CHAPTER 2

1 0 0
                                    

CHAPTER 2: [PANAGINIP]

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kulay violet na paligid ko. Nasa langit na ba ako? Sa pagkakaalam ko puti dapat ang makikita ko ngayon, nako naman baka masama ako!

Ilang sandali pa ay biglang sumakit ang balikat ko kung nasaan ang simbolo ng paru-parong kulay violet. Nanlaki ang mata dahil bigla itong gumalaw at sa isang iglap naging totoo ito. Dahil doon agad akong napabalikwas ng upo napagalaman kong nasa malambot na kama pala ako, lumipad ang paro-parong kani-kanina lang ay nasa balikat ko pero 'di pa ito tuluyang umaalis parang may hinihintay ito. Kaya lumapit ako sa paro-paro at nagsimula na itong magpatuloy sa paglipad, ako yata ang hinihintay nitong paro-paro.

Matapos ang mahaba-habang paglalakad ay nagtaka ako ng bigla itong tumigil at bumalik sa balikat ko, Wait? Anong gagawin ko rito?

Maya-maya pa ay may nakakasilaw na liwanag ang unti-unting nakikita ko dahilan para mapapikit ako ng mariin, ano na naman ba ito? Pero ang pinagtaka ko kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot, parang peaceful lang ako rito.

Nang mawala na ang nakakasilaw na liwanag ay minulat ko na ang mga mata ko, otomatikong nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tanawin, ang ganda! Sobrang ganda mula sa mataas na water falls, malalim na tubig na hinuhulugan nito, malaking bato na nasagilid at kakaibang bulaklak at malaking malaking puno na dinadapuan ng mga magagandang paro-paro, maliliit at malalaking paro-paro na iba't-iba ang kulay.

"Alexa." Rinig kong may tumawag sa pangalan ko sa 'di kalayuan bigla akong kinalibutan, ibig sabihin di ako nag-iisa!

"Sino ka?" Kinakabahan kong tanong, I wonder kung bakit ngayon lang ito. Baka nanakit 'to?!

"Ako ay ikaw. Ako si Alexa ang diwatang may hawak ng panaginip at kapangyarihan mo. Ako ang nakakaalam ng buong pagkatao mo simula ng ipinanganak ka sa mundong ito. Ikaw at ang maraming pang iba ang may hawak ng misyong ito. Ito na ang huli misyon ng ng taong may kakaibang kapangyarihan. Kayo iyon Alexa." Sabi ng diwatang ako, wow naman kamukhang-kamukha ko nga itong babaeng ito ah kaya lang mas maganda 'yung damit n'yang kulay violet at may pakpak s'yang katulad ng sa paru-paro.

"Kami? Anong ibig mong sabihin?, marami ba kaming merong ganito?" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na may purselas, tumango lang ito. "Saan ko sila makikita?"

"Kusa na lang kayong magkikitang lahat, mapapasin mo ang pagpapalit ng kulay ng bracelet na 'yan ito ang simbolong malapit lang sila sayo, sana lang ay makayanan mo ang sakit sa puso sa tuwing magkikita kayo. Ngayon hindi pa lumalabas ang kapangyarihan mo kailangan mo lang itong sanayin para sa hinaharap na misyon n'yo sa mundo. Mag-iingat ka Alexa tawagin mo ako sa pamamagitan ng paghawak ng purselas mo ng napakahigpit, aalis na ako, good luck." Ngumiti ito ng napakatamis, lumabas ang dimple na lalong nagpaganda sa kan'ya, dahil ako ay ang diwatang iyon ibig sabihin maganda rin ako diba? Hehe.

Bigla na lang ulit lumiwanag ang paligid at nawala na ito kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Nawalan nanaman ako ng malay kakainis na ahh!

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at iginala ito matapos maka-bawi. Nasa kwarto na ako, ibig sabihin panaginip lang ang lahat ng iyon. Napatingin ako sa purselas ko ng kuminang ito napangiti ako sa ganda nito twirl ang pagkaka-design nito na may isang paro-parong kulay violet na pakpak. Gawa ito sa metal kaya naman matibay ito at napaka ganda.

"Alexa anak, gising ka na nga, mabuti naman! Ano may masakit ba sa iyo? Iyong puso mo masakit pa ba?" Nag-aalalang sabi ni Mommy.

"Mommy, wala na ho. Ilang oras na po akong natutulog?" Tanong ko.

"Tatlong araw anak. Mabuti naman at gising kana anak ko." Niyakap ako ni mommy ng napakahigpit.

Nagulat ako sa sagot niya pero hindi na lang ako nag salita.

"Si daddy po na saan?"

"Ang daddy mo ay nasa trabaho pa. Alam mo anak may good news ako sa iyo!" Nasayang sabi nito.

"Talaga ho? Ano iyon?" Excited na sabi ko.

"Alam mo bang matapos mong isuot ang purselas na iyan ay ikaw na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo? Anak simula ng mahimatay ka dahil sa purselas na iyan ay naging swerte na tayo! Nakabili na tayo ng sarili nating lupa at lumago na rin ang kompanya natin! Balak namin ng daddy mo na magpagawa ng bahay at ikaw ang magpa-plano nito, ikaw ang nagdala ng swerte sa buhay natin anak kaya naman sayo namin ipapaubaya ang magiging bahay natin." Mahabang pagku-kwento ni mommy. At halos mapunit na ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko, talaga bang swerte ako?

"Mommy! Ang saya saya ko po!! Huwag niyo na pong ipaubaya sa akin ang magiging bahay natin kayo na po ni daddy ang bahala roon, ang mahalaga po ay magkakaroon na tayo ng bahay ay mali, gusto ko po ng mansyon mommy!"

Tumango na lang s'ya at niyakap ulit ako. Simula na ito ng misyon ko, alam kong may kapalit ang lahat ng ito pero hindi ko hahayaang magiging malungkot ako ng dahil sa kapalit na iyon. Buong puso ko itong tatanggapin ng walang kapalit mula sa itaas.

END OF CHAPTER TWO

THE GIRL WITH THE LUCKY BRACELETWhere stories live. Discover now