IX. Pag-ibig ang Magwawagi

6 0 0
                                    

Sa lipunang puno nang mga mapanghusgang katauhan,
Kaya pabang lumaban kahit napakaraming  hahadlang.
Kung ang pag-iibigan nyung dalawa ang susubukang wakasan,
Hahayaan mo nalang ba o iyong ipaglalaban?

Dahil naiiba kayo sa kapwa,
Napakaraming humusga.
Kay hirap lumaban ng patas,
Lalo na kapag wala kayong ginawang masama upang ito'y madanas.

Ngunit sa kabila nitong lahat,
Pagmamahala'y tumatag at mas lalo kayong umangat.
Yung mga nasa ibaba ay nanatili paring nasa ibaba,
Dahil sa kagustuhang lumamang ngunit sa gawaing hindi tama.

Ito lamang ang patunay,
Na kahit anong lumbay ang madanas sa paglalakbay,
Kapag ang dalawang puso ang nagsama,
Walang hanggang ang matatamasa.

Walang hanggang na hindi man sa kasalukuyan,
Kundi sa tamang oras na nakalaan.
Hawak kamay na maglalakbay sa kawalan,
Dahil ang puso ang magwawagi sa katapusan.










































Echoing VerseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon