leaf ay walang pake na inuubos ang binili kanina ni Dom.

Tumayo na rin ako at sinundan si Dom. Ayaw ko rin na magtagal pa rito dahil kung ano-ano na naman ang nasa isip ko. 

Sa may milktea shop kami malapit sa The Sky kami tumambay. Nag-aasaran lang silang tatlo habang ako naman ay tulala na naman. Inaalala ko lang ang mga nangyari noong bata pa kami.

Ang sarap lang balikan lahat ng iyon. 'Yong puro lang laro ang iniisip. Ang problema lang na iniisip ay kung paano ka mapapansin ng crush mo. 'Yong tipong hindi mo pa sineseryoso ang pag-aaral. Ngayon kasi hindi na pwede ang papetiks-petiks.

Matapos naming tumambay ay nagkan'ya-kan'ya na kami ng uwi. As usual, makikipagsiksikan na naman kami sa jeep pauwi. Gusto pa kaming ihatid ni Dom at Ash pero tumanggi na kami. Hindi naman kasi iyon ang way nila pauwi. Sayang ang gasolina, ang mahal pa naman.

Pagkarating namin sa bahay, para kaming galing sa digmaan. Biruin mo ba naman, ang sikip na nga sa loob ng jeep tapos ang init-init pa.

"Magpahinga na muna kayo riyan bago kayo maligo. Nilakad niyo ba ang Trinidad hanggang dito sa Aguinaldo?" tanong ni nanay pagkapasok namin sa bahay. Nanonod na kasi siya ng variety show na pinapalabas tuwing six pm.

"Mas madali nga yata na lakarin na lang namin, 'Nay, e. Traffic lagi sa Trinidad tapos siksikan pa sa jeep." sagot ni Leaf saka tumabi kay Nanay. Agad na napalayo si Nanay dahil doon. Gusto ko tumawa dahil sa reaksyon niya.

"Grabeng amoy naman iyan, 'nak." dahil sa sinabi niya, hindi ko na talaga napigilan ang tumawa. Tangina, walang duda. Nanay nga namin siya.

Kinabukasan, maaga ulit kami umalis ng Aguinaldo dahil sure talaga na siksikan na naman sa jeep. Mabuti na lang talaga at hindi na late itong si Leaf kaya nakarating kami ng hindi mukhang sabog.

Dumeretyo kami sa first class namin, akala ko magsisimula na ang discussion, pero nagbigay lang siya ng syllabus at mga rules niya sa klase namin.

Pati sa ibang subjects namin noong umagang iyon ay puro gano'n lang ang ginawa namin. Next week pa raw ang regular class talaga.

Kaya noong natapos ang klase sa huling subject namin sa umaga ay nag-aya na naman sila Dom at Ash sa The Sky. Kakain lang naman kami roon.

May gig daw si Dom ngayon do'n sa The Sky kaya niya kami pinapunta kahit na mamayang hapon pa naman 'yon. Tambay na lang daw muna dahil wala pa namang klase. Hindi na rin kami papasok ni Leaf sa afternoon class namin dahil nag-chat sa gc namin ang prof na next week na kami i-meet.

"Leaf, may irereto ako sa'yo." Iyan ang bungad ni Ash sa'min nang makapasok kami sa sasakyan na dala niya. Iba na naman.

Si Leaf ang umupo sa passenger seat at Ako rito sa likod.

"Maganda ba? Patingin." Sabi naman nitong kapatid ko at sinilip ang phone ni Ash. "May number ka niya? Pahingi ah." Patuloy niya pa at ibinalik na ang phone ni Ash na nagsimula nang paandarin ang sasakyan.

Traffic na naman.

"Tropa 'yan ni Sky." Sabi ni Ash kaya agad na nabaling ang atensyon ko sa kanila. "Sa Zamora nag-aaral." Patuloy niya at tumingin pa siya sa'kin sa rearview mirror at ngisihan ako.

"Baka straight 'yan ah?" Sabi ni Leaf. Natawa naman si Ash dahil doon.

"Kailan pa ako nag-reto sa'yo ng straight?"

"Tanga, palaging straight nirereto mo sa'kin."

At nag-away na nga sila sa harap ko. Gusto ko silang pag-umpugin. Paano kasing mag-reto 'yan si Ash ng bading din, e may gusto nga 'yan kay Leaf. Tss.

Hindi ko alam kung ilang minutes ba ang lumipas bago kami makarating sa The Sky. Gutom na ako dahil sa traffic na 'yan.

Tapos imbes na pagkain ang madatnan namin doon, suntukan pa sa pagitan ni Dom at Oliver. Pambihirang buhay 'to.

"Tangina. Awatin niyo!" Agad kaming lumapit ni Ash doon dahil nanonood lang ang mga tao sa sapakan nila sa loob ng The Sky.

"Tama na 'yan, Dom." Awat ko sa kan'ya. Pero tangina. Sana talaga hinayaan ko na lang siya roon na mabugbog dahil imbes na ang mukha ni Oliver ang sapakin niya, ang ilong ko ang nasapak.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa sakit. Tangina talaga. Gusto ko lang naman kumain, nasapak pa.

Napaupo na lang talaga ako habang hawak ko ang ilong. Dumugo pa yata.

"Hala! Okay ka lang? Shit, dumudugo 'yang ilong mo!" Hindi ko na alam kung sino 'yong nagsasalita dahil nahihilo ako. Kapag talaga naka-survive ako rito, sasapakin ko rin 'yang si Dominic.

"Hoy, Dom tangina tama na 'yan. Si Forest!" Boses iyon ni Leaf. May tumapik-tapik sa pisngi ko, pero tangina hindi ko na rin magawang imulat ang mata ko.

"Dalhin niyo na 'yan sa clinic, mukhang napalakas 'yong suntok sa kan'ya." Narinig kong sabi ng lalaki.

Ang huli kong naalala ay may umalalay sa'kin na maglakad palabas ng The Sky.

"Gising na, pre." Napahawak ako sa bridge ng ilong ko dahil mahapdi iyon. "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Ash nang tanungin niya 'yon.

Gusto ko siyang sapakin din sa ilong at tanungin kung ayos lang ba siya. Sa lagay kong 'to, mukha ba akong maayos? Naneto, e.

"Bakit mo naman kasi sinalo 'yong sapak ni Dom?" Tawa pa niya.

"Pasensya na, Forest, bakit naman kasi humarang ka." At talagang sinisi pa ako.

"Tangina niyo."

Nagtawanan sila kaya mas lalo lang akong nabanas. Ang sakit na nga ng ilong no'ng tao, e.

"Wala, atabs, minus pogi points ka na kay Sky. Siya 'yong isa sa nagdala sa'yo rito sa clinic." Sabi ni Ash.

"Ano?! Bakit niyo hinayaan na makita niya ako sa kalagayan na 'to?!"

"OA. Akala nga namin kanina mamamatay ka na dahil ni hindi ka na makausap." Sagot ni Leaf na natatawa pa. At talagang masaya pa sila sa kalagayan kong 'to, ah.

Noong hapon ding iyon ay bumalik kami sa The Sky, hindi na sumama si Dom dahil hindi na muna siya pinayagan na pumasok doon dahil may gig din daw doon sila Oliver. Iyon na naman yata ang pinag-awayan nila. Pambihira, nadamay pa akong walang kasalanan.









__________________
__________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Sky | Hot and Cold Series 1Where stories live. Discover now