CH. 02

0 0 0
                                    


"Anong sinabi niya?" bungad sakin ni Eliz pagka upo ko sa room

Hindi ko na sana sasabihin kaso mapilit ito kaya wala na akong magagawa.

"ANOOOO..."napatakip nalang ako sa tenga ko nang bigla itong sumigaw.Pati mga classmate namin ay napatingin kay Eliz  nagpeace sign naman siya.

"Hindi mo man lang binigyan ng chance  yung tao direct to the point agad " dismayado niyang sambit.Napabuntong hininga naman ako.

"Bakit sigurado ka ba na walang mabubuo kahit konting pagmamahal para sa kanya " pagpapatuloy nito.

"Eliz naman alam mo naman na wala sa plano ko ang bagay na yan. Pumunta ako rito para mag aral hindi para magkaroon ng lovelife" medyo may inis na saad ko.

"Sabagay tama ka ..." buntong hininga niyang saad.

Andito ako sa library  para kunin yung libro na kakaioanganin ko para sa research namin.Pinauna ko na si Eliz dahil baka matagalan ako may assignment pa kasi akong tatapusin.

Napainat ako ng matapos ko ang assignments ko may mga projects pa pero sa apartment ko nalang itutuloy gumagabi na rin kasi.

Nang makalabas ako agad akong pumara ng trycicle. Medyo malayo kasi yung apartment namin ni Eliz sa school na to kung lalakarin ko .

Sinaksak ko yung headset sa tenga ko at nagpatugtog ng music. Nakapikit lang ako habang nakasandal , mapagkakatiwalaan ko naman si kuyang driver kasi kilala ko na siya. Mabait yung pamilya nila samin ni Eliz .

Napamulat ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumaan sakin at para bang bumigat ang trycicle. Kinabahan ako at tinignan si manong pero parang wala siyang naramdaman.

Maya maya nang nasa dulo na kami ng tulay ay umokay na . Parang may mali aysh baka guni guni ko lang to.

"manong thank you po " ngiti kong saad sa kanya at ibigay yung bayad. Agad naman nitong tinanggihan.

"Wag na iha , itabi mo nalang iyan para sa pag aaral mo " sambit niya.Nahiya naman ako kasi ganyan lagi sinasabi nito pero minsan pinipilit ko kasi kailangan naman nila iyon. Hanapbuhay niya kaya ayokong I take advantage ang kabaitan niya.

Nagpapasalamat agad ako bago siya umalis. Sa kabilang kanto lang Ang bahay nila.

Agad akong pumasok sa apartment pagkatapos umalis ni manong. Nabungaran ko si Eliz na nanonood Ng balita.Napabaling naman ito sakin Ng maramdaman ang presensya ko.

"Good evening Dein anjan ka na pala " ngiting bati nito sakin.Ngumiti lang din ako ramdam ko ang pagod sa physically and mentally.

"May pagkain don sa mesa " Saad nito .Nakaupo ako sa sofa tinabihan ko siya.

"Kapagod " Napailing naman ito.

"Huyy kamusta yung assignment mo tapos na " tanong niya.

"Oo pero may projects pangdi ko nagawa" parang iiyak kong saad.Napabaling ang tingin ko sa television.

"Huyy Dein may ikukuwento ako " Ani nito.Tahimik lang ako.

"Alam mo ba nung umuwi ako may naramdaman akong kakaiba sa tulay na kung saan nangyari ang aksidente."  Saad nito nakinig lang ako.

Siya rin pala kung ganon hindi ko yon guniguni? Pero bakit hindi naramdaman ni manong o baka naman...

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: May 16 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

The bridge Место, где живут истории. Откройте их для себя