VIII. Pagtingin?

10 0 0
                                    

Ako ba'y magagalak sa pakiramdaman na ito,
O mag-aalala sapagkat sa huli masasaktan lamang ako.
Kung bibigyan ba tayo ng tadhana nang pagkakataon upang maging tayo,
Kaya ko bang ipaglaban ka hanggang dulo.

Unti-unti ko na kasing naramdaman ang pag-usbong nang aking damdamin,
Na sa tuwing nakikita kita, naiisip koy kailan ika'y magiging akin.
Sa bawat asar na tingin ng kaibigan sa akiy binibigay,
Kalooba'y bumubundol sa kaba at hindi mapalagay.

Gusto na nga kita,
Pero alam kong imposible na maging tayong dalawa.
Sapagkat ikaw ay pagmamay-ari na nang iba,
Kaya ako'y hanggang tingin nalamang at palihim na hinahangaan ka.

Masakit mang isipin,
Ngunit kailangan kong tanggapin.
Na hanggang dito lang ang mundo nating dalawa,
Ngunit hanggang dulo susuportahan at hahangaan ka.







🤔🤭😳









Echoing VerseWhere stories live. Discover now