Chapter 33

1 1 0
                                    

Hinugasan at pinunasan ko ang mga tupperware na ibabalik pa niya kay Ma'am Lizelle. Narinig pa nga raw niyang tinatalakan siya ng Nanay nila dahil ang napahiram pa raw nito ay yung mamahalin pa.

"Ako na lang maghahatid ng orders." Sabi ko sakaniya dahil siya naman ang magbabalik ng mga ito. Gamit ang old bike, tumungo na siya papunta kila Ma'am Lizelle. Ako naman kumuha na lang ako ng payong dahil maglalakad lang ako. Tatlong bahay na nga lang ito, anlayo pa ng isa.

Gamit ang trolley bag for groceries na hindi tumatabingi ay nagsimula na rin ako maglakad. Andito lahat ng orders sa bag nito. Wala pang limang minuto ay naihatid ko na agad ang unang order. Malapit lang ito sa bahay nila Kuya Brutt kaya alam na alam ko ang daan kahit shortcut. Sa pangalawang bahay may clue nako kung saan iyon dahil familiar naman ang lugar pero yung exact place ay mapipilitan akong magtanong.

All goods naman, dahil wala pang bente minuto ay nakarating na ako sa bahay nila. Kaso natagalan lang dahil pilit nilang pinambabayad ang isang libo saakin eh sa wala nga akong panukli. Sa tagal ng pag-aantay ko napagtanong ko na kung saan itong panghuling idedeliver ko.

Kailangan ko pang lumabas ng village kaya nagsimula na agad ako maglakad pagkatapos nilang makabayad. Usually tinatricycle ito palabas, pero dahil hapon pa lang naman at wala naman akong hinahabol na oras ay nilakad ko na lang-- ang mahal magpresyo ng mga drivers dito, minsan nanduduga pa.

Wala pang bente minuto ay nakarating na ako ng sakayan ng jeep. Medyo malayo talaga ang bahay nung nagorder, buti na lang ay tatlo ang binili niya kaya kahit papaano ay hindi rin lugi sa time ng pagdeliver.

"Manong magkano po sa Kamiyas?" 12 lang ang binayad ko at minimum fare pa, pero yung layo kala mo dumaan pa kami ng NLEX.

Hinayaan kong madama ko ang hangin na tumatama saakin galing sa bintana. Maluwag ang jeep kaya kahit onti na lang ay tapatin ko na ang bintana ay walang may pakielam.

Kahit may halong usok ang nalalanghap ko ansarap talaga makalabas ng bahay. Ibang iba sa atmosphere sa loob ng bahay. Hindi ko naman sinasabing nahihirapan na ako sa loob ng bahay, pero minsan nakakasuffocate din, kapag yung mga nakakasalalumyha mo lang ay iyong mga problemang kinakaharap lang ng sarili mo. Minsan nga napapaisip ako kung totoo bang pabigat lang ako sa loob ng bahay. Gusto ko na ring magtrabaho pero bawal pa rin. Bago magsimula ang bagong school year sa school noong nakaraang taon ay aminado akong hindi talaga ako okay. Wala naman sana akong balak huminto sa pag-aaral, kaso sila Ate Myrna na mismo nagsabi na saakin na kung gusto ko huwag munang mag-aral ay okay lang sakanila kasi makakatulong naman daw ako kay Mama sa mga business nito. Nung mga panahong iyon din kasi ay dumagsa talaga ang mga orders sakaniya — mababa na ang limang daan sa isang araw. Talagang season ng mga orders ni Mama nung mga panahong iyon. Si Ate naman nung oras na iyon ay natanggal sa dati niyang trabaho, kaya kahit sabihin pa naming maraming orders si Mama ay mahihirapan talaga rin kaming pagkasyahin kung dalawa kami ni Kuya Agnes ang sabay na mag-aaral. Kaya tumigil na talaga muna ako sa pag-aaral. Nakapagpahinga na ako, nakapaggive way pa ako kay Kuya Agnes. A win-win situation ika nga.

Natigil ang pag-iisip ko ng masilaw ako sa isang pamilyar na lugar.

"Namiss ko na itong Daniry..." Ito yung isa sa favorite namin kainan. Kaso minsanan nga lang namin nagagawa dahil maliban sa hindi naman kami gaano kumakain sa labas ay malayo layo pa saamin. Oo nga noh...

"Manong malapit na po ba yung Kamiyas?" Biglang napapreno ang driver kaya napasubsob pa ako sa upuan.

"Lumagpas ka na!" Nagkamot pa ito ng ulo dahil halatang naaburido siya sa tanong ko.

"Sensya na po bababa na lang ako." Agad kong kinuha ang gamit ko at dali daling bumaba. "Lumiko ka sa pangatlong likuan ayun na iyong Kamiyas." Sigaw nito saakin bago muling pinaharurot yung jeep niya.

Narating ko naman yung sinasabi ni manong, hindi ko lang alam kung saan dito yung exact address ng pagdedeliveran ko. Hindi ko pa naman dala phone ko — wala kong contact sakanila. Iyong meron lang ako ay iyong isinulat ko kanina sa mga lalagyan nito.

Antagal ko nag-ikot dito. Nakakalito yung mga direksyon na itunuturo ng mga tao rito. I cant even define kung kasali ba sa lalagpasan kong likuan yung one-way na daanan. Nakakahaggard.

"Knock knock knock" Katok ko sa isang bahay. Sana ito na nga iyon, dahil nakakahiya iyong pagkatok ko sa isang bahay kanina. Buong angkan lumabas para idepensa na wala silang order eh tinatanong ko lang naman kung sakanila ba itong tatlong Leche Flan.

"Ma, may kumakatok!" Narinig kong sigaw ng isang anak. "Pagmuksan mo baka ayan na iyong inorder kong Leche Flan." Sigaw naman ng isang babae.

Salamat.

Agad akong nabuhayan ng pagbuksan ako ng pinto. Maliban sa nahanap ko na iyong bahay nila... ANG GWAPO PA NG ANAK NIYA.

"Magkano raw po?" Anggwapo pa ng boses niya! shet nakakakilig! 

Kahit madilim na at alam kong ang talak ng nasa bahay ang maabutan ko ay uuwi akong nakangiti. This is not me po pero totoong gwapo siya I swear! Medyo singkit siya, pango at morenong moreno ang kutis niya! That is not literally my type, pero anlakas talaga ng dating niya saakin.  Idagdag mo pa yung titingnan mo pa lang siya alam mo agad na ang linis-linis at ambango bango niya lalo na sa black fitted sando niya.

Isang himala, hindi sa dahil nakita ko ang isang katulad niya kundi isang himala na ngayon ay nakahiga na ako sa kwarto ko ng hindi man ako nakarinig ng kahit anong bulyaw mula pagkauwi ko. Alam ko kasing hindi himala na nakita ko siya, kasi baka si kupido na ang gumawa ng bagay na iyon para matupad ang nakatadhanang mangyari— ang makita ang singkit niyang mata. 

Alam kong maganda ang ngiti ko, dahil mula ito sa paghanga. 

Hinayaan ko ang sarili kong antukin ng mukha lang niya ang pinapantasya. Boses pa lang niya ramdam kong punong puno siya ng greenflag. Kaunti na lang hihilingin ko na rin siya sa bawat dasal ko. Napakaganda ng panaginip ko dahil sakaniya. Pero hinding hindi ko ito ikukwento kay Kuya dahil sasabihin niya lang akong cringe lalo na kung sinabi kong hinawakan niya ang baba ko at iniangat niya ito para magtapat ang mga mukha namin kahit matangkad siya. At hinding hindi ko sasabihin na kumindat muna siya bago niya ako ikiss sa noo.  

I know that I make face like kissing him exaggerately not just on my dream — cause i can feel it. Dahil feeling ko ambabaw lang ng tulog ko at nagagawa ko rin siya sa mismong katawan ko.

Maya-maya ay naramdaman kong may dahan-dahang lumalapit mula sa paanan ko hanggang sa mapunta sa mukha ko. Iyong parang gumagapanh. Lumulubog yung kama ko kung nasaan iyong bigat. Iyong bigat ng bawat paglapit, damang dama ko.

Mababaw nga ang tulog ko. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ReflectionWhere stories live. Discover now