04

1.2K 76 40
                                    

Tangina, tangina!

Dadasalan ko ulit lahat ng santo basta ibalik niyo lang ang oras. Hindi ko alam kung paano nangyari pero ito ako, nakatayo sa gilid, habang kinukuha ni Raizen ang extra shirt niya sa loob ng Audi A8 niya.

Anak talaga ng senador.

Patago akong umirap bago tumalikod sa kaniya. I took off my wet shirt and wrung it out using my hands. Pinunasan ko rin katawan ko gamit panyo ko. Napakalagkit.

"Here,"

Nilingon ko siya na inaabot yung shirt niya. Inaalok din niya ang kamay niya na parang pwede ko ipahawak muna sa kaniya yung shirt ko, edi binigay ko.

Tahimik akong nagbihis, hindi rin siya nagsasalita. It doesn't feel awkward for me. He's still not smiling, or showing any signs of being friendly on his face. Mas gusto ko 'yon kumpara sa ngiti niya.

May personal na galit ba ako sa ngiti niya? Wala. Sa ngiti niyang parang pilit na akala mo ay nangangandidatong senador? Siguro.

Maybe that's my problem with him. He's talking to me because he thought he's being friendly. No. It feels more like he's collecting friends like figurines. Ang pangit ng gano'n.

"Ipabalik ko na lang kay Conrad 'pag tapos kong labhan." Saad ko. Kinuha ko na ulit yung t-shirt ko mula sa kaniya bago siya iwan doon sa parking lot.

I want him to know that I hate him.




xx
+63(950)-324-4423
01:31 am

gising ka pa?

Hindi

improvement !!!
bumibilis na reply mo :0
crush mo na ba ako!?

Pasalamat ka na lang nagrereply pa ako

ok
thanks kasi bored ka
;)

Read 01:35 am

so why is bebe still awake

Bebe?
Ew

ay kkay rephrase
so why is sweet honeybunch still awake

Just please stop with the endearments

ge n nga :(
bakit kc gising k pa? nakaka istorbo ba ako

Lagi ka namang nakaka istorbo

aw sweet ko naman kung ganon
bakit gising ka pa?
siguro na-sense mo na magmemessage ako
TAPOS !!1!1!
nagmessage talaga ko :000
shit destiny !??

OA

di n nga e
di m kasi sinasagot tanong q :(

May iniisip lang

share

No

ddali n
ako n mag iisip para sayo
auq nahihirapan ka baby ko

Stop the fawk

HAHSHAHAJAHAAHAHA
SHARE NA KASI

Wtvr
Just thinking why people are still being an asshole no matter how nice you are to them
Like if ever you did something wrong, they should communicate about it so you can apologize and do better, right?

How To Trust A LiarWhere stories live. Discover now