CHAPTER 1

9 0 0
                                    

MY POV

"JB tara na bilisan mo ahahaahahhaa !!!!"  -sigaw ko

"Antayin mo ko maduga ka talaga hahahahhaha.!!!..." -pahiyaw naman nyang sagot sakin.

Ako nga pala si Kim. Isang 4th year student. Nerdy looking guy pero in reality hindi naman talaga ako nerd medyo lang. Masipag lang talaga akong mag aral. And I have a best friend too and his name is JB, a popular handsome student in our school.

Last year na namin sa high school and I don't know how and what to feel because we're growing up too fast to the point na hindi ko na namalayang may mga bagay na kaming hindi nagagawa ng magkasama.

He has his own circle of friends at ako rin naman, ang pinagkaiba lang ay sila yung tipo ng magkakaibigan na happy go lucky lang, yung kung saan saan nagpupunta pero hindi naman nagpapabaya sa pag aaral at kami naman ng mga friends ko yung tipong after class uwi agad ng bahay pero hindi naman kami mga nerd na talagang laging libro na lang ang hawak, lumalabas din naman kami pero paminsan minsan lang kung magkayakagan.

Pero sa kabila nun ay hindi naman nya nakakalimutan na kaibigan nya pa rin ako at antayin araw araw para sabay kami lagi umuwi dahil may mga araw na sa kanila ako umuuwi at doon natutulog.

"Hoy samin ka ba uuwi mamaya ?" - tanong nya saken habang pareho kaming nakaupo sa resting area malapit sa canteen.

"Oo, bakit ?" - sagot ko sa kanya

"Hmmm wala lang naman" - sagot nya

"Ano nga ? Sabihin mo na". - sagot ko sa kanya. Kilala ko na kasi sya, alam ko kapag may sasabihin pa sya.

"Hmmm hindi kasi kita masasabayan mamaya" - sagot nya habang kakamot kamot ng kilay na para bang hindi alam kung paano sasabihin sakin ang dahilan.

"Alam kong alam mo naman na ang dahilan ahahahhaha" - tatawa tawa pang dugtong nya.

"Umuna ka na lang sa pag uwi mamaya tapos sabihin mo kay mama at papa na may sinasamahan lang ako sandali" - sabi pa nya habang kikindat kindat.

And that's when I realized what he was trying to say. Oo, alam ko na ang ibig nyang sabihin. Since ng tumapak kami ng high school may naging crush sya, taga ibang section nga lang at kami yung magkaklase dalawa. Simula noon pa lang ipinaalam na nya saken na may nagugustuhan daw syang babae, sinabi pa nya saken na wag ko daw pupormahan kase kanya daw yun at mag aaway daw kami pag inagaw ko yung babae sa kanya.

Lahat naman sinasabi nya saken ma-pa laro man yan, lakad nya o nila ng barkada nya. Ganun din naman sya, alam nya halos lahat ng tungkol saken mapwera sa isa. At saming dalawa ako lang talaga yung may tinatago tagong lihim sa kanya.

Hindi na nya naantay pa yung sagot ko at umalis na agad sya, kakaway kaway pa sya habang naglalakad papunta sa barkada nya. Lumipas ang ilang minuto na hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa dinaanan nya, at hinayaan ko na lang yung sarili ko na tingnan sya sa malayo habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya.

Hanggang sa mag uwian hindi na kami nakapag usap pa, dali dali kasi syang umalis dahil pupuntahan pa nya yung babaeng gusto nya.

"Hey Meycel, una na ko sa inyo ha. Mag gagawa pa ko ng assignment sa bahay eh andaming kelangang tapusin"- sabi ko doon sa isa kong kaibigan.

"Hindi ba kayo sabay ni JB pauwi ?" O sya sige sige mag iingat ka kita na lang uli tayo bukas"- nakangiting sagot naman nya.

"Ah hindi eh may pupuntahan pa daw sya. Sige sige ingat din kayo ha una na ko"- sabi ko sa kanila.

Lumabas na ko ng room namin para umuwi ng makita ko sila JB kasama yung babaeng gusto nya, nag iwas na lang ako ng tingin na kunwari hindi ko na lang sila nakita.

Nakauwi na ko ng bahay at sinabi ko sa mama at papa nya yung dahilan kung bakit hindi kami sabay umuwi. Nung una ay nagtanong pa sila at nangumusta ng naging araw ko at sinagot ko nalang sila ng mabilisan para makapunta na agad ako sa kwarto ni JB.

Kapag umuuwi kasi ako sa kanila ay sa kwarto nya ako natutulog katulad din naman kapag sya ang natutulog samin ay sa kwarto ko din sya natutulog. Kinalakihan na namin yung ganung set up at wala namang problema kasi pareho naman kaming lalaking dalawa.

Natapos ko na yung mga gawain ko ng hindi pa dumadating si JB. Inisip ko na lang na baka nagkalakad pa sila kaya hanggang sa mga oras na yun ay wala pa sya.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka tumayo at naligo. Dumiretso na din ako sa pagtulog kasi gabing gabi na at may pasok pa kinabukasan, hindi ko na sya naantay at baka magtatagal pa sya.

GROWING UP - GROWING APARTWhere stories live. Discover now