6

13 2 0
                                    

Enticing.

Agad akong nagmulat ng mata ng makarinig ng iyak sa tabi ko. Ang ingay naman, wala namang bata dito ah hindi naman nanganak si bella kasi hindi naman 'yon nabuntis. Hindi naman pwedeng may lumabas na bubwit nalang sa tiyan niya!

Napakunot ang noo ko ng bumungad sa paningin ko ang seryosong mukha ni bella, siya ba 'yong umiyak?

"Bakit ganyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ko dito nang makabangon dahil ang seryoso ng mukha niya parang isang maling galaw ko nalang pagtataasan na ako ng kilay.

"Sino 'yang batang 'yan?" seryosong tanong nito dahilan ng pagkunot ng noo ko. Ha? anong pinagsasabi nito? anong bata?

"Masama ba ang tulog mo?" takang tanong ko dito.

Hindi naalis ang pagkaseryoso sa mukha niya at seryoso paring nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay nang walang salita na lumabas sa bibig niya.

Mataman lang kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa bigla nalang akong napaigtad sa pwesto nang biglang may umiyak.

Nanlalaki ang mata kong napabaling ang tingin sa gilid at ng makita ang batang nakahilata at pilit bumabangon ay bumalik ang alaala at realisasyon sakin. Pakshet?!! bakit ko nga ba nakalimutan!

"Sino 'yan?" nabalik ulit ang tingin ko kay bella ng magsalita siya.

Nataranta naman akong napatayo at binuhat ang bata ng umiyak ulit ito. Shet ano ba 'yan hindi naman ako marunong magpatahan ng bata ni hindi nga ako marunong mag sayaw sayaw habang may hawak na bubwit hindi ko pa naman iniisip mag alaga ng bata kahit cute sila. Hindi maipinta ang mukha ko habang pinapatahan ito sa mga braso ko.

"Anak ni papa" tipid na sagot ko kay bella.

Mas lalong sumimangot ang mukha ko ng tumingin sakin ang bata at tinulak tulak ako habang umiiyak. Beh chillax lang! baka mahulog ito at kumalampag sa sahig mumultuhin talaga ako ng papa ko!

"Baby girl, pwedeng kumalma ka lang? hindi ako marunong mag alaga!" saad ko ng natataranta dahil malapit ng siyang mahulog sa pagkakahawak ko sa ginagawa niya. Ang batang 'to, lalaki pa ata 'tong pasaway eh, mukhang tatanda akong maaga 'pag ako pinag alaga dito eh nasaan na ba ang nanay nito!

"Akin na nga" rinig kong saad ni bella at kinuha ang bata sa bisig ko.

Jusko, buti naman.

Iginala ko ang mata ko mula sa paa niya hanggang sa ulo, napatingin rin ako sa bata at sa mukha niya ng biglang tumigil sa kakaiyak ang bata. Paano niya nagawa  'yon?

"Bagay sayong maging nanay" saad ko dito dahilan para mapatigil siya at mapatingin sakin. Nagtaka ako ng bigla siyang tumahimik pero hindi ko nalang pinansin at lumabas ng kwarto.

Nagpaalam rin agad si bella para pumasok kaya namomroblema na naman ako kung anong gagawin ko sa batang 'to. Hindi naman pwedeng iwan ko mag isa dito! mas lalong malalagot naman ako 'pag dinala ko. Wala na ba talagang ibang choices!

Wala rin naman kaming baby food dito, ano namang ipapakain ko sa kaniya?

Kumuha nalang ako ng kanin at nilagyan ng sabaw ng sinigang pwede naman siguro 'to...2 years old naman na siya sa pagkakaalala ko.

"Mimi" napaawang ang bibig ko ng magsalita siya habang pinapakain ko. Para akong mother na nakarinig ng first word ng anak niya. Ang sarap pakinggan ng boses ng mga bata, sana lang manatili nalang silang cute.

"Beh, hindi ako ang mimi mo" pagkakausap ko sa kaniya "ate mo ako, pero wag mo sana akong tawaging tete ha kasi tunog bastos 'yon" dugtong ko pa habang sinusubuan siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Was Enticing (It Was series #1)Where stories live. Discover now