KABANATA 4

3 0 0
                                    

Asael Maxine Cazuha

I'm currently at the site. Iniisip ko pa rin kung bakit umaakto siya na para bang walang nangyari between us in the past.

Nakalimutan mo na ba ung ginawa mo Demi? Funny, how you kept acting foolishly.

I won't forgive you. Sa bawat araw na nakikita kita, kinakasuklaman kita. 

"Engineer Cazuha the electricians are here na po. They want to have a talk with you." Aniya ng assistant ko.

"Oh, yeah right. Coming."

Naabutan ko ang mga electricians na kausap si Demi. Natigil naman ang mga ito ng dumating ako.

"Mr. Alejandre, this is engineer Cazuha." Pagpapakilala ni Demi sa'kin.

Nakipagkamayan naman ako sa mga ito.

Ilang sandali pa ay napag-isipan naming pumunta sa aking office upang mapag-usapan ang magiging plano sa electricities and wirings. Umalis na rin si Demi dahil mukhang busy din ito sa pagpapatakbo ng kanilang business.

Natapos ang araw ko sa trabaho na wala masyadong ganap. Oh I almost forgot. Lalabas nga pala kami ni Sienna bukas. Ngunit wala pa akong naiisip na lugar kung saan ko siya dadalhin.

Manood nalang kaya kami ng sine?

Palabas na ako sa building ng bigla namang kumulimlim ang kalangitan. Maya maya pa ay tumulo na nga ang haring ulan. Kung minamalas ka nga naman. Pakshet.

Wala akong dalang payong dahil maganda naman ang panahon kanina. Motorbike lang din ang dala ko. Mukhang matatagalan ako bago makauwi.

Umatras ako ng kaunti dahil nababasa ako. Hindi ako pumasok sa loob ng building. Balak kong hintayin nalang tumila ang ulan.

Ano Asael? Dito mo na ba balak hanggang mag-umaga??

I was about to text  Sienna na malalate ako ng uwi ngunit naalala kong lowbat na pala ang aking telepono.

Ang swerte ko naman. Tangina.

*beep beep*

Nagitla ako ng biglang may bumusinang isang...

Pink Porsche Taycan sa harapan ko. Totoo ba ito? Namangha ako rito, ngunit nawala rin ang pagkamangha sa aking mukha ng dahan dahang bumaba ang bintana ng sasakyan mula sa driver's seat.

Demi.

I just ignored her at ibinaling ang atensyon ko sa kawalan.

"Bakit nandito kapa Engineer Cazuha?" Panimula niya.

Napansin ko rin na hindi niya ako tinatawag sa una kong pangalan. I wonder why.

"Malakas pa ang ulan."

"Hindi mo ba dala ang sasakyan mo?"

"I brought my motorbike. Pinapatila ko lang ang ulan." I replied without looking at her. I can't stand seeing her face. I can't stand having a long conversation with her. While there she is acting blind.

"Madulas ang daan. Delikado magmotor."

"Get in." She added. Ngunit hindi ko ito pinansin. Ang makita siya araw araw ay nakakabanas na what if pa 'pag dalawa lang kami sa sasakyan. Baka hindi ko makontrol ang aking sarili at masumbatan siya.

Should I take this chance para komprontahin siya? Para malaman niya ang ginawa niya sa'kin?

"Engineer Cazu-" hindi ko na ito pinatapos magsalita at sumakay ako sakaniyang sasakyan. Nakapagdesisyon na ako.

I will bring up everything from our past.

Sinimulan nitong paganahin ang makina at ilang sandali pa ay nakaalis na kami. Tahimik lang siyang nagmamaneho samantalang ako ay nakadungaw lang sa bintana at pinagmamasdan ang mga gusaling aming nadadaanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drunk And LostWhere stories live. Discover now