Chapter 55

1.5K 34 7
                                    

Aya

The sunrise illuminated the blue as if it were igniting the most perfect time. As I looked at Yves sleeping beside his son, hugging him so tight. Tila parang bumigat ang dibdib ko dahil nakikita ko kung paanong hagkan ni Yves ang anak ko. 

Habang tinitingnan ko siya, napansin ko na lang na lumandas sa pisngi ko ang mga luhang hindi ko napigilan. 

Unti-unti pa rin bumabalik sa alaala ko lahat nang napagdaanan ko kasama siya, lahat nang pagtatanggol niya kay Ysa. 'Yong nalunod ako pero hindi niya ako niligtas. 'Yong muntik na akong ma-rape. Pati 'yong annulment, 'yong nagmakaawa siya sa harap ko para hiwalayan siya. 

Hanggang ngayon hindi pa rin nag s-sink-in  sa utak ko lahat nang pinagsasabi niya kagabi. Kung totoo ba 'yon? Parang may pumipigil kasi sa 'kin na maniwala sa kaniya, sa kanilang lahat. 

Napatingin ako sa phone ni Yves dahil bigla itong tumunog, sinilip ko si Yves at mahimbing pa rin itong natutulog.

Napakagat labi ako dahil hindi pa rin tumitigil sa pag tunog ang phone niya, kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa bedside table para silipin iyon.

Teka, bakit ko pala sisilipin? Ano ako girlfriend niya? 

Muli akong naglakad pabalik sa pwesto ko kanina malapit sa balcony. I shrugged. Ang ingay! Naglakad ako ulit pabalik sa bedside table kung saan nakalapag ang phone niya at napangiti na lang ako ng  mapait nang makita ko ang pangalan sa Caller ID. 

Alyssa... 

So, hanggang ngayon nag uusap pa rin sila? O baka naman sila na matagal na. 

“Bakit hindi mo sagutin?” Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita kaya napalingon ako sa kama at nakitang pupungas-pungas pa ng mata si Yves. 

“P-Papatayin ko s-sana. Maingay. Oo tama, m-maingay.”

Inayos niya muna ng higa si Krypton bago siya bumangon at lumapit sa tabi ko. Kinuha niya ang phone at pinatay ang tawag. 

Huh? 

“Hindi na kami nag uusap. Matagal na,” pag amin niya agad sa 'kin kahit hindi ko naman tinatanong. Very defensive? 

“I didn't ask,” ani ko at nilihis ang tingin sa balcony.

“Baka lang gusto mo malaman,” anas niya at nginitian ako bago siya dumiretso sa loob ng cr. 

“Hindi ko gustong malaman, wala akong pake,” pagsasalita ko mag-isa pero nagulat ako nang bumukas ang pinto ng cr. 

“Naririnig ko po.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naging sagot niya kaya naman nagmadali na akong lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng takbo ng puso ko habang nakasandal ako sa pintuan ng kwarto. 

“Epal. Epal. 'Wag mo siyang tingnan, Aya, 'wag,” pukol ko sa sarili ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili bago ako nag lakad pababa para tumungo sa kusina. Ipaghahanda ko sila ng almusal. Teka—si Krypton lang. Oo, ipaghahanda ko ng almusal ang anak ko.

Habang naghahain sa mesa nang almusal naming tatlo. Oo, tatlo na kaming mag aalmusal, kawawa naman at baka mainggit kung kami lang kakain ni Krypton.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng pants ko kaya naman sinagot ko kaagad nang hindi  man lang tiningnan ang caller ID.

“Hello?” panimula ko.

“A-Aya? Oh, god! Nasaan kayo? I'm sorry hon, nadala lang ako ng emosyon ko. Nasaan kayo? Susunduin ko na kayo. Parang awa mo na, bumalik na kayo sa 'kin. Umuwi na kayo. Miss na miss ko na kayo ni Krypton,” mahabang lintaya niya sa kabilang linya. Medyo nagulat ako dahil ang bilis niya magsalita. Pero kahit na naawa ako sa kaniya ngayon ay hindi ako magpapatinag.

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon