[CHAPTER TWO] Count...

Start from the beginning
                                    

            Sa totoo lang hindi ko naman kailangan nun eh. Wala namang maganda dun. Siguro kumpleto na ang buhay ko.

            Napagpasyahan kong umuwi na nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

            “Hello, Jane?”

            “Anong nangyari sa quest mo?”

            “Eto. Pare-pareho kayo ng sagot eh. Boyfriend. Aanhin ko naman yun?”

            “Bessie, ang KJ mo talaga! Gusto mo bang tumandang dalaga?”

            “Eh, ayoko ng boyfriend eh.”

            “Midori Vivero, umayos ka nga! Try mo lang. Makipag-date ka lang. Kahit ‘yang si Dwaine, patulan mo na. Date lang naman ‘to, Bess. Isang beses lang.”

            “Dating Dwaine is something crazy.”

            “Then be crazy! Isang beses lang naman Bess. Para maranasan mo lang. Wala namang mawawala sa’yo eh. Mabait na bata ka naman. Hindi mo naman siguro ipamimigay ‘yang ‘chuchu’ mo.”

            “Anong ‘chuchu’?”

            “Wala! Makipag-date ka para lumigaya ang buhay mo.”

            Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Jane.

            Naglakad na ako pauwi. Bakit ko naman gagawin ang sinasabi ni Jane, eh kalahating tao, kalahating baliw si Jane.

            Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa Enigma. Isa iyong “lovers' park”. At siyempre, nakita ko ang iba’t ibang uri ng ‘lovers’ na meron sa mundong ito. Hindi ko naiwasang manood. Maraming pumupunta doong single at naghahanap ng ‘makaka-double’.

            Subukan ko kaya? Wala naman sigurong masama eh. Isang beses lang naman. Gusto ko lang maranasan bago pa… bago pa lumala ang sakit ko.

            Napapikit ako nang dinala na lang ako ng mga paa ko papunta sa Enigma.

            Bahala na si Batman.

             

******

“One… two… three…”

            Nagsimula na akong magbilang ng mga dumadaan sa harapan ko. Napagpasyahan kong ang pang-isandaang lalaking dadaan sa harapan ko ay yayayain kong makipag-date. Bahala na talaga. Hindi na lang siguro ako magpapakilala ng totoo kong pangalan sa lalaking iyon. At sisiguraduhin kong ito ang huling beses naming pagkikita.

            Bahala na talaga.

            “Twenty-four… twenty-five… twenty..s…s…six…” hindi ko pa mabigkas ang huling numerong iyon dahil ‘bading’ yung dumaan.

            Bigla akong kinabahan. Paano kung bading yung pang-isandaang lalaking dadaan?

            Bahala na talaga.

            “Fifty-eight… fifty-nine… sixty… Manong, pabili!” Tinawag ko yun pang-sixty na lalaki para bumili ng paninda niya. Matanda na siya at nagtitinda siya ng ice cream.

            Pagkabili ko ng ice cream ay kinabahan ako. Paano kung matanda ang pang-isandaang lalaking dadaan?

            Bahala na talaga.

          “Seventy-seven… seventy-eight… seventy-nine… E-eight…” Sinundan ko ng tingin iyong pang-eighty na lalaking dumaan. Tumatakbo siya at may hinahabol na isang babaeng umiiyak.

            “Kawawa naman iyong babae, ano kayang nangyari?” Bigla akong kinabahan. Paano kung ganun din ang eksenang ginagawa ng pang-isandaang lalaking dadaan?

            Bahala na talaga.

            “97… Naku, Lord ang bata naman nito. Ayoko pong makasuhan ng child abuse! Mabuti na lang at 97 pa lang,” masyado kasing bata ang dumaang lalaki.

            “98… Ah… Tao ba ito? Bakit, Lord… Mukhang… ET? Totoo po pala ang alien?” Bigla kong natapik ang bibig ko. Ang sama kasi ng sinabi ko.

            “99… LORD! Siya na lang po! Ang pogi! Ang hawt! Ulam na ulam na ‘to Lord! Sige na po! Isa na lang naman po eh… Saka… malay niyo po may nakaligtaan akong bilangin. Lord, ito na lang po, ha?” Ang gwapo kasi ng lalaking iyon. “Almost perfect” kumbaga. Nakakatakot kasi kung sinoman ang pang-isandaang lalaking dadaan lalo na’t kung ano-anong uri ng lalaki ang dumaan sa harap ko. Ang masama pa, nakakatakot yung iba.

            Pero biglang kumulog kahit para namang hindi uulan. Isa lang ang ibig sabihin nito. “Okay, Lord! I’m just kidding! Don’t be mad po!”

            Huminga ako nang malalim at pinagsalikop ang mga kamay ko. Ito na. Kung sinoman ang susunod na daraan, siya na. Hindi na ako pwedeng umayaw, dahil ito na yong hinihintay kong pagkakataon. Matapos ang matagal kong paghihintay, magbubunga na ang lahat. At kung sino man iyon…

            Bahala na talaga.

            “100…”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now