Prologue

100 42 2
                                    

Right Love, Wrong Person

Written by Inkgreed


Prologue

Simula

"Are you sure it's mine? Because I doubt it is."

That's it. Tama nga sila. I was making a big mistake. A mistake of falling in love with him.

Nasa hotel room niya kami. Kung saan madalas kami magkita. We don't even go out dahil ayaw din niyang may makakita sa amin. He's a famous Filipino-Australian vlogger at marami talagang nakakakilala sa kanya sa iba't ibang panig ng mundo. How lucky I am na isa ako sa mga babaeng napaikot niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya kaya di na rin ako nagsalita pa. We were just standing right in front of each other.I wasn't looking at him dahil wala na akong mukhang maiharap sa kanya. And I also think kasalanan ko lahat to.

"Mine or not, I don't even care. I won't let this thing ruined my career." Napapikit siya sa inis niya marahil. Napairap pa nga saka huminga ito ng malalim bago ako talikuran.

Nanghihina ako. May pumatak na luha mula sa mga mata ko pero pinunasan ko na kaagad unang pagdampi pa lang niyon sa kaliwang pisngi ko. just really thought magiging masaya siya kasi lagi niyang sinasabi how he loves being with me, and talking to me, how much he wanted to spend the rest of his life with me. Ang babaw pero sa kanya ko lang kasi naramdaman yung appreciation that I existed in someone's life. Akala ko lang pala.

Napansin kong may kinuha siya sa bakpack niya na nakapatong sa upuan sa harap ng desk na naroon at nabigla na lang ako sa sunod na ginawa niya. When he throw a bunch of money in front of my face pagharap muli niya sa akin.

"That's 10,000 pesos. That's all I have now. I'll transfer more when I got home in Australia. After that, I don't want to hear from you anymore. Or that child... you should get an abortion. I mean please..." He went from the most beautiful person I've met to the most disgusting person I have ever met.

Bigla muling tumulo ang luha sa mga mata ko na pilit kong pinipigilan mula sa unang pagkakataon kanina. Akala ko kaya ko, but not this time. AndI don't know why I did it, pero lumuhod ako at pinulot ko ang mga perang yun na nagkalat sa sahig. Pagkakuha ay tumayo ako. Nagtama pa sa huling pagkakataon ang mga mata namin, nag-iwas siya ng tingin at doon na ako nagdesisyon na umalis na mula roon na may luha pa rin sa mga mata. Nakailang pahid na ako gamit ng likuran ng palad ko ay di pa rin naubos ang luha sa mga mata ko. Tumakbo na ako dahil ayokong may makakita pa sa akin—like how much of a loser I am.

To be continued...

When You Love SomeoneWhere stories live. Discover now