Being a gentleman by nature, kahit na nasa kabila lang ang unit ko, he insisted on seeing me off. Sabi ko sa kanya maliligo lang ako tapos pwede na kami umalis para mag-grocery.

"Thank you. Balik ako ah?" Nilingon ko siya ulit nang makalabas ako ng unit.

He smiled and nodded. "Okay."

"Donnabelle?"

The familiar voice of my mother rang in my ears. Nanlaki ang mga mata ko. Kaleb's eyes went past me, looking at the person standing behind me.

Unti-unti akong lumingon. As soon as I met my mother's eyes, I knew I was done. Mabilis ding nalipat ang tingin niya kay Kaleb na mukhang hindi pa alam kung ano ang nangyayari at kung sino ang nasa harapan namin.

"Ma..." bati ko gamit ang maliit na boses.

"Your mom?" Kaleb asked.

"Pumasok kayong dalawa ngayon sa loob at magpaliwanag kayo," matigas na sabi ni Mama at binuksan ang unit ko gamit ang spare key. Nauna siyang pumasok sa loob at pabagsak na sinara ang pinto.

I bit my lip. Nahihiya kong nilingon ulit si Kaleb. Nagulat ako nang makita siyang tuluyan na ring nakalabas sa unit niya at kakasara lamang ng pinto.

"Wait! Saan ka pupunta?" bigla akong nataranta.

"Your mother wants to talk to us. I'm guessing she has the wrong idea. I'll help you explain what happened," he said.

"No need! Ako na ang bahala mag-explain kay Mama—"

"Nasaan na kayo?!" sigaw ni Mama mula sa loob.

Pumikit ako nang mariin. Nakakahiya si Mama.

"Uhm, I don't think your mom would like that," sabi ni Kaleb. "Sasamahan na kita."

Hindi pa ako nakakapag-decide, nauna nang pumasok si Kaleb sa aking unit. He waited for me by the door, though. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

My mother looked so intimidating as she sat with her legs and arms crossed. Bahagya pang nakataas ang kilay niya. Para siyang iyong mga kontrabida sa mga teleserye na willing magbigay ng sampung milyon para lang layuan ako ni Kaleb.

"Ma—"

"Maupo kayo diyan," mataray niyang sabi.

Napalunok ako at umupo sa lapag dahil parang sakop niya na ang maliit na couch ko. Feeling ko rin ay hindi kami puwedeng maupo sa tabi niya habang hindi pa kami nakakapagpaliwanag sa kanya.

"Good afternoon, Ma'am," pormal na bati ni Kaleb kay Mama bago naupo sa tabi ko.

I had no idea how he could still stay so calm and composed in front of my mother. I guess that's just really his personality.

"Ano'ng pangalan mo, hijo?" Nakataas ang kilay ni Mama nang magtanong.

"Kaleb po."

"Kaleb?"

"Kaleb Abello."

"Abello..." Bahagyang napakunot ang noo ni Mama. Mukhang may gusto siyang itanong kay Kaleb na isinantabi niya upang magpatuloy. "Ganito, hijo, walang kaso sa akin ang magkaroon ng boyfriend itong si Dawn. Nasa tamang edad na ang anak ko at may tiwala ako sa kanya. Ang sa akin lang, gusto kong makilala ang boyfriend niya. At saka bakit mukhang sa unit mo pa natulog ang anak ko? Madalas ninyo ba gawin 'yon?"

"Ma!" nahihiya kong suway sa kanya. Kung ano-ano na ang lumabas sa bibig niya.

"I'm sorry po. I'm here to explain what happened and tell you the exact relationship I have with your daughter," Kaleb started to explain with so much patience for my mother. "We just got on good terms after a misunderstanding. Nasira po ang breaker sa ng unit niya kagabi at wala ng maintenance na available until this morning. I have a guest room, so I invited her to stay in my unit..."

Moving Next DoorWhere stories live. Discover now