(-_-). Gag* to ha.




Agad ko syang binatukan. "Ganyan ka ha?!, Sige! Ganyanan tayong animal ka!" sigaw ko sa kanya. "Huwag kang hihingi ng Yakult at tinapay sakin!".



Agad syang ngumuso at niyakap ang braso ko. Napangiwi agad ako sa ginawa nya. "Joke lang, hindi matigas katawan mo.. Promise".



"Talaga?"




"Oo...basta huwag ka ng mag sasayaw ulit ha?"




Adik talaga to!. Hindi nalang ako nag salita at baka maibalibag ko lang ito ng wala sa oras. Kinuha ko nalang ang panyo ko at ano paba... Syempre nag punas, ano paba ginagawa sa panyo? Iinumin ko?.



Habang nainom, halos mabuga ko na ang tubig sa gulat. Arghg! Ano ba?!
Isang lintik na papel lang naman ang pabalibag na binagsak sa harapan ko.



"Ibili mo ako ng pagkain! ". Rinig kong sabi ng engot na nasa likod ko lamang.






Masama ko syang nilingon, Halos tusukin ko na sya sa isip ko. Pero agad din akong napa atras ng makitang sobrang lapit nya sakin. Ang gwap--ang lamok! Bakit ba ang lamok sa court! Kulang sa spray!.





Naka cross arm pa ang loko habang nakakunot noo sakin. Nasa mag kabilang gilid nya naman si chikiro at duke. Ang iba naman ay nag lalaro na ng basketball at sepak doon.




"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Ibili mo ako ng pagkain! " ulit nya pa. Mapang api! Kapag ako yumaman! Sasampalin ko to ng ginto.




"Heto na oh, heto na--" pamimilosopo ko bago padabog na kinuha yung papael.



"Nag dadabog ka?"

"Hindi!"

"Bakit ka nasigaw?!"

"Hindi ako nasigaw!".


Hahampasin ko to! Daming tanong! Daig pa nanay ko. Kinuha ko yung papel. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang listahan, Hindi makapaniwalang tinignan ko si daze.




"Ang dami nito!,Sure kang ikaw lang kakain nito--" papalit palit ang tingin ko sa kanya at sa papal. "Patay gutom..." mahina kong sabi.




Mahinang tumawa si chikiro at duke na nasa gilid nya. Ito namang nasa gitna ay halatang hindi narinig ang sinabi ko kaya abot hanggang langit na naman ang kunot ng noo.




"What? Your saying something?"




Nanghihina akong umiling. "Wala po.
Ito lang ba? Wala na bang ihahaba itong listahan mo?" pang babara ko sa kanya.



The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now