ii.

18 2 0
                                    

A/N: Enjoy reading! Love from Zaine and Daxton ლ(⁠・⁠﹏⁠・⁠ლ⁠)

𖦹

"AYOS ka lang?"

Kusang gumalaw ang ulo ko sa tanong ni Xamiel sa akin. Nasa labas kami ngayon at naglulunch, kasama namin si Maeve na nag-aya rin pumunta rito sa restaurant na gustong-gusto niyang kainan.

"Anong meron d'yan? Sanay naman ako na tahimik 'yan pero hindi ganiyan katahimik." Komento ni Maeve habang iniikot ang tinidor niya sa chicken alfredo. "Pinamahamak mo siguro, Xam?"

"Baliw, hindi!" Mabilis na depensa nito. "Nabigla ata siya nang nalaman na si Sir Daxton ang Head namin sa Marketing."

Lumipat ang tingin sa akin ng kaibigan ko, "Seriously? Hindi mo alam na si Mr. Santino head niyo?"

Umiling lang ako. Hindi ko talaga alam at wala akong kaalam-alam. I mean, it would be inevitable to say because I only knew Xamiel in our team. At tsaka, hindi naman ako nauutusan pumunta sa Head kaya hindi ko pa nakikilala 'yon.

And what's the big deal if I don't know him? Is the world gonna end? Will it stop the typhoon?

"Sabagay, halos considered as baguhan pa naman kayo rito." Singit ni Xamiel. "Hindi katulad ko, almost three years na ako rito."

Nagtaka ako sa sinabi niya, "Almost three years? 'Di ba 25 ka pa lang?"

Bigla siyang napangisi na ikinangiwi ko. Mukha siyang tanga. "Do I look younger? Isang himala, what a compliment from you!"

Hindi naalis sa mukha ko ang pagtataka kaya tumingin ako kay Maeve. Napaikot ang mata niya at siniko si Xamiel na kanina pa bumubungisngis. "Bente osto na 'yan si tanda."

"Hoy, grabe naman maka-matanda 'to!" Sigaw niya at nakaagaw ng atensyon ang table namin. Mabilis namin na sinamaan ng tingin si Xamiel at pinilit makaupo. Humingi siya ng pasensiya habang kamot batok.

"Ito kasi," sabay sisi niya kay Maeve.

"I'm not lying naman."

"Mabawasan sana sahod mo," pagbabanta niya at nag-react dito si Maeve pero hindi niya pinansin dahil tumingin na siya sa akin. "Pero totoo, I'm already 28. Kasabayan ko lang si Sir Daxton nung nag-apply ako."

Oh, that means he is also at that age? Bakit hindi halata sa kanila?

"I think you need to communicate with your other co-workers, Zaine. We've already been working there for six months at ang nakilala mo lang ay itong si Xamiel?" Maeve said, there's a concern in her voice.

"He's loud and next to my desktop, paano ko hindi makikilala?"

"Alam niyo, ang sakit niyo na magsalita kapag tungkol sa akin." Singit muli ni Xamiel. "Hindi ba pwedeng friendly lang ako at gabayan ang newcomer sa company? Nagmamalasakit na nga ako."

Pinangkinitan ni Maeve ng mata ang katabi niya, "Nagmamalasakit mo mukha mo. Balita ko pinapasa mo raw kay Zaine ang gawain dapat na sa'yo, ah?"

Natawa ako sa isiniwalat ng kaibigan ko at hindi inaasahan ni Xamiel na ikukwento ko ito sa kaniya.

"Joke lang naman 'yon," pagdadahilan nito at tumingin muli sa akin. "Baby, hindi mo ako isusumbong sa HR, right? Hindi mo ako hahayaang makaltasan?"

Ngumiwi ako at pinitik ang noo niya dahilan para umaray siya. "Please stop calling me baby. Ulitin mo pa, irereport kita na inuuwi mo 'yung isang jar ng creamer mula sa pantry."

Amidst the City LightsOnde histórias criam vida. Descubra agora