Sa isang tahimik at mapayapang lugar na tinatawag na"Serenity Village",Kung saan nakatira ang nag iisang anak na babae na si Jane kasama ang kanyang ina na si Olivia.Sila lang dalawa ang magkasama dahil ang kanyang ama ay nagtatrabaho abroad.Masaya silang mag ina, nagtutulungan sa lahat ng bagay kagaya ng gawaing bahay at pati narin sa assignment o project ni jane sa school.Kaya bawat pag uwi ni jane galing sa school ay tumutulong siya agad sa kanyang ina sa gawaing bahay.Palagi din silang nanonood ng TV at nagkukuwentuhan at paborito nilang panuorin ang pelikula na ang bidang lalaki ay nagngangalang Levi, kaya binibiro siya ng kanyang ina na kapag mag asawa daw ito ay Levi ang pangalan ng lalaki.Nagtatawanan at parang magkaibigan lang silang dalawa .Ngunit dumating ang di inaasahang pangyayari napansin ni Jane na parang may kakaibang kinikilos ang kanyang ina at parang nanghihina na ito kaya tinanong niya ang kanyang ina "Nay okay kalang ba" tumugon ang ina "Medjo masama lang ang pakiramdam ko anak at nangangalay yung leeg ko" Biglang nag alala si Jane at kumuha ng gamot at tasa ng tubig at iniabot sa ina at sinabing "Inumin mo na yung gamot mo nay at imamasahe kita mamaya pagkatapos kung maghugas" Bumalik agad sa kusina si Jane upang maghugas ng plato ngunit may bigla siyang narinig na parang may nabasag kaya dali dali siyang pumunta sa kaniyang ina at nakita niyang nakahiga ang kanyang ina sa sahig kasama ang basag na tasa. Napatulala si Jane ng ilang segundo at dali daling humingi ng tulong sa kapitbahay at tinulungan siya ng pamilya Perez na isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar.Sinakay nila sa ambulansiya ang kanyang ina ngunit hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ito ng buhay.Iyak ng iyak nalang si Jane halos ilang araw bago siya matauhan ulit. Pagkalibing ng kanyang ina nagdesisyon siyang tumira sa bahay ng kanyang tita at tito dahil bumalik kaagad sa trabaho abroad ang kanyang tatay para mapa aral parin siya. Isang araw mga alas 5 ng hapon pumunta si Jane sa kanyang paboritong lugar kung saan siya palaging pumupunta simula ng mamatay ang kanyang nanay na tinatawag niya itong "Healing Garden" mayroong ibat ibang makukulay na bulaklak at may isang bahay kubo. Malapit lang ito sa kanilang bahay kaya ito na ang nagsisilbing tambayan niya. Habang siya ay nakaupo sa bahay kubo at nagbabasa ng libro may dumating na lalaki at umupo sa harapan niya at nagulat nalang si Jane dahil bago niya palang nakita ang lalaki.Biglang nagpakilala ang lalaki 'Hi I'm Levi Perez sorry kung naabala kita bagong dating lang kasi ako dito galing spain at ito din yung tambayan ko dati nung bata ako,nakita kasi kitang nag iisa kaya pumunta ako dito" Natulala si Jane at parang wala siyang masabi "ahh.. ehh.. ako nga pala si Jane Legaspi Nice to meet you" Di nagtagal ay naging malapit na sila sa isa't isa at naging magkaibigan.Kinuwento ni Jane ang nangyari sa buhay niya at kung paano siya tinulungan ng mga Perez na siyang mga magulang ni Levi.Ilang taon na ang nakalipas ay nakagraduate na sila sa kolehiyo at nagkaroon na silang dalawa ng trabaho at biglang nag propose naman si Levi kay Jane at nagpakasal silang dalawa.Ilang araw ang nakalipas bumisita si Jane sa puntod ng kanyang ina at ipinakilala si Levi at sinabing "Nay naka graduate na ako at may trabaho natupad ko narin pati yung mga sinabi mo sakin dati na mag pakasal po ako sa lalaki na ang pangalan ay Levi,di ko po inaasahang mangyayari yung sinabi mo ngunit ito na po nay,si Levi ang asawa ko".Napangiti nalang si Levi at si Jane habang kinakausap ang puntod ng ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/368376032-288-k863385.jpg)
BẠN ĐANG ĐỌC
Gone but never forgotten
Truyện NgắnSa tahimik at kanyang paboritong lugar, natagpuan ni Jane ang kapayapaan sa gitna ng kanyang kalungkutan.Sa pagkawala ng anino ng kanyang ina. Isang pagkakataon ng makilala si Levi ang nagdala ng isang kislap ng liwanag sa kanyang mundo. Ang kanilan...