Sehnsucht

70 9 5
                                    

Moon's POV

Im Moon Alice Traves. 23 years old and a girl who believes in true love.

Eto ako ngayon. Naka-upo sa paborito kong bench sa Angeles lake park. It's 8:00 in the evening.

Nandito ako ngayon nagbabalik tanaw sa magagandang alaala naming dalawa. Ang taong minahal ko at mamahalin ko habang buhay ---si Troy.

Ako lang ang mag-isa ngayon sa park. Busy kasi ang lahat ng tao ngayon sa kani-kanilang tahanan. Dahil today is December 25. Its Christmass.

Christmass pero malungkot ako. It's been 2 years ng iwan ako ni Troy. Iniwan niya ako mag-isa. Umalis siya at nagpunta sa malayo.

And gaya ng inaasahan, otomatiko na namang tumulo ang mga luha ko. Umiiyak na naman ako!

Napatingin ako sa tabing pwesto ko sa upuan---kung saang pwesto lagi naupo si Troy pag magkatabi kami.

Ang bench na ito ay puno ng alaala naming dalawa. Dito kami unang nagkakilala.

Flashback...

Gabi na noon at naulan. Mag-isa lang akong naka-upo dito sa paborito kong upuan. Nakikisabay ang langit sa kalungkutan ko. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak.

Problemadong problemado ako noon.

"Hey" nakarinig ako ng boses ng lalaki sa gilid ko. Nakikita ko sa peripheral vision ko na matangkad siya. Hindi ko siya pinansin at patuloy na umiyak.

"Hey! Are you deaf?! Sino ka ha?! Umalis ka sa pagmamay-ari ko!" Nabwiset ako kaya tinignan ko siya ng masama.

And Wow. He's so damn HOT! Bakat na bakat ang nag-iinit niyang abs sa kanyang basang damit at ang well built body niya. Pero kahit na hot siya. Masungit naman at nakakabwiset.

"Pagmamay-ari?! Kapal mo ha! Di mo pagmamay-ari tong park no!" Tugon ko.

Tumaas ang isa niyang kilay "Hindi ko pagmamay-ari tong buong park pero yang upuan nayan, akin yan! Kaya lumipat ka ako diyan!" Sabi nito. Aba!

Taas kilay kong tinignan yung buong bench. "Nasaan yung pangalan mo aber?! Wala naman, kaya It's not your's!" I answer sarcastically.

Sehnsucht (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon