A goodbye

27 9 3
                                        


    Mabigat ang talukap ng matang nagising si Mailen. Napatingin siya sa wall clock sa kanyang silid.

    3:06 am. Still the same time.

    She stare at the clock for a long time. Just staring at it. Sinusundan ng mata niya bawat galaw ng kamay nito, bawat pitik, bawat pagpatak ng segundo. It's like she's being transported into a place she alone can come.

    Kalmadong paghinga, halos hindi kumukurap na mata, hindi gumagalaw ang katawan. Limang minuto, sampung minuto, benteng minuto hanggang sa umabot na ng lagpas kalahating oras. Nasa ganoong posisyon pa rin si Mailen.

    A lot's going on in her mind. Her parent's disapproval, her school works, the rejection she just received and just just last week she found out what she's been dreading for days. Matagal na niyang nararamdaman my hindi na tama sa kanya. A lone tear dropped unknowingly from her eye. And now it's finally confirmed.

    She knew she won't be coming back to her comfort zone that even the pill she took didn't help. Just 2 hours of sleep before she unwillingly brought back to reality.

    Bumangon siya mula sa pagkakayukyok sa kanyang study table. Kaharap ang kanyang laptop habang gumagawa ng program code para sa isa niyang major subject. Napakadaming pula sa screen niya. Hindi niya alam kung paano aayusin ang mga error at bug. Katabi ng laptop ay ang botelya ng gamot na ininom niya.

    Tumayo na si Mailen kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at pumasok sa banyo para maligo. Naghanda ng almusal. Kumain at pinagpatuloy ang ginagawa bago siya nakatulog. Ilang oras na rin ang nakalipas ngunit parang hindi nababawasan ang pulang marka sa ginagawa nyang codes para pa ngang mas nadadagdagan ito sa bawat run na ginagawa niya sa program.

    She's getting frustrated, her head's starting to spin again just like a few hours ago. The headache is getting unbearable by the minute. Sinapo niya ang kanyang ulo habang ang isa niyang kamay ay awtomatikong hinagilap ang isa pang botelyang katabi ng laptop. Napatigil siya ng isusubo na niya ang capsule na kulay berde at dilaw. Walang ingay na naiyak na lamang siya habang nakayukyuk sa mesa. Tama na. ayoko na. tigilan mo na ko, please. Mahigpit na nakasabunot sa buhok ang dalawang kamay. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Hindi siya dapat gumawa ng ingay magigising ang magulang niya na nasa kabilang kwarto lang. Walang alam ang mga ito sa nangyayari sa kanya.

    Initially, she tried to calm herself without that capsule. She knew it's not advisable to rely on those prescribed pills even though it's from a doctor that she consulted pero pumipintig na sa sakit ang ulo niya, bumibilis ang tibok ng puso na tila ba tumakbo siya ng marathon, nanginginig ang buong katawan niya, naninikip ang dibdib at hindi sya makahinga ng maayos.

    She was left with no choose. Inabot niya ulit ang botelyang yun at kumuha ng isang capsule. Malapit niya na namang maubos ang laman nito. Hindi niya na matandaan kung pang-ilan na ba ang botelyang yun na nasaid niya ang laman. Linagok niya ang hawak ng walang tubig. Makalipas ang halos kalahating oras tumigil ang panginginig ng katawan niya. She calmly walk to her bed at humiga. Maya maya pa'y nakatulog ulit siya. 6:19am ang huling sabi ng oras sa kanyang celpon bago siya tuluyang inagaw ng hinihintay niyang panandaliang kapayapaan.

    8:06 am. Mailen is pulled back to reality, again.

    Ayaw man niya kelangan niya ng pumasok. She closed her laptop and put it in her bag. Sakto naman ang pagkatok ng kapatid niyang babae. "ate kakain ka ba? Nakahanda na ang almusal", tanong ni Lea.

"Hindi na. kumain na ako kanina pagkagising ko", sagot ni Mailen. Sinaklay niya ang bag at dinaanan niya ito palabas habang sinasara ang pinto. "pakisabi na lang kila mama papasok na ako. My exam kami ngayon", pahabol niyang bilin sa kapatid. Napatingin sa papalayo niyang likod ang kapatid. May pagtatanong ang ekspresyon ng mukha nito ngunit hindi o wala itong lakas ng loob magtanong sa kapatid.

CONFINED SPACEWhere stories live. Discover now