SSA Special Chapter 2: Babysitter Haze

785 4 3
                                    

"What the Hell... How do I do this?" Haze stared at the baby boy in front of him who just woke up, crying.

Umalis kasi sina Yanna at Hiro para sa isang flight at walang pasok si Avrielle kaya naiwan si Haze sa bahay ng dalawa. Nagkamali kasi siya ng sagot nang tinanong siya ni Hiro kung free siya. Hindi naman niya inaasahang magbe- babysit pala siya sa dalawang bata.

"Food... Right." Tumalikod siya at naghanap ng pagkain sa ref. "What do you want for breakfast, Avi?" tanong niya.

"I want cake!" tuwang-tuwang sabi ni Avrielle na nakasuot pa ng pajamas.

"Your dad told me to not give you too many sweets, especially in the morning," sabi ni Haze habang naghahanap pa rin ng puwedeng lutuin. "How about pancakes? Yeah?"

"Pancakes with strawberries!" request pa ni Avrielle.

Magluluto na sana si Haze nang umiyak na naman si Yohan kaya napasapo siya sa noo at binuhat ang bata. Sinubukan niyang patulugin uli ito pero iyak nang iyak habang nagluluto siya. Pakiramdam niya ay gutom na.

"Chill... I'm already cooking," sabi niya kay Yohan.

"Tito, Lai wants milk," sabi ni Avrielle. "Let me prepare his milk! Mommy has stocks of her breastmilk!"

Binuksan ni Avrielle ang ref at kinuha ang bottle ni Yohan para magsalin doon ng gatas. Nagkatapon-tapon na ang iba sa lababo pero nailagay niya naman. Pinasara pa nito iyon sa kanya bago iniabot kay Yohan. Umiiyak ang huli kaya pinilit na lang ni Haze na painumin n'ong milk.

"He doesn't want it," sabi niya nang tanggihan ni Yohan ang gatas, umiiyak pa rin. "What is wrong with this kid?"

Nasusunog na ang pancakes na niluluto niya kaya pinagkaabalahan na muna niya iyon habang iyak pa rin nang iyak si Yohan. Pakiramdam niya ay mababasag na ang eardrums niya. Ang dami niyang inaasikaso.

Napatigil siya nang ilagay na ang pancake sa plato. Ibinaba niya si Yohan sa baby chair bago kinuha ang phone niya para humingi ng tulong.

"Right. They're on a flight," bulong niya nang hindi sumagot sina Hiro at Yanna.

Nag-scroll pa siya ng puwedeng hingan ng tulong at nakita ang isang pangalan. He pressed the contact's name and started calling. Alam niyang matutulungan siya ng tinatawagan dahil mahilig ito sa bata.

"Yeah?" bungad ni Acel.

"The kid won't stop crying," sagot kaagad niya at itinapat pa ang phone sa bibig ni Yohan. "Do you hear that?"

"Baka gutom?" sabi ni Acel. Naririnig ni Haze na abala ito at may ginagawa.

"No. He's refusing the milk." Napasabunot na siya sa ulo. Nakatingin lang si Avrielle sa kanya habang kumakain.

"Tito, I want strawberries," sabi uli ni Avrielle.

Inipit niya ang phone sa pagitan ng balikat at tainga para maghiwa ng strawberries mula sa ref. Habang ginagawa iyon ay maingay pa rin si Yohan sa background.

"I'm going to die early," sabi niya sa kausap sa phone. "Hiro fucking scammed me into this."

Narinig niya ang tawa ni Acel sa kabilang linya. "Maybe the kid pooped.. sambit nito.

"Poop? Oh. Hell, no." Ibinalik niya ang tingin kay Yohan na umiiyak pa rin at gustong umalis ng baby chair.

"I don't even know how to change diapers."

"Fine. I will go there. Geez... Can't you do anything?" sabi ni Acel. "Give me twenty minutes."

Pagkatapos kumain ay binuhat na muna niya si Yohan at dinala sa banyo alisin ang diaper nito. Nakatingin lang siya sa bata habang tinutupi ang para diaper. Tama nga si Acel. Tumigil si Yohan sa pag-iyak nang mahubad na ang diaper niya. Haze pinched his nose and looked away with his eyebrows furrowed.

University Series & Old Summer Trilogy by 4reuminctWhere stories live. Discover now