Sa Davao ay kung ano ako doon ay ibang-iba naman ako sa beach house. Back there, I was labeled as someone who liked women. Meaning, people saw me as a lesbian because of my actions and my fits. Ang hilig ko sa mga overalls at loose fit jeans o di kaya ay wide leg jeans tapos t-shirt.

Pero hindi nila alam na tinatago ko lang ang tunay na ako sa mga mata nila.

It's my way to protect myself from any malicious eyes. Ang tingin sa akin ng ibang tao ay parang karne na masarap kainin.

I was raped once, and I didn't want it to let it happen to me twice again. Simula noong nagdalaga ako ay mas tumangkad ako kaysa sa mga kaedad ko lang, although my breasts were not large—I had a well-rounded derriere. My legs were long and I could pass as a model because I had a perfect body for a model.

Kaya tinatago ko ang katawan na yun sa ibang tao kung saan man ako naroon. Pero nang makarating ako sa beach house ko ay malaya ako. Malaya  kong nagagawa ang gusto ko bilang babae.

Pero noong unang araw lang yun dahil akala ko ay mag-isa lang ako. Hindi ko naman talaga inaasahan na susundan ako ni Uggo. Nalaman nga niya ang address ko sa Davao, dito pa kaya sa Sacramento.

Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin sa harap ng salamin. Kinuha ko muna ang maliit kong bag saka ipinasok ang wallet ko.

Pumunta muna ako sa kusina at binuksan ang cellphone ko para maisulat sa notepad kung ano ang dapat kung bilhin. May ilang Linggo pa ako dito sa beach house bago bumalik sa Davao para magtrabaho and as much as possible, I wanted to shop good for weeks of my stay in my beach house.

Hindi ko gustong pabalik-balik sa bayan dahil nakakasawang makisalamuha sa ibang tao. Alam ko naman na hindi lahat ng tao ay masama pero kung may mabubuting tao, syempre nandyan ang mga masasama. Gusto ko lang na iwasan ang mga kagaya nila. Nakaka-traumang maka-engkwentro ang mga kagaya nila.

Ang dami kong nilista sa cellphone ko, gusto ko kasi ay lahat ng kailangan ko ay mabibili ko. Buti nalang at hindi ako gipit sa pera, nakabili nga ako ng beach house pero hindi ko ibig sabihin nun ay marami akong pera. I still needed to earn more kasi may panggagamitan din ako ng pera sa susunod na taon.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa silya saka naglakad na papunta sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla akong nagulat nang bumungad si Uggo sa harap ko.

"Shit! Muntik mo na akong mahimatay dahil sayo!" bulyaw ko at hinimas ko ang dibdib ko.

"I was just about to knock when you suddenly opened the door, 'tis not my fault." Inosente niyang sagot.

Pinakalma ko ang dibdib ko at naabutan ko naman ang paggapang ng mga mata niya mula sa ulo ko hanggang sa paa ko.

"Where are you heading for?" tanong niya nang mapansin ang ayos ko.

"Pupunta ako sa bayan para mamili ng kailangan ko. Eh ikaw? Ano bang ginagawa mo dito sa bahay? Paalis na ako at baka tanghalian pa ako sa bayan."

"Iimbetahin lang kitang kumain. Hindi pa ako nagbreakfast pero kung gusto mong pumunta sa bayan sasamahan na kita."

Agad na umasim ang mukha ko sa alok niya. "Huwag na. Kaya ko naman sumakay papunta doon."

"I know, pero nandito ako para ihatid ka."

Inirapan ko siya na ikinangisi lang ng loko. Napaatras siya nang lumabas ako at kinuha ko ang susi at nilock ko ang pinto tapos ay diniretso ko na sa loob ng bag ko para hindi mawala kapag sa bulsa ko ilagay.

Hindi ako nagsalita nang lagpasan ko siya at maglakad papunta na sa main road para sa pagpunta sa bayan.

"Come on, bakit ba ayaw mo akong isama? Hindi kita papakialamanan kung yun ang gusto mo. I just want to drive you there so that you'd come home safely. Delikado kapag sa ibang tao ka pa sumakay dahil hindi mo kabisado ang lugar na'to. I have my car parking outside of the beach house." Sumunod siya sa akin.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon