02

1.4K 92 14
                                    

xx
+63(950)-324-4423
03:36 pm

hi

03:47 pm

Ano nanaman ba 'yon

hi lang sabi q to highblood agad

Text nang text ng walang kwenta.
You're becoming annoying

pero nirereplyan m pa rin :p

Kasi I'm bored

exactly
hindi ka ba natutuwa sa fun facts ko about biology everyday? may naaambag ako sa buhay mo

Lintek na ambag yan

HSJAHASHAJAHAJAHAJ

Read 04:05 pm

xx




Hindi na ulit ako nag-reply nang pumasok na ang prof. Nagsimula na rin agad ang discussion pero walang pumapasok sa utak ko, iba ang iniisip ko ngayon.

Sa loob ng isang linggong pangungulit ko rito kay 4423, mas lalo lang ako naiintriga sa kaniya. Minsan nagrereply siya, minsan hindi. Kung naiinis na siya sa 'kin, dapat hindi na siya nagrereply or binlock na ako.

Pero hindi eh, nagrereply pa rin siya.

Feeling ko may patutunguhan 'to. Konting tyaga lang.

Nang matapos ang klase, agad akong dumeretso sa library kung saan naghihintay si Tio. Sasabay kasi ako pauwi sa kaniya dahil wala akong dalang sasakyan, nakakatamad mag-drive lalo na kung 7am to 7pm ang klase mo.

"Nag-aaya mag dinner si Arch sa unit niya, G ka?" tanong ni Tio habang nagliligpit ng gamit.

Archer's the type of guy you'd never expect who can actually cook. Mahilig siya mag-try ng mga putahe mula sa iba't ibang bansa. Minsan nga inaasar na namin 'yon na mag-asawa na eh.

"Sure," I shrugged as I reply. "Not like I have dinner at home anyway."

Inilingan lang ako ni Tio bago kami tumungo sa parking lot para puntahan ang sasakyan niya. Pagkarating sa condo, we went straight to Archer's unit na nasa 20th floor. Mine's on the 26th so I didn't drop by there anymore. So as Tio whose unit is on the 29th.

"Ba't nandito ka?" Tanong ko kay Knox nang siya ang bumungad sa 'kin habang mag-isang naglalaro, siya ata makakasira ng xbox ni Arch sa sobrang aggressive ni gago.

Saglit niya akong pinasadahan ng tingin, "Ano kala mo? Ikaw lang invited?"

Obviously, buong tropahan inimbitahan ni Arch mag-dinner. I just wanted to distract Knox from playing.

Kinuha ko yung isang controller at naupo sa tabi niya, dumeretso naman si Tio sa kusina para ipaalam kay Arch na dumating na kami.

"Mamaya ka na!"

"Talo ka naman na! New game na!"

How To Trust A LiarWhere stories live. Discover now