Kaya habang kaya ko pa ay gagawin ko ang lahat para ma-iprovide ko ang pangangaiangan ko. Lahat ng gusto ko.

Tinext ko si kuya Tin na hindi ako papasok muna sa bar dahil may exam ako at kailangan ko talagang bumawi. Yung homework ko ay tinapos ko agad nang gabing yun dahil sa lunes ay ichecheck ng teacher ko yun pero yung yung mismong exam ng teacher ko na yun ay sa Wednesday pa kaya nagpa-homework siya sa amin.

Alas dyes na ako nakatapos sa pag-aaral. Kahit pagod ako galing sa eskwelahan ay hindi ako makatulog, parang nawala ang antok ko pagkatapos kong magbasa.

Binuksan ko lang muna ang bintana para papasukin ang malamig na hangin. Umupo ako sa silya at nagmunimuni.

Umuwi na si Ully bago pa man maghapunan, sa bahay na nila siya magdidinner dahil may klase pa siya. Inabot ko ang cellphone ko na nasa lamesa lang at tinignan ang oras.

"Ten-thirteen." I muttered. "May klase pa ba kaya siya ngayon?"

It's too quiet tonight. The empty street outside had filled with serenity, it's obviously quiet because people were probably resting or sleeping in their own apartments. It's eerily euphoric.

Dinantay ko ang aking mukha sa may frame ng bintana habang ginagawang unan ang braso ko, nakatingin din ako sa labas. Ang sarap mamuhay ng payapa lalo na kung walang problema na iniisip. Kung hindi lang ako namomroblema sa pera ay mas maayos sana ang buhay ko. Siguro kung anak mayaman lang ako kagaya ni Ully ay okay sana.

Sa sobrang bored ko ay hindi ko na natiis pang itext si Ully.

Henriette:
Gising ka pa ba?

Nasend ang text ko sa kanyang numero saka kinuyom lang ang cellphone ko habang tahimik na nakatanaw sa labas. Humangin at pumasok lalo ang mababang temperatura sa kwarto ko. Sumasayaw ang puno at malakas ang hagaspak ng mga dahon ng mga puno na nasa kalsada.

It's creepy to be outside but in my case, there's no time to be afraid of. I was willing to risk anything just to live. Mayroon lang akong spray ng pabango bilang depensa ko, hindi ko naman afford yung fountain pen na may kuryente o ano pa diyan kaya yung pabango nalang ang binili ko. Hindi ko alam kung effective siya pero ayos na yun kaysa wala.

Umayos ako ng upo hanggang sa tumunog ang cellphone ko mula sa nakakuyom kong kamay.

Ullyseus:
About to sleep, why? Matter?

Henriette:
Wala naman. Sige tulog ka na.

Hindi ko na sana siya irereply pero curious ako sa sagot niya.

Ullyseus:
Gusto mo bang pumunta ako ngayon diyan?

Napangiwi ako sa reply niya.

Henriette:
Di na. Tulog ka na. Sorry sa istorbo. Matutulog na'rin ako.

Hindi ko maibaba ang cellphone ko lalo na nang sunod-sunod na reply ang pinadala niya.

Ullyseus:
Talaga bang hindi mo ako kailangan diyan?

Ullyseus:
Just text me and I'll be there.

Napangiwi ako sa reply niya. Nagsisi ako na tinext ko siya edi sana hindi niya ako kinukulit.

Henriette:
Okay na ako. Matutulog na ko kaya huwag mo na akong istorbohin.

I put down my cellphone on the table then I closed the window depriving the cold wind to get inside. Nagsuot ako ng makapal na jacket bago pinatay ang ilaw sa apartment ko at bago pa ako tuluyang makatulog ay nakita ko pang umilaw ang cellphone ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na replayan siya dahil alam ko na hindi yun titigil hanggang hindi siya nakakakuha ng sagot na gusto niya.

UggoWhere stories live. Discover now