Chapter 3

30 3 0
                                    

Chapter 3


Snow's POV

"Because I found out that you're a very interesting person, Snow."

Lumayo siya at hindi maalis ang ngisi sa labi niya. Interesting person ako? Umiling ako dahil hindi ma-gets sa sinabi niya. "Hindi po ako kumbinsido sa rason niyo."

Nagkataon naman na nag-ring ang kanyang cellphone.

"Yes?...Alright, I'll be there in 15 minutes." sabay pinatay niya ang tawag. "I have someone to meet today. You better stay rest and we will talk again tomorrow."

Kahit may gusto pa akong itanong sa kanya, hindi ko na lang ginawa lalo pa may gagawin pa siya dahil isa pala siyang leader ng mafia group. Tumango na lang ako.

"If you need something, you can ask Dr. Fajardo. She's in the next room." bilin niya pero bago siya makalabas ng kwarto ay lumingon siya sa akin. "Have a good night." saka siyang tuluyang lumabas ng kwarto.

Humiga na lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Hindi mawala sa isipan ko ang mainit na yakap niya sa akin at paglagay ng daliri niya sa labi ko. Namalayan ko na lang na hinipo ko ang aking labi. Kasabay pa iyon ang pagtitig sa mata niya na parang nakakawalang hininga.

Sandali. Napahinto ako sa ginawa ko. Bakit bigla ko naalala ang mga iyon kanina? Uminit ang mukha ko dahil sa hiya. Pero sa kabila na ginawa niya, hindi ko masabi kung dapat ko siya ipagkatiwalaan. Paano kung sasaktan niya ako katulad ng ginawa ni Master sa akin na nagkukunwari na tumulong lang siya sa akin? Mahigpit ang kapit ko sa kumot. Kung papatayin niya ako, mas maigi pa kaysa maghirap ulit ako.

"Kailan kaya matatapos ang paghihirap ko?" tanong sa sarili ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na ako.

-

Kinabukasan sa paggising ko, may dumating na dalawang maid at sila nag-asikaso sa akin sa paligo at pagbihis. Pinasuot sa akin ng isang plain white shirt at black sweat pants saka puting tsinelas. Inayos naman ni Denisse ang bandage at pina-check up kung okay na ako. Maya-maya pa may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang matandang butler.

"Master Connor wants to join you on breakfast, Sir." sabi niya.

Sumunod naman ako sa kanya na papunta sa dining area. Wow! Nilibot ang tingin ko sa paligid. Hindi basta bahay lang ito kundi mansion talaga. Mas maganda nandito kaysa sa dati kong bahay. May mga mamahaling naka-display ang mga portrait, furniture, statues, at iba pa. May mga maids at butlers na abala sa kanilang ginagawa. Pansin ko may mga kalalakihan na naglalakad habang may mga baril. Talagang secured nga itong lugar ni Mr. Meyer.

Pagkarating namin sa dining area, napanganga ako sa nakita. Breakfast palang ito pero nakakatakam na yung nasa hapagkainan. May hotdog, pancake, tocino, toasted bread, beacon, ham, mga palaman at iba't ibang inumin katulad ng tea, kape, tubig, at juice na nasa round table. Nanaginip pa ba ako?

"Are you staring at the food or me?"

Naalipungatan ako nang marinig ko ulit ang boses niya. Nakatulala na pala ako. Nakakahiya! Narinig kong mahinang pagtawa niya habang umiinom ng kape.

"Come now. Feel free to eat whatever you want."

Tumango agad ako at umupo sa isang bakanteng upuan. Hindi ko alam kung ano uunahin kong kainin. Nakaka-overwhelm na ganito. Kung yung dati, kumakain lang ako ng lumang tinapay o mga tirang pagakin. Kinuha ko na lang yung isang toasted bread at kinagat ko sa unang pagkakataon. Ang sarap! Akala ko hindi na ako makakain na ganito pa.

BROKEN MAFIA SERIES #3: The GODFATHER [BL I R-18]Where stories live. Discover now