Part 2

2 0 0
                                    

Dito sa pagkakataong to nagsimula kaming mag gamitan, jinowa niya ko para pagselosin yung bf niya, habang ako jinowa ko siya para payagan ako ng parents ko makapunta ng states.

"Since boyfriend na kita"
Fake boyfriend!
"Alangan naman sabihin ko sa public na "fake boyfriend kita"
Does it matter?
"Oo naman, pano magseselos boyfriend ko kung alam niyang pinapaselos ko lang siya"
Bahala ka, malamig kong sagot sakanya
"Okay, ito first task mo"
Teka bakit may listahan ka pa dyan?
"Duhh"
"Syempre gusto ko gumana plano ko para magselos talaga siya"
Mahal mo pa ba siya?
"Oo naman"
"Sobrang sobra"
Eh bakit kailangan mo pang pagselosin?
"Kasi..ano, ginagawa niya din sakin"
That sucks
"Ano bang pake mo, ikaw nga eh ginagamit mo lang din ako para makapunta ka ng states tsk"
Atleast mas matino sakin
"May kanya-kanya tayong reason"
Oo na, Oo na
Ano bang gusto mong gawin ko?
"Uhm I want you to introduce to my friends first"
For?
"Para makilala ka nila"
"Tas syempre automatic kakalat kaagad yun sa campus"
Mga chismosa talaga kayong mga babae eh noh
"Tawag diyan babe, influence"
Don't call me babe!
"Bakit naman? dapat may callsign tayo"
Yuck
Napaka jejemon mo naman
"Napaka nye nye mo naman"
Whatever
Bahala ka
"Sungit mo naman"
Kelan mo ba ako ipapakilala?
"Luh excited to oh"
"Kalma ka lang, makikita mo din parents ko"
Ew
Ikaw nalang magsabi sa kanila, and I'll just confirm it

Same day ng araw na yun pinakilala niya ko sa friends niya. I'm shocked dahil umabot kaagad to sa buong campus, from nobody to somebody agad yung pangalan ko. Isa talaga to kung bakit ayaw ko sa pinas, mga chismosa.

Now what? tanong ko sakanya
Kalat na agad sa buong campus natin ah
"Just wait, kapag may ibang tao hawakan mo kamay ko ah"
Hinugasan mo man lang ba kamay mo?
"Oo naman"
"Grabe to sakin"
Just making sure
"Uy uy uy may tao, hawakan mo kamay ko"

Hindi ko namalayan yung katawan ko gumalaw at hinawakan ko kaagad kamay niya
Siguro reflex ko lang din yun since nag command siya sakin, at fake kasi mga ginagawa namin.

Grabe makatitig mga yun ah
"Ganyan talaga dito sa school, maraming tsismosa"
Halata nga, bawat galaw mo nakatingin eh
"Mamaya pala pag uwi, hatid mo ko ah"
Pati ba naman yun? naiinis kong tanong
"Syempre"
"Akala ko ba gentleman ka?"
Sa magiging girlfriend ko
"Ako nga girlfriend mo"
Pinapakulo mo talaga dugo ko
"Meaning ba non, napapakilig kita?" nakangiti niyang sabi
Just get out of my sight
Hintayin mo nalang ako sa gate mamayang uwian

Hindi ko ma gets mga tao sa school na to, paano nila nagagawang lumandi habang nag aaral? hindi ba sila nahihiya sa mga parents nila, pero yung sinabi niya kanina.. na curious ako kung ano ba nangyayari sa katawan kapag kinikilig. Sinearch ko yun at tama nga, metaphor ng blood boil ay kinikilig.
Nah, malayo na maging katulad ko sila. Focus ako sa studies ko hindi nila ako mahahawaan.

"Late ka"
Paano ako naging late?
"10 min kang late"
Eh late din kami pinalabas ng guard sa building namin eh
"Guard niyo si Tiger no"
Sino yun?
"Wala wala, tara kain muna tayo"
May gagawin ak-
"Wag kana umangal, libre na kita"

Hinatak niya nanaman yung kamay ko sabay dinala ako sa lugawan

"Ano gusto mo?"
Kahit yung sa number-
"Ay eto magugustuhan mo to"
"Kuya, dalawa pong lugaw at tokwa't baboy" sigaw niya
Tinanong mo pa ako kung anong gusto ko
"Wag kana umangal"
"Promise magiging fave mo to'
Let me guess
Favorite mo inorder mo no
"Luh pano mo nalaman"
"Siguro stalker kita no"
In your dreams
"Ay ayan na pala"
"Babe ganito gawin mo"
"Lagyan mo muna yung lugaw mo ng bawang at chopped onions"
Just do it for me
Mukhang excited ka sa ginagawa mo eh

Kumukulo yung dugo ko mula nung tinawag niya ko na "babe" di rin kasi ako sanay na pinagsisilbihan ako, lumaki kasi akong independent in my own ways.
Nah I'm still focused na makaalis sa lugar na to
Sooner or later, hindi ko na rin makikita itong babae na to.

"Ano masarap ba?"
Yeah its good, siguro next time babalik ako dito

Nakita ko siyang nakatingin sakin habang nanglalaki yung mga mata niya, ang laki din ng ngiti niya habang nakatitig sakin

What? Bat ka nakatitig sakin?
"Wala lang, I'm just happy na nagustuhan mo yung sinuggest ko na food"
Hindi ka ba dinadala ng boyfriend mo dito?
"Hindi eh, mayaman kasi yun. Sinasabihan niya ko na magmumuka raw akong pulubi pag dito ako kumakain sa karinderya"
Ah
Sige na bayaran mo na si Kuya, ihahatid na kita
"Sige wait"

Nakita kong natataranta siya habang hinahalungkat yung bag niya

Bakit anong problema?
"Yung wallet ko, naiwan ko sa locker"
Its okay, ako na magbabayad

"Ay sir, wala pa ba kayong smaller bill?" tanong ni kuya
"Wala po kasi kaming pangbarya sa 1k"
Its okay kuya, keep the change
"Sure po ba kayo sir? sige po thank you sir, come again po"

"Teka, sure ka bang hindi mo hihingin yung sukli?"
Nah its fine
I love to give tips, specially kapag nag enjoy ako
"Di mo sinasabi mayaman ka pala"
Yung parents ko yung mayaman, hindi ako"
"Teka nga"
"Yung ex ko ba yun"

Habang pauwi kami galing sa karinderya, nadaanan namin yung ex niya, may ka holding hands siya at ibang babae nanaman. Nakita kong naluluha si Kana kaya hinatak ko nalang yung kamay niya palayo doon.

You should forget him.
"Ang hirap eh"
Trust me, sa una lang yan
Pero keep thinking na hindi na siya yung taong minahal mo nung una pa lang
"Hindi ko talaga gets kung saan ba ako nag kulang" naiiyak niyang sagot
Wala kang kulang, he just don't deserve you
"Ano bang deserve ko?"
Deserve mo yung taong mag aappriciate sayo,
Yung mag eenjoy kasama ka sa mga ganito, yung mag eenjoy kayong dalawa sa mga bagay na hindi ginagawa ng iba. Yung hindi ka ikakahiya, yung tipong kaya kang ipagtanggol sa iba.
"So, in short.."
"Ikaw?"










To be continued....

Thankyou for reading,
Have a nice day!













Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 23 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

FAKE RELATIONSHIPWo Geschichten leben. Entdecke jetzt