Chapter 5

2.5K 169 110
                                    

She is


Hindi ko alam kung sinong pagtatanongan ko tungkol kay Riza. Masyado siyang maraming kaibigan. Hindi ko alam kung lahat ba sila nakaka-hangout niya o kaya man napagsasabihan ng sama ng loob. 


Pero kung iisiping mabuti walang nakakaalam ng buhay niya. Hindi nga nila alam kung sinong mga magulang niya. Kahit faculty hindi man lang naisip na tawagan o kausapin ang gaurdian niya no'ng mga panahong may imbistigasyong nagaganap sa pagkamatay niya.


"Shai," tawag ko kay Shai na abala sa pag-stapler ng mga pina-photocopy niyang lecture. 


"Oy, buti andyan ka na. Ikaw na nga maningil sa mga kaklase natin. Nagpasabay ng photocopy mga hindi naman nagbigay ng bayad," sabi niya at inabot sa 'kin ang mga papel na naka-stapler na niya.


Parang napasama pa ang pagsama ko sa Youth Program, sumobra ang feeling close niya sa 'kin. Nagagawa na niya kong utusan ngayon.


Wala akong choice kundi sundin ang utos niya. Kung hindi ako susunod, magagalit siya. Kapag nagalit siya hindi ako makakapagtanong tungkol kay Riza. 


Inayos ko ang pagkakahawak sa mga papel at isa-isahang nilapitan ang mga classmate namin.


Sinahod ko ang palad ko sa kanila. Nang tangkain ng isa sa kanilang kumuha ng hindi nag-aabot ng bayad hinampas ko ang kamay niya.


Halatang nagulat sila. Nilahad ko ang palad ko at isa-isa naman silang nag-abot ng bayad. Meron iba na pahampas pa ang bigay ng pera kaya pahampas ko ring binigay ang papel sa kanya. Umikot ako sa classroom para masingil ang lahat.


Wala pa ang ibang classmate namin kaya bumalik ako kay Shai dala ang mga binayad nila at natirang photocopy.


Binaba ko 'yon sa lamesa at nagulat siya ng makitang sobra-sobra ang bayad na binigay nila.


"Bakit andami niyan? Para five pesos lang ang pinapasingil ko."


"Hindi naman nila kinuha ang sukli nila."


Napailing na lang siya bago bilangin ang mga barya. Habang abala siya, naupo ako sa tabi niya.


"Shai, may tanong ako," sabi ko at tumango naman siya para hayaan akong magpatuloy. "Close ba kayo ni Riza? Anong alam mo tungkol sa kanya?"


Sandali niya kong tinignan bago balikan ang mga pera sa lamesa. 


"Mabait, maasikaso, madali lapitan, promising ang future, maaasahan - ."


"Wala na iba? 'Yong ikaw lang ang nakakaalam?" putol ko sa pagsasalita niya.


"Bakit bigla ka yata na-curious kay Riza?" tanong niya ng hindi ako tinitignan. "Kung kailan namatay ang tao saka mo siya kinikilala."


When the Bus StopsWhere stories live. Discover now