Prologue

26 4 0
                                    

'prologue'

•••



"Talo ka, dapat lang sumunod sa usapan!" bulyaw sa'kin ni Dom.

May laro kasi kanina rito sa school namin dahil foundation day. Marami ring mga booth ngayon. Last year wala namang pa ganito ang Trinidad High School, e.

Grade nine na kami ngayon ni Leaf— kambal ko. Si Dom at Ash naman ay grade ten na. Mga gurang na. Malapit na sila mag senior high, e.

Lahat yata ng laro ay sinalihan nila at dinamay pa ako. Nagpustahan pa kami kung sino ang mananalo. Ayun, natalo ako sa pustahan. Ang ending, dadalhin ako sa wedding booth.

"Ayaw ko kasi! Iba na lang ipagawa niyo!" bulyaw ko rin sa kanila. Tinawanan pa ako ni Leaf.

"Sabihin niyo kasi 'yong magic word." sabi pa niya. Kahit anong mangyari, ayaw kong gawin 'yong sinasabi nila! Trip lang naman ako nitong dalawang gurang na 'to!

"Sige iba na lang, si Sky pa naman—"

"Ay tara na pala." putol ako agad kay Asher. Tumayo ako ng tuwid kaya binitawan nila ako at nauna nang maglakad. Narinig ko pa ang pagtawa nilang tatlo.

"Ang bata pa nito napakalandi na." natatawang sabi ni Dominic at sumunod na sila sa'kin.

Aba! Sino ba naman ang aayaw kung si Sky pala ang kasama ko sa wedding booth, 'di ba?!

Crush na crush ko kaya 'yon!

Oo na! Malandi na ako! Sa kan'ya lang naman ako lalandi!

Pagdating namin sa wedding booth, nakita ko na agad siya. Gago! Kinikilig na agad ako.

"Bwesit na kabadingan na naman ni Forest." komento agad ni Dominic. Tumawa pa si Ash at Leaf dahil sa pagngiti ko.

"Ano kayang gayuma mayroon si Sky at napapangiti niya ng gan'yan ang bata natin?" tanong pa ni Ash.

"Hoy! Manahimik nga kayo! Nahihiya ako." Sabi ko, pero ang walang hiyang si Ash hindi ako pinansin.

"Sky!" nagulat ako no'ng tawagin niya si Sky at lumapit na sa kinaroroonan niya, hila-hila pa niya ako. Hala! Parang nagbago na ang isip ko! Nahihiya ako!

Tatakas na sana ako nang hawakan ako ni Leaf at Dom. Natatawa pa sila.

"Hoy! Ayaw ko na, iba na lang pala!" Mariing bulong ko sa kanila.

"Ang arte mo! Kinikilig ka naman talaga!" bulyaw sa'kin ni Leaf at hinila na ako nang tuluyan sa kinaroroonan nila Ash at Sky.

Wala na lang akong nagawa.

"Huh?" kunot ang noo ni Sky nang makita niya kami sa tabi niya.

Malakas na tumawa si Asher. "Ako muna magiging pari, ikaw kasi ang groom ngayon." sagot niya. Nakahihiya!

"Bakit?" inosenteng tanong niya. Lah naman! Ang cute niya talaga huhu. Dapat maangas ako, e!

"Crush ka kasi nito ni Forest!" tinulak pa ako ni Leaf.

"Hoy hindi! 'Wag ka maniwala sa mga 'yan—" Agad na sabi ko. Sarap sapakin ng mga 'to, e. Parang hindi tropa, ah.

"Okay." napatulala ako nung ngumiti siya. Wahhhhh mama! Sobrang ganda ng ngiti. Para akong lumulutang sa langit kapag nakikita ko ang ngiti niyang abot sa mata niyang singkit.

"Simulan na natin!" excited na sabi ni Ash. Ang lakas pa no'ng tawa niya. Nakakaasar 'yong pagtawa nila habang binabasa ni Ash 'yong nasa papel. 'Yong sinabi no'ng pari 'pag may kinakasal talaga!

May ibinigay pa siyang dalawang singsing na gawa sa papel, at habang nagpapalitan kami ng 'I do's' ay sinusuot namin 'yon sa isa't isa. Lah naman! Kinikilig naman ako. Pigil ko tuloy ang ngiti ko.

"Okay nasa exciting part na tayo! You may now kiss your groom!" Sabi ni Ash.

"Lah bastos!" tumawa si Sky no'ng sabihin ko 'yon. Ang lakas pa rin ng tawa ni Ash, Leaf at Dom. Asar naman! Napapahiya ako!

"Joke lang. Umasa naman 'tong si atabs." tawa ni Ash. May iniabot siyang papel samin. "Pirmahan niyo na 'yang marriage certtificate niyo. Pusta ko na buhay ko, ipapa-laminate pa 'yan ni Forest." patuloy niya na tumatawa pa rin. Asar talaga! Binubuking niya ako!

"Okay, done. Thank you, at least now may pumunta na here sa booth namin." sabi ni Sky. Huhu Nanay! Sobrang cute niya magsalita!

Lahat yata ng gawin niya cute para sa'kin.

"Tama na! Alis na kami, mamamatay na yata atabs namin dahil sa kilig. Salamat sa pagsakay sa trip namin, Sky! Sana i-crush back mo atabs namin!" sigaw ni Ash at hinila na ako palabas ng wedding booth. 

"Hoy, Forest! Tama ka na. Baklang 'to! Masyado ka nang kinikilig diyan!" binatukan pa ako ni Leaf kaya nawala ang ngiti ko habang hawak ko iyong marriage certificate namin.

"Inggit ka lang." Sabi ko sa kan'ya na ikinangiwi niya. Kontrabida siya sa masamang pagsasama namin ni Sky!

"Sus, susumbong kita kay nanay. Ang landi mo!"

"Samahan pa kita magsumbong."

"Tama na kayo, masakit na sa utak ang away niyong dalawa." pag-awat sa'min ni Dom na kanina pa siguro naririndi sa'min.








___________________
___________________

plss follow niyo ako sa second account ko loreiiii_

Chasing Sky | Hot and Cold Series 1Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum