DAPIT HAPON

13 0 0
                                    

Nakatayo sa gilid ng tulay habang pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan habang lumulubog ang araw.

Masisilayan ang sinag ng araw na kulay kahel; kumikingtab sa pagtama nito sa malakas na agos ng ilog sa ilalim ng tulay.

Malakas na hangin na umiihip mula sa mabibilis na pagdaan ng mga sasakyan.

Huminga ako nang malalim at napapikit.

“Totoo po ba ’yung sinasabi nila na dugo raw ng bata ang hinahalo sa semento sa pagggawa ng mga tulay?”

Napadilat akong bigla at napatingin sa bata.

Natuwa ako sa kanyang tanong.

“B-bakit mo naman naitanong?” ani ko. “

“Tinatakot kasi ako ng magulang na kapag daw lumabas ako sa gabi ay ako baka makuha ako at ialay,” paliwanag niya.

Hinimas ko ang kanyang buhok at napailing.

“Huwag kang mag-alala. Hindi 'yon totoo! ’Wag kang maniwala sa magulang mo dahil ginagawa lang nila 'yon para protektahan ka, okay?”

“O-okay po...” aniya.

Habang naglalakad ako pababa ng tulay ay umihip ang malakas na hangin at tinangay ang isang papel na dumampi sa aking mukha.

Agad ko itong tinanggal at aking tiningnan.

May litrato ng isang batang nawawala. Namukhaan ko siya dahil siya ang batang nakausap ko kanina.

Nanlaki ang aking mga mata at ako'y pinagpawisan. Nabasa ng pawis ang papel kung kaya't nahirapan akong tanggalin sa pagkakadikit sa aking kamay.

“Diyos ko! Kawawa naman 'yung bata! Tinapon lang sa may ilog!” mga usap-usapan na aking naririnig sa paligid.

Bigla kong nakasalubong ang aking kaibigan.

“Hoy! Bakit nandito ka pa? Tumakas na tayo!”

Stories Hiding In The Darkحيث تعيش القصص. اكتشف الآن