CHAPTER 7

0 0 0
                                    

CHAPTER 7: [FIRST MISION]

Nakauwi na ako matapos ang first day of school namin at kasalukuyan nga kaming kumakain ng hapunan ngayon.

"Alexa, how is your school?" Tanong ni mommy.

"Okay lang naman po. 'Tsaka nalaman ko na rin po pala kumg bakit sine-swerte rin ang pamilya nila Sheena." Sagot ko.

"Talaga? Paano mo nalaman? Nagtanong ka ba anak?" Tanong naman ni daddy.

"Actually, pareho ho kaming may misyon at purselas na ganito." Saad ko at nginitian silang dalawa ni mom.

"Oh, that was great. By the way, our mansion was succesfully done. We can transfer tommorow." Napatingin naman ako kay mommy ng sabihin n'ya 'yon.

"Okay po, mommy. Pero okay lang po ba na hindi muna ako makakatulong may pasok pa po kasi bukas eh." Nahihiyang sabi ko.

"We know that, you don't need to ask Alexa." Sagot ni daddy.

"Thanks po."

"Mom, dad. Hindi ko pa po nasabi pero meron na rin po kaming nakasama ni Sheena. Na may bracelet din ho." Pagkwento ko.

"Eh, sino naman sila?" Kunot noong tanong ni mommy.

"Si Ivan. Kate and Miles po." Sagot ko.

"Okay. Basta anak pag dumating ang mga misyon n'yo mapahirap man o madali iyan. Sana ay lagi kang mag-iingat. Lagi kang umuwi ng may ngiti at buhay na buhay. Understood?" Ani pa ni mommy at hinimas ang buhok ko.

"Yeah, I'm sure of that mom."

*****

Matapos maghapunan ay dumeretso na ako sa kwarto at nag hilamos at gawin ang assignment ko. O 'di ba first day of shool assignment agad, sabi nila mahirap daw ang college student. Pero fighting lang.

Napahawak ako sa batok ko ng matapos na ang ginagawa kong assignment. Tiningnan ko ang oras at alas nueve na rin pala. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya tumayo ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Wala na sila mom at dad doon kaya patay na ang ilaw sa baba. Dumiretso na lang ako sa kusina at binuksan ang ilaw. Ngunit ng maliwanagan ang mata ko isa na namang imahe ang lumabas sa isipan ko.

Ang nakita ko sa imahe na nasaisipan  ko ay ang sobrang usok, ingay at gulo ng lugar na iyon. At kung hindi ako nagkakamali, isa itong bar. Nilibot ko ang mata ko at napatingin sa mga taong nasa dance floor ng bigla na lang magsigawan ang mga tao doon at nagtakbuhan. Ng makita ko ang kinatatakutan nila ay kinabahan ako, may nagsusuntukan at sobrang nakakatakot na ang mga mata nila, 5 tao yata ang nagsususntukan na parang mga baliw. Mukhang mga sinaniban sila ng masasamang elemento at ispiritu.

'Ano lalaban kayo sakin? Sige labanan n'yo akong lahat hindi ako natatakot!' Banta nang isang lalaki na malaki ang katawan.

Meron pang isang babae na mukhang nasaniban na rin dahil hindi man lang natatakot. Katulad ng sa iba ay sobrang pula na rin ng mata n'ya at may itim rin na bracelet.

Bakit ganito? Alam kong hindi dapat nag-aaway away ang mga kasama ko pero nagtaka ako sa inaasal nila ngayon. Hindi ko sila kilala pero may bracelet rin sila.

Isa pang nakakapagtaka ay pare-pareho silang itim ang mga bracelet, nalilito na ako, anong nangyayari?

Bigla na lang sinuntok nung malaking lalaki ang nag-iisang babae kaya napasigaw na lang ako.

Mukhang hindi naman nila ako rinig at nakikita at patuloy lang sila ng pagsusuntukan. Bangas na bangas na ang mukha ng babae pero hidi pa rin ito tumitigil sa pakikipagsuntukan. Alam kong wala sila sa huwisyo dahil sa sobrang pupula ng mata nila. Hindi katulad ng sa adik, dahil ito ay halos mag-apoy na sa galit ang mga mata nila.

May mga black gases rin na lumalabas sa katawan nila. Ngayon ko lang na pagtanto na hindi namin sila katulad dahil masasama sila.

Lumala nang lumala ang pagsusuntukan nila at nakisabay na rin ang tatlo pang lalaki na nakikipagsuntukan sila sa isa't-isa. Mukhang wala silang kakampi kundi ang mga sarili nila. Hindi sila titigil hangang hindi sila namamatay lahat.

Hinihingal ako matapos ang mga senario na iyon sobrang nakakatakot. Iyon na ba ang una naming misyon? Hindi pa kami kumpleto, kung ganon kailangan namin magmadaling hanapin ang mga kasamahan namin. 'Tsaka wala pa kaming sapat na kapangyarihan para matalo sila.

Kung ang unang misyon ay magiging mahirap na paano pa kaya ang mga susunod? Dali-dali kong binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig at sinalin sa baso.

Ilang basong tubig na ang nainom ko pero 'di pa rin mawala ang kaba at nginig sa buong katawan ko. Kailangan ko ng sanayin ang sarili kong makakita ng mga visions dahil kapag hindi ko 'yun ginawa siguradong panghihinaan lang ako ng loob. Ako ang gabay nila upang matunton ang mga misyon namin kaya tatatagan ko ang loob ko.

****

Bumalik ako sa kwarto ko at naisipang i-drawing ang mga imaheng nasa isipan ko kani kanina lang. Isa sa talento ko ang pagkahilig sa drawing kaya naman magagamit ko ito upang malaman nila ang mga nakikita ko.

Inabot na rin ako ng alas onse sa pag do-drawing nito at sa wakas na tapos ko rin.

Pagkatapos naman ay nahiga na ako sa kama at tinext si Sheena kahit alam kong tulog na s'ya.

Message;

Me to Sheena: Let's meet early tommorow in our favorite café. Kailangan na nating magmadali sa pag hahanap ng mga kasamahan natin dahil nalalapit na ang una nating misyon. Text me when you're already there na. See you.

Pinatay ko na ang cellphone at nilagay sa bedside table. Nagdasal muna ako bago pinikit ng dahan ang mata ko.

Nagising ako sa pamilyar na lugar. Lugar kung saan nakatira ang diwata, diwatang ako.

"Alexa, halika mag usap muna tayo." Lumapit sa akin ang diwata at tinulungan akong umupo sa malaking bato.

"Nakita mo na ang misyon mo, tama ba ako Alexa?" Tanong nito at tumabi sa akin.

Mahina lang akong tumango. "Pero kinakabahan ho ako. Baka hindi ho namin iyon makaya."

"Don't you trust yourself? Your team mates?" Tanong n'ya ulit.

"Nagtitwala naman ho. Kaya lang natatakot ho ako para sa kaligtasan naming lahat."  Napabuntong hininga kong sabi.

"Kaya mo 'yan. Tatagan mo lang ang loob mo, mahal ka ng mga magulang mo kaya gawin mo ang lahat para mapagtagumpayan ito. Ito pa lang ang simula Alexa." Pagpapagaan ng loob kong sabi n'ya.

Tipid akong ngumiti at hinarap s'ya. "Tama po kayo, kaya ko ito. Fighting lang." Tinaas ko ang kanang kamay ko upang ipahiwatig na gagawin ko ang lahat para mapagtagumpayan ito.

"Tama 'yan, fighting lang hehe."

"Pero diwatang Alexa. B-Bakit meron silang bracelet na kulay itim? Nakakapagtaka na kasamahan namin sila, dahil kitang kita ko po ang kasamaan nila."

"I don't have the right to tell you that. Let yourself discover it. You can go back now, Alexa." Paalam nito at tinapik ang balikat ko.

Muli na namang lumiwanag at nawala na ang diwata.

END OF CHAPTER SEVEN

THE GIRL WITH THE LUCKY BRACELETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon