Death? We've never talked about death in our family. We have never discussed or even thought about losing someone inside our household. So when you left, you carried a big piece of my heart with you.
I always thought about me , dying. But I've never thought about you, leaving us.

"Ano'ng oras ang trabaho mo bukas, nak?" interesadong tanong ni mommy.

"Six am po mommy dapat naroon na, opening po ako" sagot ko, nakatingin sa selpon.

"Ah, ganoon ba? Galingan mo nak" pansin ko ang kasiyahan sa mood niya. Siguro dahil sa wakas ay may trabaho na ako kahit part time lang.

"Sige nak, papasok na ako ha" pag papaalam ni mommy, pagkatapos tumawag nang amo niya.

"Sige po mommy, ingat po kayo ha I love you po." Ofw si mommy sa dubai, ayaw man namin na siya'ng mag abroad, walang tutustos sa pag aaral naming mag kakapatid.

Wala kaming ama, nambabae at hindi na inako ang reponsibilidad bilang ama nang tatlo. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaya kaming ipagpalit sa ilang buwan niya palang na kasintahan. Ang iniisip ko nalang ay baka hindi talaga niya kami minahal bilang mga anak, at si mommy bilang katuwang sa buhay.

Pina-nood ko ang usok na nag-mula sa aking pag buga, at dinama ang malamig na hangin ng Enero. Kahit tanghaling tapat malamig pa rin ang hangin. Kaya nag papasalamat ako na dito kami naninirahan sa probinsya, libutin ko man ng tingin, hindi mawawala ang puno sa tanawin.

"O, Lerani sargo mo!" Tinapon ko ang yosi at kinuha ko ang tako, sabay shoot sa dalawang solids. Sa sunod na asinta, hindi pa napasok ang pang limang bilang.

"Galingan mo naman, Pat" pang aasar ko pagkatapos niyang sumargo ngunit ni isa walang pumasok. Sinamaan naman niya ako nang tingin.

Kinuha ko ulit ang tako at inasinta ang pang lima, huli naman ang itim na bolang may walong numero. Nakangisi akong umayos nang tayo.

"Yabang Lerani!" Parang baka na sigaw ni Patrick. Ano'ng mayabang doon? Magaling lang talaga ako sa larangang ito.

Ngising aso ang isinukli ko sa iyak niya "Akin na" nilahad ko ang kamay ko sa harapan ni patpat.

"Huh? Ano'ng iyo?" Parang tanga'ng baka ang pagkakatanong niya.

"Iyong pusta! Aba't usapan iyan bago mag laro!" Asik ko, akala niya ba limot ko? Sayang ang isang daan

"Oo nga pala, limot ko" parang nabigong bata, habang nagkakamot sa ulo. Nilahad ko ang kamay ko at inabot naman niya ang pera.

"Kumusta na pala ang mama mo? Nakalabas na ba?"

"Oo, kahapon nadischarge" ani ko "Sa tingin ko nga dapat hindi pa sila lumabas eh, mukhang mahina pa kase" dugtong ko. Sakit sa puso ang lumabas sa resulta nang mga doctor sa pang hihina ni lola ko, o mama kung tawagin namin.

"Eh paano iyan? Nagpumilit nanaman ba?" May bahid nang pag-aalala ang tono ni pat.

"Alam mo naman si mama, ayaw manatili sa hospital" ayaw talaga ni mama, noon pa man. Nalulungkot din siguro, lalo at ayaw mapag-isa.

"Magiging maayos din iyan si tita" pag aalo niya saakin, habang tinatapik tapik ang kaliwang balikat ko. Nahimigan niya siguro nang pag-aalala sa tono ko.

Nag-aalala ako nang sobra kay mama, kahit naman malayo ako minsan dahil sa sariling problema. Hindi ko kailan man nais na makita silang nahihirapan.

"Pat! Lerani! Tara nomi"

"Aba aba! Kumita ata nang kwarta si Pipoy ah!" Pang-aasar ni Pat. Nang makalapit si Pipoy ay pabiro niyang sinuntok si Patpat.

"Gago, lagi naman!" Pagyayabang niya, lagi pero may utang sa tindahan? Yabang ah.

"Pass ako diyan Pipoy, may trabaho ako bukas eh" pag tanggi ko, first day pa naman bukas kaya kailangan mag pa impress sa mga manager at co-worker.

"Natanggap ka sa Chowking?! Congrats!" Inabot ko ang mataas na high five ni Pipoy at nakipag fist bump kay Patrick.

"Ako pa ba? Magaling itong sumagot ano?" Pag yayabang ko, pero totoo naman. May karanasan naman na ako sa trabaho kaya siguro naging madali na saakin ang pag aapply. Ang mahirap lang ay ang mag hanap nang bakante.

"Chowfan naman diyan Lerani!"

"Pinapairal mo nanaman ang pagiging baka mo, Patrick" pang aasar ko sakanya, wala pa nga nang hihingi na.

"Katayin nanatin to Lerani, nagiging kalabaw na eh" sinakal niya si Pat gamit ang buong braso at ginuyod palayo saakin. Tinawanan ko na lamang ang kabaliwan nilang dalawa.

"Isang pula nga po ate" inabot ko ang sampong piso sa tindera at sinindihan na ang pula. Inilibot ko ang tingin sa bilyaran, amoy vape at pawis nang mga sumasargo. Kung hindi man naglalaro, ang iba nag iinom.

Malayo ito sa bahay, malayo rin sa bayan. Nagka yayaan lang kami nila Pat, dahil siguro sa away naming mag ina noon kaya napasok ko ito. Hinithit ko ang stick, at dinama ang pagbuga ko sa usok. Nalulunod nanaman ako nang mga naiisip.

Pero hindi ko mapigilan ang mag alala para sa kinabukasan, hindi lang saakin pati narin ang sa pamilya. Hindi man namin maamin, pero hirap kami simula noong umalis ang ama namin. Dama ko ang gutom sa tuwing katapusan nang buwan, dahil sa kakulangan sa sweldo ni mommy.

Kung noon ay ayos lang na hindi niya maipadala ang lahat nang kanyang sweldo, ngayon ay hindi na. Dahil wala na'ng ama ang sasalo at magbibigay nang pera para sa amin mga hinaing.

Pinitik ko ang stick at sinupsop ang pang huling hithit. Pero aanhin ko ang pera na kaya niyang ibigay? Kung patuloy niya lang kaming sasaktan.

"Lerani, tara laro!" Hindi talaga takot matalo ang mga ito.

Itinapon ko ang upos at tinapakan "Pupusta kaba?" Sagot ko habang lumalapit sa kanila.

"Sige, isang daan" ipinakita niya ang isang daan na nagmula sa kaniyang bulsa.

"Aba aba, Game!"

Inasinta ko ang pang sampong bilang nang stripes, sunod naman ang itim na bolang may walong numero. Madali lang naman ang billiards, ishoot mo nang tama ang itim na bolang may walong numero kapag tapos mo nang ubusin ang solids or stripes. Huwag lang magkakamali na pati ang puting bola ay masama, syempre talo ka na.

"Chamba ampota" pagrereklamo ni Pipoy. Nginisahan ko naman siya

"Amin na ang isang daan Pipoy" nilahad ko naman ang aking kamay, busangot naman niyang ibinigay.

"GG!" Halakhak ko habang kumakaway sa kaniya. Pag labas ko ay nag aagaw kulay ang kahel at pula, habang ang araw naman ay paunti unting lumulubog. Palatandaan nang pagtatapos nang araw, at pamamaalam.

"Ate, mag tatrabaho kana bukas?" Kuryosong tanong ni linda, habang nilalaro ang aming mga pusa.

"Oo, kaya habang wala ako pakainin mo ang mga pusa ha? Wag mo hahayaang makalabas at baka sila ay makawala" bilin ko, tatlo nalang ang aming pusa dahil sa pagkawala, nalason naman ang iba.

Si linda ay eighteen years old na, dalawang taon lang ang agwat namin. Si kuya naman ay twenty-five na, malaki-laki rin ang agwat. May kanya kanya nang isip, kaya hirap na rin pakisamahan hindi gaya noong kami ay bata pa.

Lumabas ako nang kwarto dahil sa pagka uhaw. Napansin ko si mama, tahimik at nakaupo sa paborito niyang upuan.
Hindi nanaman siguro makatulog kaya naisipang umupo, at magpahinga sa sala.

Maayos ang pakikitungo ni mama saamin, minsan ngalang ay sobra sa daldal kaya hindi namin maiwasan ang masaktan. Kung alam ko lang na may sakit si mama sa puso, sana nanatili na akong tahimik, tanggapin ang pagkatalo at tinanggal nalang ang mga sa tingin nila ay mali.

Napangiti nalang ako nang malungkot at dumiretso na sa kwarto. Maaga pa ako bukas kaya kailangan kong maghanda at matulog na nang maaga. Sana maging maayos na ang lahat.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now