2

11 2 0
                                    

Enticing.

"Monri, d'on ka daw muna sa counter inutusan ni ma'am Leiva si Raver" si ma'am leiva ang manager dito sa resto bar na pinagtatrabahuan ko.

Agad kong binitbit ang dala ko at nagtungo sa counter. Last week ako natanggap dito. Maganda rin kasi fair silang magpa sweldo kahit part time lang. Okay na rin 'to kesa wala akong trabaho, ano namang kakainin ko palay?

"Miss, magbabayad na ako" nakangiti kong binaling ang tingin sa harap ng may magsalita.

Agad nawala ang ngiti ko, napakunot ang noo ko at nanliit ang mata dahil sa taong nasa harap ko, anong ginagawa niya rito? Teka! sisingilin niya kaya ako ng isang daan?

"Ikaw?" biglang lumabas sa bibig ko. Napakunot naman ang noo niya. "nandito ka ba para maningil?" Biglang nag flash sa utak ko ang mukha niya last time. Ang mabait niyang mukha.

"You know me?" nagtatakang tanong nito, hindi niya ba ako naalala? last last week lang niya ako binangga ng kalawangin niyang bike nakalimutan niya agad. Madaling makalimutan ba talaga 'tong mukha ko? gan'on na ba talaga ka not worth to remember 'to! sinampal na naman ako ng katotohanan.

"1,230 sir" saad ko at hindi maiwasan irapan siya. Parang may bahid pa ng inis ang boses ko. Mukhang hindi nga ako naalala, ewan ko ba parang biglang sumama ang mood ko. Justifiable naman kasi isang beses lang naman kami nagkita. Pero hello? hindi ba tumatak sa kaniya ang paghingi ko ng pera? weirdo din talaga 'to eh.

Nakakunot ang noo niya habang inaabot sakin ang bayad, nagtataka siguro bakit ko siya inirapan. Wala lang trip ko lang, bakit ba. Hindi ko nga rin alam eh, nagkusa lang talaga ata ang mga eyeballs ko.

"Basic rules, you should be kind to the costumers" aniya.

Nagulat naman ako sa biglang saad niya. Ano daw? pinagsasabihan niya ba ako? bakit bigla 'tong nanunuro si kuya. Alam ko naman 'yon ang kainis na 'to, nakakairita lang talaga siya, medyo.

"Ay sorry sir ha" sarcastic kong sagot at yumuko pa sa harap niya. Tinuruan pa ako, hindi nalang nanahimik para hindi ako mainis. Red days ko lang talaga ngayon. Pero 'di ko sasabihin, 'di naman kami close.

Hindi niya ako pinansin at naglakad paalis, kitams... sinundan ko ng tingin ang paglakad niya, may kasama naman siyang tatlong lalaki na lumabas, mga kaibigan niya siguro. Napanguso nalang ako sa hangin.

Pogi nga suplado naman.

Tinapos ko nalang ng matiwasay ang trabaho ko at tinanggal na siya sa utak ko, wala siyang karapatang manatili sa isip ko. Swerte naman niya kung ganon. Pagkatapos ng shift ko ay umuwi na agad ako parang binagsakan ng isang sakong bigas ang katawan ko sa pagod, ang dami kasing costumer kanina pansin ko. Bakit kaya?

"Monri kailan ka magpapaenroll? baka hindi ka makahabol"

Nakaupo kaming dalawa kusina habang kumakain. Subo subo niya ang hotdog na favorite ko. Plano ko nga sanang wag siyang bigyan pero naalala kong siya pala ang nagluto. Sarap na sarap naman siya.

"Sa friday pa ang sweldo ko, last day naman ng enrollment sa friday makakahabol pa ako" sagot ko sa kaniya.

Makakahabol pa naman ako kasi hanggang sa hapon pa naman ang enrollment. Saka nakita ko sa page nila ang date ng last enrollment. Hindi naman siguro ako namamaliktamata, at hindi naman siguro nila binago.

"Pahiramin nalang muna kaya kita ng pera" aniya.

"Para kang tanga, wag na makakapag paenroll naman ako" mabilis lang rin naman mag enroll don sa school ko.

Hindi ko alam kung saang kalsada, kagubatan o karagatan ako pupulutin kung wala siya. Baka nagpalaboy laboy na ako sa kalsada o tuluyan na talagang naging sirena. Tingin ko magkapatid kami sa past life namin.

It Was Enticing (It Was series #1)Where stories live. Discover now