Prologue

2 0 0
                                    


"Anong nangyari don ,bakit sila nagkakagulo " tanong ko kay Eliz pauwi na kami galing school.

"Hindi ko rin alam ......tara tignan natin" Aya nito sakin. Kaya lumapit kami .

"Miss anong nangyari dito" tanong ko sa isang babae.Hindi namin makita kaya nagtanong nalang ako.

"May naaksidenteng babae , bumaliktad yung sasakyan " sagot nito pero hindi humarap samin kaya hindi namin makita ang mukha niya.

Tumingin kami sa harap medyo may siwang na kaya nakita namin yung bumaliktad na sasakyan.

Magtatanong sana ulit kami sa babae nang makita naming wala na siya..huh!..andito lang siya kanina a.Pati na rin si Eliz nagtataka.Isinawalang bahala nalang namin yon.

Mga ilang minuto pa nailabas na nila ang katawan ng biktima at leaking gulat namin ng mapagtanto na parang siya yung kausap namin kanina.

"Grabe Dein hanggang ngayon kinikilabutan parin ako " kinikilabutang Saad ni Eliz

"Baka naman hindi siya yon " Saad ko pero kahit ako may parte sakin na naniniwalang siya nga iyon.

"Pero impossible nang malapit na nilang ilabas ang katawan ng babae bigla siyang nawala" curious na saad nito.

"Hayy Eliz kumain muna tayo baka gutom lang natin to " pangbabalewala ko sa usapan.

"Baka nga " Saad niya kaya kumain na kami. Nasa apartment kami ngayon makauwi galing sa aksidente na nakita namin sa may tulay.

"Dein alam mo bang may kwento ang tulay na iyon kung saan naganap ang aksidente" ani ni Eliz

Tahimik lang ako habang nakatingin sa kisame.Nakahiga kami ngayon na magkatabi.

"Sabi nila kadalasang may nagaganap na aksidente don" pagpapatuloy nito. Bigla tuloy akong kinilabutan.

"Hayy tama na Eliz ..tumatayo na balahibo ko sa kwento mo " pagsusuway ko sa kanya. Napabuntong hininga naman ito.

"Sabagay ako rin e "

"Nga pala balita ko nanliligaw sayo si Jerome" pag iiba niya alam kong ngingiti ngiti ito kahit hindi ako nakatingin.

"Saan mo naman nakuha ang balitang yan" taas kilay kong saad at saka ko ito binalingan.Humagikhik naman ito.Napailing naman ako .

"Matulog na tayo "

"Ikaw a iniiwasan mo ang usapan" nanunuksong saad nito.

"Hindi ko iniiwasan tsaka maaga tayo bukas " seryosong saad ko . Tumango naman ito.

Jerome is a nice guy wala ka nang hahanapin sa kanya.Marami na nga siyang admirers , hindi ko nga alam kong bakit sa dinami dami ng babae sa mundo , ako pa ang natipuhan.

Nabalik ako sa ulirat ng may narinig akong hilik.Kahit kailan talaga tong babaeng to. Nakaramdam ako ng antok kaya itinulog ko na.

"Dein .., gising"

"Hmmm"

"Huyy gising" napadilat ako nang marinig kong may gumising sakin.

Bumungad sakin ang kaibigan ko na nakataas ang kilay.

"Anong oras na " inaantok na tanong ko.

"6:50" diretso niyang sagot.

"ok - WHATT!" Dali dali akong pumasok sa banyo para gawin ang dapat gawin.

"goshh ...antagal mo " irap niyang reklamo.

"bat kasi di ako ginising" reklamo ko pabalik.

"O my kanina pa kita ginising ayaw mo magising kulang na nga lang buhusan kita ng tubig .. wala pa rin .." inis na inis niyang saad.Nagpeace sign namn ako.

"Sorry naman .... okay"




The bridge Where stories live. Discover now