CHAPTER 56

2.6K 53 12
                                    

Content Warning!

“I know you're awake. Dumilat kana.”

Napadilat ako dahil sa boses ni Yves, nasa loob pa rin kami ng ER at mukhang  wala si Aero. Umuwi na kaya siya? Imposible naman, sa sobrang gusto niya akong makuha kanina mula kay Yves. Imposibleng uuwi 'yon. 

“If you're looking for him, he's with the security,” sagot agad ni Yves kahit wala naman akong tinatanong pero dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. Bumangon agad ako sa hospital bed at hinawakan si Yves sa braso.

“Uwi na tayo?” tanong ko sa kaniya pero nanatiling seryoso pa din ang mukha niya. Alam kong maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon pero kailangan na muna namin umuwi para hindi na ako abutan pa ni Aero dito.

Magwawala na naman 'yon.

Nagmadali kami palabas ng ER at nang makita agad ang sasakyan ni Yves ay sumakay na agad doon, dahil doon ay napatingin ako kay Yves at napansin ko ang nagdurugo niyang pang ibabang labi.

Sino ba naman kasi ang hindi puputok ang labi kung nakipag-bugbugan ka ng ganun.

“Anong nangyari kay Aero?” bungad na tanong ko sa kaniya nang magsimula na siyang mag drive ng sasakyan.

“Tsk, talagang inuna mo pang inisip 'yong tarantadong 'yon kaysa sa'kin?” ramdam ko ang panunuya sa boses niya kaya napanguso ako. Nag aalala ako don sa tao, baka kasi napuruhan niya.

“Ang lakas ng loob niyang pumunta roon at manggulo.” Nakita ko ang pag higpit ng hawak niya sa manibela habang magkasalubong ang kilay.

“Sorry.” Iyon na lang ang nasabi ko at hindi na nag salita pa, hindi na rin kumibo si Yves hanggang sa makarating kami sa bahay. Nauna siyang bumaba sa sasakyan at sumunod naman ako. 

Nauna siyang bumaba sa sasakyan at sumunod naman ako. Badtrip na badtrip nga talaga siya.

Pag pasok ko sa bahay ay ibinagsak ko ang katawan ako sa sofa. “What a day, Aya, ” bulong ko sa sarili. Nag suntukan na naman si Yves at Aero dahil sa akin. Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sa buhay ko.

Napalingon ako kay Yves na bumaba galing sa kwarto. “Yves,” tawag ko sa kaniya ngunit nilagpasan niya lang ako at pumasok sa kusina.

Galit ba siya? I tsked. Malamang, Aya! Obvious ba?

Para akong tanga na nakikipag-barahan sa konsensya ko. Nakakainis.

Ilang sandali lang ay lumabas na rin ito ng kusina dala-dala ang isang bote ng alak at slices of lemon.

“Iinom ka?” tanong ko pero hindi niya ako pinansin, bagkus ako umupo ito sa isang single chair at nilapag sa glass table ang bote ng alak na hawak niya.

“Mukha ba akong hangin dito? ” banas na tanong ko. Naiinis na ako sa lalaking 'to, ah.

Inangat niya ang tingin sa akin malamig na tinignan.

“You two already broke up, right? Why does he keep pestering you, then?” Ramdam na ramdam ko ang lamig sa boses niya.

Napalunok ako at humugot ng malalim na hininga. “The truth is, tumakas lang kami ni Krypton sa bahay niya and i consider it a breakup.”

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “ What?  Tumakas kayo? Why?” sunod-sunod na tanong niya na parang nagulohan sa sinabi ko.

“Ano kasi...” nag aalangan ko pang sabi pero kitang-kita ko sa mga mata niya na curious siya sa kung anong nangyari sa amin ni Aero. Tumayo naman ako at ininom ang sinalinan niyang alak sa shot glass saka ako napapikit dahil sa pait. Peste! Whiskey pala 'to?

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Where stories live. Discover now