Prologue & Chapter 1

3 1 0
                                    

Prologue

Raven Neesha Morrigan is the name.. just an ordinary student or so I thought that I'm just ordinary until one day my life was messed up by those transferee students. Stay tuned....

CHAPTER 1

Raven Neesha's pov

"RAAAVVVEEEN!!!"

rinig kong sigaw kaya agad akong nagising at napa takbo papunta sa kusina at nakita ang galit ko na auntie

"aba! Anong oras na donya! At humihilik kapa! May pasok pa kami! Pano kung malate kami?! Hala sige..magluto kana ng almusal!"

Agad na bulyaw nito sakin "o..opo auntie"

sabi ko nalang at naghilamos muna at agad na nagluto ng almusal inihanda ko Ito sa mesa at ako naman ay pumasok sa kwarto ko sa may bodega..oo bodega kase ito nalang ang meron sila auntie na pwede ipakwarto sakin, naligo at nagbihis ng uniform dahil lunes nga pala ngayon kaya ganun siguro si auntie, nagayos ako ng kunti bago pumunta sa kusina at nakita ko na ubos na ang niluto ko at ang kalat pa

'hays.. naubosan nanaman ako'

well sanay nadin naman ako na laging ganto eh..I only eat their leftovers

"oh! Raven ha.. linisin mo Yan bago ka umalis"

ani ni auntie kaya napa tango nalang ako at nilinis yun

"aalis na kami" sabi ni uncle

"ah..auntie, yung pangbayad ko nga po pala sa research? Kasi po kailangan na kailangan ko na po kasi yun..nung nakaraan pa po ako na linggo sainyo humihingi"

Ani ko habang naghihintay expecting na may ibibigay sya sakin though alam ko din naman na wala

"ah..oo nga pala..wala pa akong sahod wala din akong mabibigay na baon sayo ngayong linggo bayadan kasi ngayon" ani nito

'alam ko naman kase na ginastos nyo ang sweldo nyo sa pagpapa-spa at pagshopping nyo ni Kylie kahapon eh'

tumango nalang ako dahil ayuko marinig ang mga sasabin ni auntie

"ayus lang po auntie" yan nalang ang sabi ko at lumabas na si Kylie sa kwarto nya at sout sout pa nito ang bagong damit na binila ni auntie sa kanya

"Tara na..ikaw na ang bahala nyan Raven" ani ni auntie bago lumabas kasama si Kylie

"hay nako yang auntie mo talaga" sabi ni uncle habang umiiling iling pa "oh, Ito Raven.. dalawang libo yan ha..itabi mo ng mabuti baon mo hanggang sa susunod na buwan" bulong ni uncle sakin kaya napa luha naman ako

"thank you po uncle" sabi ko at ginulo lang nito ang buhok ko bago lumabas kaya itinago ko na muna ang pera bago maglinis ng pinagkainan nila, bago umalis ay gumawa ako ng sandwich at yun ang kinain papuntang school alam kong malayo ang school namin at inaabot ako ng halos bente minutos ng paglalakad bago maabot ito pero mas gugustohin ko pang maglakad kesa gumastos ng mahal para sa pamasahe at tsaka dag-dag ipon na din kase malapit nako mag-18 at sa oras na may deseotso ako papaalisin na ako ni auntie sa kanila at meron nalang akong ilang buwan na natitira

"what if mag hanap kaya ako ng trabaho tas apply kaya ako?" tanong ko sa sarili ko at bumili ng dyaryo

"pwede..dagdag ipon din..para sa oras na palayasin ako ni auntie meron akong pambayad upa agad" sabi ko at naghanap ng malapit at swak sa Schedule ko at disenteng trabaho and just like that ay naka rating ako sa school ko

"goodmorning po" bati ko sa mga teacher na nakakasalubong ko at umakyat sa fourth floor dahil nandun ang room ko, nang maka rating ako ay agad akong umupo sa upuan ko at agad akong binati ni vina kaibigan ko

The Lost PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu