CHAPTER 2

1.2K 85 21
                                    



           "Mame, sigurado ka na bang bente pesos lang ang baon ko?" nanlulumong tanong ko kay Mame. "Mame, sampung piso ang classfund namin. Sampung piso lang ang magiging baon ko, paano na ako mabubuhay sa sampung piso?"

Sinamaan ako nito ng tingin. "Sana naisip mo 'yan bago ka gumawa ng kalokohan! At saka, 'wag kang oa. May baon kang mga pagkain kaya mabubuhay ka naman."

"Pero, Mame--"

"Wag mo akong ma-pero pero. Dapat nga sampung piso lang ang baon mo, eh," tugon nito. "Lumakad ka na bago pa magbago ang isip ko."

Naiiyak na nilingon ko si Dade pero nagkibit balikat lang ito. Nilingon ko naman yung dalawang babaeng kapatid ko na isang grade five at isang grade six. Ngumisi ang mga ito sa'kin bago ipakita ang baon nilang tig-fifty pesos.

Hinila ko pareho ang kanilang buhok bago tumakbo palabas ng bahay. Bagsak balikat lang ako habang naglalakad. Sampung piso lang ang babaunin ko sa loob ng isang buwan? Ang unfair ng mundo! Epal kasi ang Carter na yun, eh. Paano na ako makakasabay sa galaan kung sampung piso lang palagi ang baon ko?

Humingi ako ng tulong kay Kuya Paxton, kaya lang nalaman ni Mame kaya balewala rin. Hindi lang si Dade ang under, pati na rin si Kuya Paxton. Isang banta lang ni Mame, manginginig agad ang kalamnan nung dalawa.

"Parsia girl!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Slex.

Nakita ko ang malanding bakla na pakendeng kendeng na lumalapit sa'kin. Agad itong umangkla sa aking braso.

"Bakit mukha kang kipay na lamukot?" Tanong nito.

Barahula talaga ang bunganga nito. Manang mana sa kaniyang Nanay.

"Sampung piso lang ang baon ko sa loob ng isang buwan," nakasimangot kong sagot. "Paano na ako makakagala? Anong gagawin ko sa sampung piso?"

"Masyado ka naman kasing sakit ng ulo ni Mudrakels and Pudrokels mo, eh," nakangiwing sabi nito. "Ate ko, bakit mo naman kasi naisipang tanungin si Zaem kung kahawig niya yung etits na dinrawing mo."

Napanguso ako. "Joke lang naman, eh! Masyadong seryoso sa buhay. Pinanonood nga niya noon na magkantutan sila Nene at Boyet, eh."

Kinwento niya kaya sa'min yun. Sinaway ko nga siya noon pero tuwang tuwa lang si gago. Kunwaring matino pero gago naman.

"Speaking of the Devil. Nasa likuran natin sila with others." Lumingon ako sa likuran ko habang naglalakad.

Nakita ko yung apat na mokong sa likuran namin. May pinag uusapan sila Zaem, Rycher at Nlex. Si Cole naman ay kausap na naman ang hangin. May third eye kasi siya kaya kabarkada niya ang mga multo sa gilid.

Dahil nakatingin ako sa likuran, hindi ko makita ang nasa harapan ko. Natisod ako sa isang hukay kaya lagapak ako sa kalsada. Kamalasan nga naman! Punyetang bakla 'to, hindi man lang ako iniwas.

"Anong ginagawa mo diyan?" Malakas na tumawa si Slex. Kaunti na lang lalabas na organ niya dahil sa sobrang lakas ng kaniyang tawa. Sarap tusukin ng ngala-ngala niya. Pisteng bakla 'to. "Ang tanga tanga mo!"

Tumatawang tinulungan ako nitong tumayo. Nakasimangot na tiningnan ko ang tuhod ko, may gasgas iyon. Tiningnan ko ang palad ko at mas malaki ang gasgas doon, mayroon ding dumi. Sampung piso na nga lang baon ko, nagkasugat pa.

"Makabuntis ka sana!" Singhal ko kay Slex.

"Eww, never!" malanding sabi nito. Pumipilantik pa ang kaniyang mga daliri. "Allergic ako sa kipay."

"Tang ina mo, mauulol ka rin doon!" Inirapan ko siya bago padabog na maunang maglakad.

Magkakaroon na nga lang nang kahihiyan, talagang saksi pa si Gagong Carter!

Hindi ako sa room dumiretso. Dumiretso ako sa C.R para hugasan yung palad kong may sugat at dumi. Binasa ko yung dulo ng bimpo ko at pinunas sa tuhod kong may sugat at dumi. Nakasimangot akong lumabas ng C.R at mas napasimangot ako nang makita si Zaem sa gilid, na parang may hinihintay.

"Oh." Inabot nito sa'kin ang isang kahong band aid.

"Anong gagawin ko diyan?" Kunot noong tanong ko.

"Itapal mo sa utak mo," sarkastikong sagot nito. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang box ng band aid sa palad ko. "Band aid na lang hindi mo pa alam gamitin."

Pumalatak ito bago maglakad palayo. Napairap ako sa ere bago kumuha ng band aid at itapal sa sugat ko. Pumasok ako sa classroom at buti na lamang ay wala pa ang Teacher namin. Yung first subject pa naman namin ay terror, lalo na pagdating sa'kin.

"Sandali!" singhal ko agad sa treasurer naming si Glen. Lalapit na kasi agad ito sa'kin at maniningil. "Paupuin mo muna yung tao bago ka maningil! Dati ka bang bumbay, huh!?"

"Ang init ng ulo mo!" singhal nito sa'kin pabalik. "Gusto ko lang sabihin na bayad na ang dalawang linggo mo para sa classfunds!"

Inirapan ako nito bago dumiretso sa President namin. Salubong ang kilay na naupo naman ako sa upuan ko. Sino namang magbabayad ng bayarin ko? Wala naman akong secret admirer dahil hindi ako lapitin ng lalaki, away lang ang lumalapit sa'kin.

"Ikaw ba ang nagbayad ng two weeks ko for classfunds?" tanong ko, kay Rycher. 

"Huh? Hindi, ah!" mabilis na sagot nito. "Wag ka nang magtanong. Isipin mo na lang na may dumating na biyaya si Lord, pagkatapos ng mga kamalasan mo sa buhay."

Dinibdiban ko siya. "Talagang ipangangalandakan mong malas ako, 'no?"

Ngumisi lang ito sa'kin.

Napaayos kami ng upo nang pumasok ang first subject namin. Akala ko Wednesday pa lang kaya hindi ko dinala ang P.E uniform ko. Thursday na pala.

"May dala kang extrang P.E uniform?" tanong ko, kay Rycher. "Hindi ko dala ang P.E ko."

"Wala," sagot nito. "Naku, lagot ka. Alam mo naman 'yang teacher natin sa P.E, hindi uso sa kaniya ang second chance."

Mas lalo akong napasimangot. Nakakainis naman! Hindi ko talaga lucky day ngayon.

"Tumayo ang mga walang P.E uniform," sabi ng Teacher namin. "Maglilinis kayo ng buong court kung hindi kayo sasama sa volleyball."

Tatayo na sana ako kaya lang natigilan ako nang may naglapag ng P.E uniform sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin at bumungad sa'kin si gago.

"I bought extra P.E uniform," sabi nito. "Malaki ang damit pero kasya naman sa'yo ang pants."

"Thanks," maikling sabi ko.

Lumabas kami ng room at dumiretso sa C.R para magpalit ng damit. Napasimangot ako habang nakatingin sa salamin. Nagmukha akong hanger. Sakto lang ang pants sa'kin pero ang damit ay sobrang laki.

Nakatingin sa'kin ang mga classmates ko habang naglalakad kami papuntang gym kaya nagtaka ako. Pati yung ibang mga estudyante ay nakatingin sa'kin. Yung ibang babae ay parang gusto akong sakmalin.

"Anong problema niyo?" Masungit kong tanong sa mga nakatingin sa'kin.

"Mrs. Carter!" Nakangising sumulpot si Rycher bago ako akbayan.

"Anong Mrs. Carter?" Siniko ko ang kaniyang tiyan. 

"Nakalimutan mong may apelyido sa likod ang mga P.E uniform natin," bulong nito bago bumungisngis. "Carter ang nakalagay sa'yo."

Putek! Nakalimutan ko! 

"Bilisan niyong maglakad." Sumulpot sa kabilang side ko si Zaem.

"Ayiee, couple." Tumatawang lumayo sa'min si Rycher.

Naiinis na hinabol ko naman ito para makalayo kay Zaem. Lintik talaga! Kahit hindi talaga P.E time, dadalhin ko na ang uniform ko!

Devil's SmirkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon