Chapter 1

17 2 0
                                    

'chapter 1'

•••

"Ang bagal mo naman, Leaf!" sigaw ko sa kakambal ko. Ngayon kasi ang first day namin sa university kaya dapat maaga kami para sa orientation!

Nag-effort pa ako na maagang magising ngayon tapos maghihintay rin naman pala ako ng mabagal na kapatid?

"Mauna ka na tangina mo!" sigaw niya pabalik. Padabog akong bumaba at nagpaalam na kay Nanay na mauuna na. Medyo malayo ang university na pinapasukan namin ni Leaf kaya naman ay sasakay pa ako ng jeep bago makarating doon.

Nang makarating ako sa kanto ay matagal pa bago ako makaabang ng jeep, tama lang talaga na iniwan ko na si Leaf. Ayaw ko naman na ma-late ako ngayon. Bukas okay na siguro kasi hindi na first day of school, e.

"Kas'ya pa isa diyan, umayos kasi kayo ng upo!" sigaw nung driver ng jeep. Tangina naman, anong kasya pa? 'Yong isang pisngi na nga lang ng puwet ko ang nakaupo, e tapos sasabihing kasya pa? Pambihira namang buhay 'to.

Nakarating naman ako ng maayos sa University, muntik lang hindi dahil sa walang hiyang driver na 'yon. Parang ginawa naman niya kaming sardinas sa loob ng jeep.

Nanatili muna ako sa labas ng university para hintayin si Leaf. Siya kasi nakakaalam sa pasikot-sikot dito.

Forest:

hintayin kita rito sa labas ng university, hindi ko alam nasaan ang gymnasium.

Leaf:

tanga. Mauna ka na roon para may mauupuan tayo mamaya kapag orientation na!

"Excuse me, first year ka?" tanong nung isang babae kaya nawala sa phone ko ang atensyon. Sa tingin ko isa siyang AB Film student dahil sa uniform niya.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya, naka-civilian lang kasi ako ngayon since first year pa lang ako at wala pa 'yong uniform namin, hindi pa tapos tahiin.

"P'wede ka ba naming interview-hin?" tanong niya. Tumango ulit ako bilang sagot. Ayaw ko sana kaso hindi ko alam kung paano ako tatanggi.

"What's your name and your course?"

"Forest Adriel Aguilera, Architecture." tipid na sagot ko.

"Ang unique ng pangalan ah, anyways, ano ang nararamdaman mo ngayong first day mo as a college student? Are you excited?" tanong niya ulit.

"Yeah." bored na sagot ko. Gusto ko na umalis sa harap nila dahil nauumay akong sumagot. Pati kasi sa pagsasalita tinatamad ako, e.

"Grabe, your answer is very inspiring." she sarcastically said. Natawa pa 'yong lalaki na kumukuha ng video. "But thank you for your time, good luck future architect." she added at nagpaalam na sa'kin. Tumango lang ulit ako sa kanila at naglakad na papasok sana sa gate nang may makabanggaan akong lalaki.

"Hala, sorry!" Sabi nito at agad na pinulot 'yong mga nahulog niyang gamit. Bilang mabait na tao, tinulungan ko na siyang magpulot.

"Okay lang hindi rin naman kita naki-"

Napatigil ako nang makita ang mukha niya. Ilang beses din akong napalunok at natulala na lang sa kan'ya.

Hindi ako pwedeng magkamali! It's him!

"Ahm- thanks, but I really have to go. Bye!" sabi nito at nilagpasan na ako no'ng makuha niya 'yong gamit niya na hawak ko kanina at dumeretyo siya roon sa babae at lalaki na nag-interview sa'kin kanina.

Grabe.

Ang laki ng pinagbago niya.

Kilala pa kaya niya ako?

Chasing Sky | Hot and Cold Series 1Where stories live. Discover now