Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure

Depuis le début
                                    

Napangiti na rin si Ginang Aria. Mas binilisan pa niya ang pagpitas ng talong dahil sa palagay niya ay hindi sila makakahabol sa iba kung magti-tsismisan lang silang dalawa. Lalo na, mukhang prinsesa itong isa pa nilang kasama.

Habang nasa isang tabi at walang kabuhay-buhay na namimitas ng talong at hindi na naman mapigilan ni Samantha ang pagkabog ng dibdib niya.

Minsan, parang gusto niyang pagsisihan na may ganito siyang uri ng abilidad. Na kaya niyang marinig ang pag-uusap ng mga tao kahit na nagbubulungan pa ang mga ito.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang marinig, pero hindi niya naman pinagtatangkaan na hasain pa ang abilidad niyang iyon.

Mas gusto niya nga iyong hindi niya naririnig ang pang-o-okray ng iba. O kaya naman, makarinig siya ng hindi sinasadya nang awkward na tsismis. Sa totoo lang talaga, mas gusto niya sanang maging normal na lang ang pandinig niya.

Malungkot na napabuga sa hangin si Samantha. Mas matatanggap niya pa sana kung patungkol sa pagkakaroon ng maraming pera ang naging abilidad niya eh. Mas marami pa sana siyang nagawa at natulungan.

Tiningnan niya ang basket ng kanyang mother-in-law. Halos mapupuno na nito iyon, ganoon din ang basket ni Ginang Elena. Pero ang sa kanya, sampu pa lang yata ang laman.

Huminga ng malalim si Samantha.

She really really wanted to finish this challenge as soon as possible. But how?! She's supposed to be a princess!

Gusto na lang maiyak ni Samantha.

Dahil wala sa pamimitas ang atensyon niya, hindi sinasadyang nahawakan niya ang maliit na tinik ng talong.

"Ouch!"

Good dang it!

Kaagad na nagluha ang mga mata ni Samantha. Dahil sa gulat at sakit, hindi niya mapigilan ang mapahiyaw ng malakas.

Kaagad siyang nilapitan nina Ginang Aria at Ginang Elena.

"A-anong nangyari?!" Nag-aalalang tanong ni Ginang Aria.

Kitang-kita ang takot sa mga mata nito. Right at that moment, alam na alam ni Samantha na siya mismo ang nakikita ng kanyang mother-in-law at hindi ang twin sister niya na si Samuella.

Dahil sa kaba ay napaiyak na lang lalo si Samantha. She has to act! She has to make her mother-in-law think that she's not her Samantha.

"T-this p-plant," Samantha's trembling hands pointed at the eggplant stem. "It pricked me. Look my finger is bleeding so much!" Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata ni Samantha.

Hindi niya alam kung ganito ba ka-weak ang katauhan ng kakambal niya pero sa pagkakataong 'yun, kailangan niyang maipakita sa mother-in-law niya na hindi siya si Samantha. Si Samantha na ni hindi nga umiyak nang malapnos ang balat dahil napaso sa pagluluto gamit ang gatungang lutuan.

"Am I gonna die? I-i'm still young. My grandfather's at the hospital. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag ako ang nauna sa aming dalawa?" Sinundan niya ng hagulgol ang sinabi niya.

Wala na siyang pakialam kung magkagulo man sa set. Basta ang gusto niya lang, hindi siya paghinalaan ng mother-in-law niya dahil oras na malaman nitong siya ang pinakamamahal nitong daughter-in-law, siguradong bubuntot ito nang bubuntot sa kanya.

Kaliwa-kanan ang nagtatangka sa buhay ni Samuella. Hindi siya makakapayag na madamay sa gulo ang mga in-laws niya.

No way! Over her dead body.

"Ah, excuse me! Excuse me!"

Kaagad namang tumabi si Ginang Aria at Ginang Elena noong dumating si Ren. Alam nilang assistant ito ni Samuella.

Maging sila man ay natataranta dahil sa pag-iyak na ginagawa ni Samuella.

"R-ren! Am I dying?"

Ren's mouth twitched.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa double na ito ni Samuella, pero isa lang ang natitiyak niya, ang layo ng ikinikilos nito sa behavior ng dino-double nito. Samuella is not that delicate.

Kaya naman bago pa mauwi sa eskandalo ang lahat, kaagad niyang itinayo si Samantha at humiram kay Direk Tasha ng isang tent para linisin at gamutin ang sugat ni Samantha.

"You don't have to go that far you know," nang sila na lang ay wika ni Ren habang maingat na nililinisan ang kamay ni Samantha. "Or, are you that after of blood?" Worried na tanong nito.

Paano na lang kung takot nga ito sa dugo?

Never natakot sa dugo si Samuella. At never itong umarte ng ganoon.

"I'm not afraid of blood," kalmadong sagot ni Samantha.

Maang na napatitig naman si Ren kay Samantha. Halos hindi ito makapaniwala sa bilis ng transition ng behavior ni Samantha.

"If your not that afraid, why act like that? You're so over the top," naiiling na saad ni Ren.

Pero hindi niya magawang sermunan ng wagas ang babaeng nililinisan niya ng sugat sa takot na baka bigla na lang itong mag-walk out.

"But I have to do that," Samantha pursed her lips.

Kung alam lang niya na kasama sa variety show na ito ang mother-in-law niya, eh di sana nakipagsapakan na lang siya sa mga assassins na binayaran ng mga Allejo para wakasan ang buhay ni Samuella noong gabi na tumakas siya.

"Why? Is ther—,"

"Mrs. Aria is my mother-in-law. I'm her favorite daughter-in-law. I have to act differently from my true personality para di siya maghinala. Ayaw kong bumuntot siya nang bumuntot sa akin. Who knows kung kailan darating dito ang mga assassin ng binayaran ng mga Allejo," mataray na kontra ni Samantha kay Ren na kaagad namang natahimik.

Kitang-kita masyado sa mukha nitong hindi nito inaasahan ang tsikang iyon.

Well, siya rin naman eh.

Hindi rin siya prepared okay.

"I have to prevent her from going near me," seryosong sabi ni Samantha."Prevention is better that cure nga hindi ba? Mas mabuti nang maagapan ko na ang lahat habang maaga pa. My mother-in-law is a bit clingy," seryosong dagdag ni Samantha.

Napailing na lang si Ren.

Speechless siya, sa totoo lang.

The DivorceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant