1: Her

1 1 1
                                    

Elisse, anak mahal na mahal ka namin ng daddy mo kahit hindi ka namin tunay na anak. Lagi kang mag iingay balang araw, malalaman mo rin kung sino ka ba talaga"

"Kiara, anjan na sila"

"Elisse, TAKBOOOO!"

.
.
.

*Blag*

Nagising ako mula sa pagkakatulog, at dahil sa sobrang intense nanaman ng panaginip ko ay nalaglag nanaman ako sa higaan ko. *sigh*

Ilang araw ko ng napaoaniginipan ulit yung gabing huling beses ko nakasama sila mama at hindi yon naging maganda. At bukas 18 na ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig dahil sa nahulog ako at nagtungo sa kusina ng apartment na tinirhan ko ngayon.

Saktong pagdating ko sa kusina ay nakita ko ang kasama ko sa apartment na ka-work/classmate ko/bff ko. 'di ba 3in1 HAHAHA.

"Good Morning bff" bati sa akin ni Althea sabay baba ng kanyang niluto na ham sa lamesa.

"Morning" tipid kong bati at nagtungo sa banyo para maghilamos.

"Grabe sakit ng likod ko te" wika ko habang kumukuha ng kanin. Nandito na ako sa kusina at kakain dahil 6:15am na at 7am ang first class namin.

Waittt nakalimutan ko pala magpakilala hehe. Ako nga pala si Elisse Zandra Diaz, 17 years old at I'm pretty. Thank you haha. Pang pageant lang ang peg.

"Nahulog ka nanaman sa kama hano, likot mo kasi matulog te" natatawang sambit ng bff/workmate/classmate ko na si Althea Cruz 18 years old at maganda rin pero mas maganda ako syempre.

"Daldal mo, bilisan mo jan malalate nanaman tayo" natatawag sabi ko at nagtungo sa banyo para maligo, sya kasi nakaligo na siguro kanina pa gising.

"Ewan ko sa'yo nerd, ikaw nga itong mabagal jan" sigaw nya dahil sinarado ko na ang pinto ng banyo. Natawa na lang ako.

.
.
.

SCHOOL

andito ako ngayon sa classroom at nakikinig ng mabuti sa aming guro.

As always tahimik akong nakikinig at nagnonotes ng tinuturo ni teacher. At always din na may nambubukly sa'kin may teacher man o wala. Nerd daw kasi ako dahil sa suot at galawan ko. Bahala sila atleast maganda and matalino ako.

Biglang nag ring ang bell na hudyat na tapos na ang klase. Lalabas na sana ang iba kong kaklase pero biglang nagsalita si teacher.

"Class wala ang ibang teacher nyo mamayang 1pm to 2pm. Dahil may meeting kami. Pero pumasok pa rin kayo at magbasa dahil malapit na ang exam. Mga Class presidents ang nakaassign para mag attendance mamaya. Exempted sa quiz sa'kin para bukas ang mga papasok. That's all, you'll may now go"

Daming alam ni teacher, alam naman nya na iilan lang matinong studyante dito at isa na ako don syempre. Karamihan kasi sa studyante sa school na 'to pasaway at mga bully.

Pagkaalis ng teacher at ng iba kong kaklase ay lumabas na rin ako ng classroom para pumunta sa cafeteria para mag lunch. Dun nalang kasi kami nagkikita ni Thea dahil malayo ang room nya kung pupuntahan ko pa.

Nang malapit na ako sa cafeteria ay nakita ko na agad ang pigira ng isang taong kilalang kilala ko at yon si Althea. As expected dalawang lunch na agad ang inorder nya para hindi na mapagod ang malalate samin. Ganon namin kamahal ang isa't isa. Drama haha.

Papalapit na sana ako kay Althea ng mapatid ako sa sarili kong paa at nakabunggo ako ng tatlong OA.. oo as in OA. OA na bitches.

"Tanga tanga mo talagang babae ka, tignan mo ginawa mo sa uniform namin" wika ni Denise ang number feeling maganda at reyna dito sa school na laging kasama ang dalawa nyang alalay.

Nakayuko lang ako at pinagpagan ang sarili kong damit ng biglang..

isang sampal ang natanggap ko mula kay Denise. Pag angat ko ng tingin ko dun ko lang nakita na natapon sa damit nila ang orange juice sa tray nila.

"Sorry hindi na mauulit" yan nalang ang nasabi ko at napayuko kahit na gustong gusto kong sabihin sa kanila na DESERVE nila yon dahil pangit ang ugali nila.

Bigla naman lumapit sa akin si Althea at inalalayan akong tumayo sabay sabi kay Denise na "tama na, hindi naman nya sinadya Denise"

Kitang kita ko ang tatlong OA na nanggigigil sa galit kaya't bago pa nila ako atakihin ulit ay tumakbo na ako agad at napansin kong sumunod ang tatlong bitch sa'kin. Pati na rin si Thea na pilit silang pinipigilan.

Kainis bat ba kasi may pag ka clumsy din ako. Lagi tuloy akong nabubully dahil sa katangahan ko.

Hindi ko namalayan na dinala pala ako ng mga paa ko sa rooftop. Lagot nanaman ako nito baka magtrabaho nanaman akong may pasa at masakit ang katawan mamayang gabi.

Sinarado ko ang pinto at hinarangan ng mga pwedeng iharang dito para naman medyo madelay matatanggap kong sampal at sipa galing sa kanila. Ganiyan naman sila lagi. Lagi akong binubogbog at pinagtitripan pero hindi ako lumalaban dahil outnumbered ako palagi. Si Althea naman lagi taga sumbong sa guidance kaso huli na pag dating nila. Nabugbog na ako.

*Blag*
*Blag*
*Blag*

Andito na ang mga BITCH at sinusubukan nilang buksan ang pinto at sa pang-apat na try nila ay ayon, congrats sa kanila hehe.

pinalibutan nila akong tatlo at dahan dahan silang humahakbang paoalapit sa'kin, habang ako ay umaatras hanggang tumama ang likod ko sa pader.

"Wala ka ng matatakbuhan nerd. Lagot ka talaga sa'kin dahil sa ginawa mo sa uniform ko" sigaw sa'kin ni Crisa isa sa alipores ni Denise.

"Pwede naman sana maglaba girl" mahinang sagot ko pero alam kong narinig nila yon.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa talim ng mga tingin nilang tatlo sa'kin. At ang init pa dahil ang taas ng sikat ng araw.

"Aba sumasagot na Denise oh" wika naman ng isa pang alipores na si Alezia

Isang ngiti at tango lang ang sinagot ni Denise.

Nang sasabunutan na nila sana ako. Bigla nalang nag slow mo ang paligid ko at may isang patak ng luha na lumabas sa mata ko dahil sa takot. Kasabay ng pagpatak ng luha na iyon ay ang siya ring paglabas ng maliit na apoy sa palad ko na tanging makikita mo lang pag tinitigan mo itong mabuti dahil parang naglalaho at bumabalik ito.

Sa gulat ko dahil hindi ko maintindihan ang nagyayari sa akin at sa paligid ay bigla nalang bumalik sa dating galaw nila ang tatlo mukhang nawala na ang slow mo effect hays. Tunay na talagang masasabunutan ako.

Ng hahablutin na ni Denise ang buhok ko ay kasabay noon ang pag sigaw ko at pag harang ng kamay ko sa aking ulo..

"WAAAGGGGG"

pagkasigaw ko ay nakita kong may dumating at yon ay si Althea kasama ang ibang guro. Lalapit na sana ko ng bigla silang umatras at sumigaw si Denise sa sakit.

Dun ko lang napagtanto na nasusunog na pala ang buhok nya.

Napatingin ako sa kamay ko... Anong nagawa ko?

Ng makalapit ako sa gulat na gulat na si Thea ay bigla nalang sumigaw si Crisa na "WAG NYO SIYANG LAPITAN, SHE'S A MONSTER"

Nagulat nalang ako ng tinulak ako ni Thea dahilan para mapaupo ako. Naiiyak ako dahil sa expression niya. FEAR. That's what I'm seeing in her eyes.

At may binulong siya sa kalagitnaan ng kanyang pagkagulat "you're a monster"

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Am I really a Monster??

-----------------

AN: CHAPTER 1 DONE!! huhu hope u like it guys. Bata pa po ako kaya please intindihin ninyo po errors or wrong grammars ko huhu.

Later 6pm yung chapter 2 hihi.

Pa vote nemen heheee. Thankieee<3

#tintasya #SATLLPP

Sapphire Academy: The Long Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon