Part 1

4 0 0
                                    

My name is Kiel
18 years old
Grade 12 student

At gusto ko na matapos tong school year nato para makalayas na dito
Lahat nalang ng kasabayan ko puro pumapasok nalang para lumandi
Kung hindi naman sila lalandi, para lang sa tropa at baon, gusto ko nang matapos ang school para maka abroad kaagad ako.
Mayaman ang family ko pero hindi yun alam ng lahat ng kaklase ko, wala din kasi akong kaibigan sa school nato di ko rin kasi sila lahat ka vibes. Habang papunta ako sa likod ng school para kumain mag isa, may nakita akong mag jowang naghahalikan, favorite spot ko pa talaga napili nilang lugar. Wala naman akong pake sa kanila kaya naghanap nalang ako ng mapagkakainan ko. Bumalik ako sa classroom after kumain para matulog, nang biglang may gumising sakin na babae

"Kiel gising na, yung next sub natin mag s-start na"
kilala ba kita? naiinis kong tanong sakanya "sorry sa istorbo pero nakaupo ka kasi sa upuan ko"
*tumayo agad ako at umalis.

Bumalik ako sa upuan ko para ituloy ang tulog ko, nang biglang may gumising nanaman sakin

"Kiel"
Ikaw nanaman?
"Yung bag mo kasi naiwan mo sa upuan ko"
Lagay mo lang dyan wag mo muna ako istorbuhin, sagot ko

Yung babaeng kumakausap pala sakin, siya si "KANA" Kylie Ayannah Nicole Alcantara. Kana for short, yan ang palaging tawag sa kanya. Di naman kami friends niyan, president lang siya ng classroom namin kaya kilala niya ko. Isa din yang babaeng yan na malandi may boyfriend yan sa kabilang section na mayaman.

"Kiel"
Ano nanaman?
"Gusto ko lang mag sorry dahil inisturbo ko yung tulog mo"
Hays! mas lalo mo lang akong iniisturbo */galit kong sagot sa kanya
"Ganun ba, sorry"
Nang aasar ka ba?
"Hindi, gusto ko lang talaga mag sorry"
Just go back to your desk and leave me alone!

Ewan ko ba kung nang aasar lang to o nagpapapansin lang. After ng school namin habang pauwi ako ay nadaanan ko si Kana na may kayakap na lalaki, nung una wala naman akong pake, pero yung nakita ko yung lalaki parang sabi ko familiar. Naalala ko nalang na siya pala yung lalaking nakita ko na nakikipag halikan sa likod ng school, pero iba yung kahalikan niya. Eh.. wala pa rin naman akong pake, relasyon nila yan
Pag uwi ko sa bahay humiga agad ako sa higaan para magpahinga, nagulat nalang ako ng biglang may tumawag sakin.

"Nakuwi ka na ba?"
Sino to? sagot ko
"Si Kana to"
Pano mo nahanap number ko?
"Nasakin lahat ng information ng buong classroom natin"
At ginamit mo yun para malaman number ko?
"Oo"
Alam mo bang pwede kitang kasuhan
"Hala, bakit mo naman ako kakasuhan"
Private information ko yan, at tinawagan mo ko ng wala namang emergency
"Meron kayang emergency"
At ano naman yun?
"Uhmm ano, may nabalitaan kasi ako na nakidnap daw sa balita"
Saan yun?
"Sa Cebu"
Oh saan ba yung location ng school naten?
"Manila"
Kakasuhan na kita
"Teka wag, joke lang eh"
Ano ba kasing kailangan mo
"Gusto ko kasi sana humingi ng tulong sa iyo"
At anong tulong kailangan mo sakin?
"Feeling ko kasi nag c-cheat sakin boyfriend ko"
At ano naman kinalaman ko don?
"Nag seselos kasi dati yun sayo"
Huh? Eh di ko nga kayo kilalang dalawa
"Oo alam ko, pero nung nakita ka kasi niya nung hinatid ako sa classroom, nagselos siya sayo"
Oh ano ngayon? ano gagawin ko? gusto nyo lumipat pako ng classroom?
"Hindi, hindi ganun"
So aalis ako ng school para mag adjust para sa inyo?
"Eto naman, patapusin mo muna kasi ako"
30 seconds go
"Wait teka, ang ano naman neto" nauutal niyang sabi habang kinakabahan
20 seconds
"Bat naman kailangan mo pa ako bilangan, kakausapin ka lang naman eh"
10 seconds
"Uhm ano nga kasi-"
5, 4, 3-
"Pwede ba kita maging boyfriend?"
Sira ulo

Binabaan ko siya ng phone dahil alam kong walang kwenta lang mga sinasabi niya at aksaya lang sa oras, Tumawag siya ng paulit ulit pero ni isang beses di ko sinagot. Balak ko sana umabsent kinabukasan kaso naalala ko may quiz kami at kailangan ko yun para sa grades ko, ayoko pa naman makita yung babaeng yun.

*/Kinabukasan sa school

"Uy bakit hindi mo sinagot mga tawag ko?"
Kasi alam ko mga walang kwenta lang naman sasabihin mo
"Hear me out, kahit saglit lang"
Magsalita ka lang, matutulog ako
"Hindi ko naman intentionally gustong maging boyfriend ka, gusto ko lang pag selosin bf ko"
At bakit naman ako na involve?
"Ikaw lang kasi maaasahan ko, alam kong nagseselos siya sayo at baka pag nag selos siya, tumino na siya"
What makes you think na kapag nag selos siya sayo, titino na siya?
"Feel ko lang"
"Gusto ko lang din na ma feel niya na kaya ko siyang ipagpalit tulad ng ginawa niya sakin"

Habang nakayuko ako sa lamesa ko biglang tumulo yung luha niya sa buhok ko. Pagtingala ko nakita ko nalang si Kana na umiiyak sa harap ko, gusto ko sana umalis ng classroom para mag walk out pero.. hindi naman ako pinalaking nagpapaiyak ng babae kaya niyakap ko siya. Buti nalang at wala pang ganun tao sa classroom dahil maaga pa, hinatak ko si Kana palabas ng classroom para punasan niya mga luha niya

"Bakit moko hinatak?"
Gusto mo bang makita ka ng mga classmates natin na umiiyak
"So pumapayag kana na tulungan ako?"
Hindi. sagot ko
"Eh bakit mo ko hinatak don"
Ayoko lang isipin ng mga kaklase natin na nagpapaiyak ako ng babae
"Pumayag kana, please"
At ano naman mapapakinabangan ko kung papayag ako sa gusto mo?
"Bibigay ko sayo baon at packet money ko"
Magkano ba pocket money mo?
"150 pesos"

Akala nga pala ng buong classroom mahirap ako, pocket money ko tuwing papasok ako 1k hindi pa kasama allowance ko dun sa isang buwan */bulong ko sa sarili

Pass.

"Please?"

Nakikita ko na walang patutunguhan yung pinag-uusapan namin, kaya bumalik nako sa classroom at iniwan ko siya. Pagtapos ulit ng school namin ay dumiretso ako umuwi ng bahay. Niyaya ako ng parents ko na kumain para sabay sabay daw kami, nagulat nalang ako ng bigla akong kinausap ng dad ko.

"How's school son?"
Okay lang
"Good"
"next year pala college kana, saang bansa mo ba gustong mag aral?"
U.S dad, sagot ko
"Son"
"As much as I want to, pero iba kasi ang culture ng US"
Paanong culture? tanong ko
"Ayokong ma influence ka ng mga tao doon"
"Alam mo naman sa bansa nila, adik na adik sila sa word na freedom"
And? ano pong masama dun?
"I just don't want na baka mahawaan ka nila sa LGBT Community nila"
Dad..hindi naman po ako bakla
"I know son, pero kasi 18 years old kana at wala pa akong nakitang may kausap kang babae"
Wala akong time para mag girlfriend, dad
"I'm sorry son, pero hindi ako papayag na pumunta ka ng US"
Hays
How about this dad
Before graduation kapag may napakilala akong  babae sayo, papayag na po ba kayo na mag aral ako sa US?
"5 months before departure mo, dapat may maipakilala ka sakin na babae at maging kayo ng 5 months, para ma make sure ko na hindi ka lang basta kukuha ng babae sa school nyo"
Hays
Whatever dad, basta keep your promise
"Sure son"

Ewan ko ba sa tatay ko
Need ko pa tuloy maghanap ng girlfriend at maging kami ng 5 months. Bigla ko nalang naalala yung offer ni Kana.

Hmm, deal.
Papayag akong maging fake boyfriend mo
"Talaga"
But
Meron din akong kapalit
"Ano yun"
Need mo magpakilala sa parents ko na girlfriend ko
"Para saan?"
Ayaw nilang papuntahin ako sa states ng walang napapakilalang girlfriend
"Bakit naman"
Do you want the deal or not?
"Syempre gusto"
Bat ang dami mong tanong?
"Sorry na"
"Sige, payag ako sa deal mo"










To be continued....

Thankyou for reading,
Have a nice day!

















FAKE RELATIONSHIPKde žijí příběhy. Začni objevovat