prologue

0 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nagbabasa nang libro dito sa library, alangan naman sa barbershop? Just kidding.

By the way I am Angel Rose, you can call me Rose for short-

"Huy ba't nakatulala ka nanaman jan ha?" Tanong nung epal ko na kaibigan na si Elaine.

Okay imagination ko lang pala na nasa library ako... Sa totoo lang kasi wala kasing mga Wattpad books dito sa library namin tsaka ang liit pa talaga nang space.tsk. kaya hanggang imagination nalang ako.

"Malamang nagpapraktis kung paano magpakilala kapag may nakasalubong akong pogi jan na mala fictional character tapos magpapakilala ako kaagad" sabat ko dahil nakakainis sya naputol tuloy yung imagination ko"Magbasa ka nalang nang Wattpad dun, alis!"pagpapaalis ko sa kanya.

Umalis naman sya. Tama pala yung sinabi nila na kung sino pa yung inosente ang mukha,sya pa ung pinaka wild HAHA.

Si Elaine ang pinaka maganda kong best friend as in she looks like an angel and when you look at her akala mo inosente pero pag naging kaibigan mo na kung ano ano na ang pinagsasabi nya.Sobrang dumi ng utak hayst.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta kay Elaine at nang makalapit na ay tinanggal ko ang kaniyang earphones.

Mukhang nagtataka pa sya kung bakit "what" she ask in a low tone.

"Recess na.."

Tila ngayon lang nag sink in sa kanya dahil bigla syang nataranta."Tara tara go pero wait lang ayusin ko muna itong mga gamit ko"

Naghintay nalang ako sa kanya na matapos. At nang matapos na sya ay pumunta na kami sa canteen.

........

"Wait moko lagyan ko muna to sauce" sabi ko kay Elaine habang bumibili kami sa canteen.

Ganito kasi palagi kasi isa lang ang canteen nagsisiksikan ang mga estudyante kapag bumibili.

Pagkaabot ko nang sauce ay may humawak sa kamay ko,nilingon ko kung sino ito at.....

OH MY GOSH!!!!! there standing right behind me the guy with the most handsome face I've ever seen.His eyes are color green at ang bango nya!

"Uh, i'm sorry miss" he said in a low voice ;"here" he handed me the bottle of sauce.

"O-okay s-salamat hehe" teka bakit ba ganito yung pakiramdam ko parang may nagliliparang paru paru sa loob ng tiyan ko na pilit kumakawala.Okay okay kalma lang self hindi nangangagat yan,pinauna nya lang ako sa sauce kasi dapat ladies first,diba girls?kaya kalma lang tayo *inhale* *exhale*

Ito na talaga ang matagal kong hinihintay....ang makakita ng mala fictional man na kagaya sa wattpad kaya magpapakilala na muna ako.

"By the way I am Angel Rose, you can call me Rose for short"pagpapakilala ko sa kanya at inilahad ang aking kamay.

Bakas sa mukha nya ang pagtataka at napakunot noo habang nakatingin sakin pero sa huli ay kinuha nya naman ito sabay sabi "Almer Vincent.nice to meet you Rose" and he smile at me bago tuluyang umalis

Tsaka ko lang na naghihintay pala si Elaine kaya pinuntahan ko na sya..

"Naks naman ba't ang tagal mo at ilang oras ba dapat maglagay lang ng sauce jan sa pagkain mo?"pagrereklamo nito pagkalapit ko palang sa kanya na tila naiirita na.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napadaan pala yung lalaki na nagpaubaya ng sauce kanina sa canteen at bigla akong natulala.........OH MY GOSH napakapogi nya talaga kahit malayo whaaaaaaa!help me na guys.

Bigla akong sinapak ng kaibigan ko kaya dun lang ako natauhan."huy kanina ko pa tinatanong na bakit ang tagal mo tapos tutulala ka riyan" sabay lingon nya sa tinitingnan ko kanina at nagulat ako nang hampasin nya ako habang tumitili at tumatalon talon pa.

SHEYYYT OH MY GOSH!"may nakita ka palang anghel bakit di mo man lang sinabi sakin huh"










Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 12 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Die for youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora