The Twins

9.2K 11 1
                                    


"Thank you, Lincoln at Cole." sabi ni Sheena habang tinatanggap ang bulaklak na bigay ng kambal.

Napairap na lang ako dahil mukhang tuwang tuwa pa siya sa simpleng bulaklak na yan. Sa garden namin meron naman non.

Si Sheena ang kakambal ko pero saming dalawa siya palagi ang pinupuri, sinusunod at laging pinapaboran. Samantalang ako ay lagi nilang minamaliit, iniinsulto at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. In short, si Sheena ang favorite at hindi ako.

Halos lahat nalang bagay na gusto ko ay napupunta sa kanya. Ano bang meron kay Sheena na wala sa'kin?

Muli na lang akong napairap. Kaya mas gugustuhin ko na lang na manatili sa apartment kaysa sa bahay namin.

Graduate naman na 'ko sa college kaya tuluyan na talaga akong bumukod. As if naman na may makakamiss sa'kin doon?

Umalis ako sa pwesto ko at nagpunta na lang sa garahe. Babalik na lang ako sa apertment ko kaysa naman makita ko pa sila.

Kahit kakambal ko si Sheena ay hindi kami close. Ni hindi nga kami nag-uusap. Lumayo na kasi ang loob ko sa kanya kahit pa magkambal kami. Palagi na lang kasi akong pinagkokompara sa kanya.

Pagkarating ko sa apartment ay dumiretso ako sa kwarto ko. Actually hindi lang ako ang nakatira rito. Si Lincoln at Cole ay dito rin. Pero minsan na lang silang umuwi rito dahil may mga trabaho at sariling bahay na rin sila.

Siguro matutulog 'yun sa sariling bahay nila. Ganun naman ang routine, once na magpunta sila kay Sheena para manligaw. Automatically doon sila didiretso dahil mas malapit 'yun.

Kumuha ako ng limang beer in can at nagpunta sa sala. Binuhay ko ang tv at nagpasyang manuod ng movie.

Lumipas ang oras at natapos na ang pinapanood kong movie kaya naghanap ako ng iba. Meron akong nakitang erotic movie kaya iyon ang pinili ko since ako lang naman ang tao rito ay hindi naman siguro masama.

Hawak ko ang remote control ng pumunta ako sa kusina para kumuha ulit ng beer. Binuksan ko ang ref at pinatong lang basta ang remote sa loob dahil hindi ko na yun madadala dahil sa beer.

Masaya akong umupo ulit at nanood. Napatakip na lang ako ng bibig at napahagikhik ng makita kong nagmemake out ang dalawang bida. Kailan ko kaya yan mararanasan?

Tumungga ulit ako at bahagyang nakaramdan ng init dahil sa pinapanood ko. Akmang huhubarin ko na ang damit ko ng biglang may kumatok.

Pasuray suray naman akong naglakad papunta sa pinto.

"Who's there?" nabubulol kong tanong. Walang sumagot kaya binuksan ko ang pinto.

Ang nakangiting mukha ng dalawa ay nabura.

"Uminom ka?"

"Obvoius naman diba?" inirapan ko sila at iniwan doon.

Narinig ko naman ang pagsunod sa'kin. Pagkaupo ko sa sofa ay narinig ko ang singhap ng dalawa.

"Shaina, ano yang pinapanood mo?" pasigaw na tanong ni Lincoln.

"Movie."

"Bakit merong nagaano diyan?" tanong naman ni Cole.

"Nag-aano?" nangaasar na tanong ko.

Hindi naman makasalita si Cole. Sila kasing dalawa ay napakaconservative. Wala pa nga siguro yang experience. Sa aming tatlo sa tingin ko ako pa ang mas maalaman sa ganito.

"Basta yan!"

"Nasaan ba yung remote?" lumapit si Lincoln at hinahanap sa'kin ang remote.

"Ewan ko. Umupo na lang kasi kayo rito, uminom at manuod!" hinila ko silang dalawa sa tabi. Binigyan ko sila ng tigisang beer at hindi man lang nila 'yun pinansin. Habang ako naman ay inom lang ng inom.

One Shot Stories (SPG)Where stories live. Discover now