Ika-unang Kabanata

0 0 0
                                    

Circa 1800s

Natutuwang naglalakad si florencia(edad labing siyam) patungo sa kanilang maliit na kubo sa alapan. Galing kasi ito sa kaniyang tiyuhin na si Buenaflor Gesmundo na tinuturuan siyang magbasa at magsulat. Nabalitaan kasi ni Florencia na nakauwi na pala galing sa maynila ang kuya niyang si Alfonso(edad bente-otso) at ang isa niya pang kuya na si Adorado (Edad Bente syete). galing ang mga ito sa tondo,manila, isa sila sa mga kasapi ng katipunan

Matagal na kasing namamangha si Florencia sa maynila dahil sa kuwento ng kaniyang tiyuhin kaya labis siyang nasasabik sa mga kuwentong dala ng kaniyang mga kapatid.

Pagkapasok niya sa kanilang kubo, naabutan niya ang kaniyang pinakahihintay na nakaupo sa kanilang salas at hindi na ito nagpatumpik tumpik pa at sinalubong ng yakap at halik ang kaniyang kuya. "Hay nako ading ang kulit mo parin"-wika ni Alfonso saka kiniliti ang kapatid. "Nakakahawa talaga ang iyong ngiti Ading halika at may dala akong suman"-wika naman ni adorado kaya bigla siyang nilapitan ni Florencia.

Labing siyam na si florencia pero grabe ang pagtrato ng pamilya sa kaniya. napakaganda kasi ng dalaga dahil makinis ang kutis nito at mahaba ang kaniyang buhok, mahinhin rin ito parang si maria clara. ani ng kaniyang inang si Luzviminda, siya ang magaahon sa kanila sa hirap

ilang sandali pa ay pumasok na si Elvira sa bahay, Si Elvira ang nag iisang ate ni Florencia kaya sobrang gaan ng loob nito sa kaniya. Agad siyang sinalubong ng yakap at halik ni florencia kahit na kung tutuusin ay nasa kabilang barrio lang naman ang tahanan ni elvira at ng kaniyang asawa.

"Aba maghunos dili ka elvira at nagdadalang tao ang iyong ate"-wika ng ina nito. hinaplos ni Florencia ang tyan ng kapatid, medyo malaki na ang umbok nito dahil pitong buwan na ito sa sinapupunan. "Sa tingin ko ang iyong anak ay magiigng kasing ganda ko"-presenta ni Florencia tsaka hinawi ang kaniyang buhok. Natawa naman si Elvira. "Aba hindi magiging matikas siya gaya ko"-wika naman ni Adorado. kaya nainis si Florencia

"Aba wag kayong mag away dahil kung ano naman ang kasarian ng dinadala ko maganda man o pogi ay makakikot siya sa buong mundo"-wika ni elvira. nagtawanan naman sila.

Ilang sandali pa inilabas na ni tay Macazar ang kanilang ulam, Ang espesyal na Adobo, ang adobo raw na ito ay galing pa sa kanilang ninuno. "Nagugutom na ko itay"-masaya na wika ni Josefa at si avelino naman ay pinapapak na ang kanin dahil sa gutom.

Masayang kumain ang mag anak at ilang sandali pa dumating na si Juan, ang asawa ni Elvira na may dalang palayok. "Ipinapadala nga pala ni inay para sa maganda kong asawa at sa kaniyang pamilya"-wika nito sabay lapag ng palayok sa gitna ng hapag kaninan,ang laman nito ay ang napakasarap na minatamis na saging na may sago.

"Halos kumislap ang mata nina florencia habang ang mag kuya naman na si Adorado at alfonso ay hindi na nag atubili pa at kumuha na ng mangkok. "napakabait talaga ng aking manugang, sana madalas kang maparito"-wika ni adorado natuwa naman si Juan.

Maliit lang ang tahanan ng pamilya tinio, ang puno ng tahanan na si Macario ay isang magsasaka habang ang ilaw ng tahanan naman na si Luzviminda ay isang tindera ng gulay sa palengke. ang bahay nila ay may tatlong kwarto isa para sa mga lalaki, isa para sa mga babae at isa para sa kanilang mga magulang.

Kinahapunan,umuwi narin sina elvira at juan dahil kailangan ng magpahinga ni elvira. si Macario naman ay nag ayos ng palay habang sina Josefa at avelino ay natulog.

"Ano nga pala ang ginawa niyo sa tondo kuya"-tanong ni Florencia habang naghihiwalay ng bato sa natuyong palay na dala ng kaniyang ama. Eto kasi ang pampalipas ng oras ni Florencia at binibigyan pa siya ng isang pilak ng kaniyang ama na pambili niya ng Talaarawan.

"Andun kami dahil nakiisa kami sa pag buo ng Katipunan, Adeng"-wika nito tsaka sumama na rin sa paghihiwalay ng bato sa palay.

"Ano iyun kuya? Hindi ba't ipinatapon na si Doktor Jose Rizal sa dapitan kaya nabuwag na ang La Liga Filipina?"-nagtatakang wika ni Florencia. Kahit na medyo may kalayuan sila sa Kabihasnan, nakikinig parin si Florencia ng balita sa kaniyang tiyuhin.

"Hindi pa Adeng, hinding hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakakamit ang kalayaan"-wika naman nito. Napangiti nalang si Florencia ngunit bigla itong nalungkot.

"Nabalitaan ko kay tiyo ang mga ginagawa ng mga kastila sa mga nag aaklas kuya, natatakot ako para sa buhay niyo ni Kuya Fonso"-wika ni Florencia na may halong lungkot sa kaniyang boses. Napatigil naman si Adorado at humawak sa pisngi ni Florencia "Ang kamao kong ito ay sing tigas ng isang dyamante, kaya hindi ako magpapatalo kahit sino man"-wika naman nito tsaka nagtawanan ang magkapatid. Patuloy silang nag usap habang naghihiwalay ng bato sa palay.

Kinaumagahan maagang gumising ang mag anak. Ang Ama nilang si Macario ay maagang nagpunta sa ilog upang manghuli ng isda para sa tanghalian. Si Luzviminda naman ay maaga ring nagising dahil magtutungo pa ito sa Palengke upang magtinda ng gulay at hindi muna raw makakabisita si Elvira dahil nais daw muna niyang magpahinga.

Naiwan sa bahay sina Alfonso na sobrang himbing ang tulog, Si Adorado na nasa Salas at pinagmamasdan ang kalangitan, Si Florencia naman ay nag aaliw habang pinapakain ang mga pato at ang Bunsong magkapatid na si Josefa at Avelino naman ay nasa labas rin at gumagawa ng alahas gamit ang bulaklak ng Santan.

Pagkatapos magpakain ni Florencia ng Mga pato ay pumasok na ito sa kanilang kubo. Nahuli niya ang kaniyang Kuya Adorado na nakadungaw at ng tignan niya ang sinisilayan nito ay napangiti siya.

Umiibig ang kaniyang kuya sa kaniyang Kaibigan na si Esmeralda. "Kayganda talaga ng aking kaibigan ano kuya?"-wika ni Florencia kaya bumalik sa kaniyang sarili si Adorado. Nanlaki naman ang mata nito ng makita niya si Florencia sa kaniyang tabi.

"Wala akong tinitignang binibini Adeng, tinitignan ko lamang ang kalangitan"-palusot nito kaya napatawa naman si Florencia.

"Kuya kailan pa napunta sa bahay ni Aling Marcelina ang kalangitan"-pang aasar nito. Akmang hahabulin sana ni Adorado si Florencia ngunit tumakbo na ito palabas.

Kinatanghalian, dumating na sina Marcelino at Luz mula sa kanilang mga lakad. Napatawa naman ang lahat dahil sa sobrang sarap ng tulog ni Alfonso ay kakagising pa lamang nito.

"Kaysarap talaga sa ating tahanan Ano Alfonso, sabi ko naman sa inyo wag na kayong bumalik sa maynila, manatili na lamang tayo rito"-wika ni Luz habang hinahanda ang pagkain.

Ang ulam nila ngayon ay pritong isda at prutas

"Ina, walang magbabago sa ating pamahalaan kung hindi tayo kikilos, gusto ko manlang na bago mag asawa si Florencia ay may makita na natin ang kalayaan"-wika ni Alfonso. Tinapik nalang ni Luz ang anak niya sa balikat.

"Pero kung ano man ang binabalak niyo anak, sana ay magtagumpay kayo, sa awa ng diyos"-wika ni Marcelino.

Kinagabihan, naramdaman ni Florencia na may gumagalaw sa labas. Ilamg beses niyang pinahid ang kaniyang tainga ngunit hindi niya matanggal ang tunog.

Dahil rito, tahimik na padabog siyang sumilip sa pinto ng kanilang kwarto. At nagulat Siya dahil nakita niya ang kaniyang Kuya Alfonso at Kuya Adorado na nag uusap ng patago, itinapat niya ang kaniyang tenga upang marinig ito.

"Ngayon na agad, hindi puwede"-wika ni adorado

"Kailangan na nating umalis ngayon dahil malapit ng isagawa ng grupo ang plano"-wika naman ni alfonso

Suminghal si Adorado

"Paano sina Inay hindi manlang tayo magpapaalam?"-wika ni adorado

Napaatras si Florencia at nagulat siya dahil nahulog ang isang garapon kaya napatingin ang dalawa. Saktong napatalon sa higaan si Florencia at nakatulog na rin ito.

Anong plano???



Ang pag-ibig noong unang panahon(Pag-ibig trilogy #2)Where stories live. Discover now